♬35 Filthy rich

23 1 0
                                    

Naglalakad ako sa kalakihan ng time square dahil bibili ako ng bagels na request ni addy. Sa paborito niyang food cart doon.

May nakita akong mga Filipino, tourist or maybe expats. Nginitian ko sila ng tawagin nila akong kabayan. Habang nag lalakad ay napahinto ako ng may mag flash sa malaking screen ng time square.

Napalunok ako at napatitig sa picture nila. Isang litrato ng demain band at ang latest single nila. Napangiti ako ng makita ko iyon. I'm so proud of them really. Nasaktan man ako ni reed pero hindi ko mapagkakailang masaya ako sa tinatamasa nilang tagumpay. Demain band will always be part of my life.

May kirot man sa puso ko pero ang limang taon na ginugol kong wala sila ay nagturo sa akin na maging masaya sa bawat tagumpay ng bawat tao. I am not the same immature Jazz anymore. Marami na akong natutunan sa mga pinag daanan ko. I am not bitter, hindi man ako wholeheartedly and genuinely happy. But atleast, I can smile now while looking at them, especially him. May kirot man pero natatabunan nun ang pag iintindi sa nangyari sa love story naming dalawa.

It was not a fairytale like I wished, like I wanted. The things that happens from the past taught me and gave me a valuable lesson in life.

"Yan yung sinasabi ko sayong sikat na sikat na boy band ngayon."

"Nag wo-world tour sila ngayon diba?"

"Oo! Pero sayang wala silang concert dito sa NYC!"

"Bakit naman? Ang dami nilang fan base dito."

"Hindi ko alam pero ang usapan, ayaw daw ni reed. Naalala niyo yung composed niyang like we used to? Diba sabi ni Jesse sa interview. Sa plane ginawa ni reed ang kanta. From New York to Philippines. May mga usapan na may ex siya sa academy noon. Iniwan siya at nag punta yung girl dito sa NYC. Pinuntahan siya ni reed but the girl already have a new lover."

"Grabe!!! Kung ako yung girl I would never leave reed!"

"Ako din! He's every woman's dream. Gwapo, mayaman, mabait, gentleman, super talented ang galing niya sa music. Hayy! Nakaka-inlove ang mga tingin niya tapos sasabayan pa niya ng ngiti. Kinikilig ako!!"

"Suplado man ang itsura pero mag nakadagdag yun sa charisma niya! Kagigil talaga! Lalo na ang mga muscles niya! Sarap siguro yakapin ng isang reed!"

"Ano kayang itsura nung girl? Ang haba ng buhok niya ah. Lahat ng kanta ng demain ay halos para sakanya."

"Anu-ano yung mga songs? At isearch ko mamaya pag uwi ko tapos sabay senti. Kunwari ako yung girl."

"Like we used to, be your everything, little things, you and I, lifeline, thunder, hero/heroine, two is better than one, tonight, I miss you, it's gotta be you and ugh I don't know the others na dahil madami dami pa."

"Isearch ko nalang nga mamaya."

"Bali-balita din na magaling din sa music si girl. Yung mga unang kanta ng demain band sa first YouTube video and busking nila ay yung babae daw ang mag composed!"

"Talaga? Ano yung kanta?"

"Send ko sayo yung playlist. I admit magaling si girl."

Tinignan ko ang apat na pinay na nag uusap kanina sa likuran ko. Tinitignan nila ang picture ng demain band sa screen. Nakatingala sila at halata ang pag hanga nila sa mga ito. Napansin nilang nakatingin ako sakanila. Tipid akong ngumiti at nagmadaling umalis.

Pagbalik ko sa apartment ay nag kulong ako sa kwarto. I turned on my computer and search all the demain band's song at isa isa ko iyon pinakinggan. Hindi ko ito ginagawa. Iniwasan kong isearch sila sa social media. Dahil alam kong papahirapan ko lang ang sarili ko. But what I've heard awhile ago, pushed me.

HeartstringsWhere stories live. Discover now