♬12 Famous

25 2 0
                                    

After ng Ilang araw ay lalo akong naiinis sa mga atensyon na nakukuha ko sa mga tao. Ayoko na pinag titinginan at pinag uusapan ako. Mabuti nalang meron si raine, lyka at Alexa na laging to the rescue sa akin.

Alam naman kasi nila na ayoko talaga ng atensyon. Matapos ang performance last week ay sinabi ko sakanila na totoo lahat ng sinabi ng panelist. Ayoko na sana pag usapan pa pero Ilang beses nila akong kinulit ng kinulit. Knowing them? Hindi sila titigil.

Sinabi ko sakanila na ayoko ng atensyon at gusto ko at tahimik kong matatapos ang isang taon dito sa academy na naintindihan naman nila. Hindi na ako nagsabi ng kung anong dahilan pa dahil hindi na dapat nila yun malaman.

Lumipas ang tatlong buwan na walang problemang nangyari sa akin sa academy na to. Kaya gusto ko sana magtuloy tuloy yun. Pero ito ngayon at unti-unti nang nagugulo ang tahimik kong buhay. Pero okay na din na ganito lang ang nayayari. Sapat na sa akin na pinagtitinginan lang ako. Wala na sanang iba pa.

Tama nga ang sinasabi nilang pag masaya ka ay mabilis lumipas ang araw. Parang kailan lang eh unang linggo palang namin dito. Ngayon ay tatlong buwan na kami.

Sa Ilang araw matapos ang pangatlong buwang performance ay hindi na pumasok si reed na ikinaproblema ko. Matapos ang performance last week ay hindi ko na siya nakita pa. Wala ba siyang pakialam?

Scholar din siya ng academy at may dapat siyang I-maintain na grades and records dito. Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na buhay niya yun at galit ako sakanya kaya bahala siya sa buhay niya.

Nag tatagpo man ang landas naming dalawa pero siya ang unang umiiwas. Kaya lalo akong naiinis dahil hindi man lang siya humingi ng sorry after ko ipamukha sakanya na mali ang iniisip niya sa akin.

Dahil sa sobrang inis ay pati si kuya hero nadadamay ko. Hindi din ako nagpapakita muna sakanya dahil baka makita ulit ako ni reed na pumasok doon. At worst, baka may ibang students na ang makakita sa akin.

Natapos ang buong araw at nakapaskil na sa board ang gradings namin matapos ang performance last week. Ako ang nangunguna at sumunod si reed. Nag congratulate ang karamihan sa akin pero di ko sila pinansin. Para bang sanay na din sila sa akin kaya wala nalang sakanila kung dedmahin ko sila.

Para makaiwas sa atensyon nagpaalam ako kila raine. Pumunta ako sa old building. Matapos ang performance hindi ko na nakikita si reed doon. Na ipinagpasalamat ko dahil ang kapal ng mukha niya pag doon siya nag punta. Siya man ang nag ayos ng lugar pero ako ang nauna doon. Spot yun ng mga magulang ko! Somehow, that place is mine!

Pag pasok ko sa loob ng secret room ay napahinto ako ng makita siya. Nagkatitigan kami ng matagal. Ako ang umiwas ng tingin at aalis na sana pero nakita ko ang mga libro ko sa maliit na mesa. Kailangan kong kunin yun at sa dorm nalang mag kukulong.

"Jazz..." Tumigil ako sa pagkuha ng mga libro ko dahil narinig ko siyang tinawag ako. Mahina lang yun pero rinig ko. Nag patuloy ako sa ginagawa ko.

"Please... Stay..." pinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim.

"Kukunin ko lang ang mga litratong ito." Sabi ko at tinanggal ang mga pictures ng magulang ko.

Natigil ako ng hawakan niya ang kamay ko. Nilingon ko siya at kita ko sa mukha niya ang lungkot at guilt.

"I'm so sorry. I'm sorry for all the things I've told you. Please kausapin mo na ako." Para na naman siyang bata na humihingi ng tawad. Umiwas ako ng tingin dahil para akong bibigay na pag tinitigan ko pa siya.

Bakit ang tagal bago siya nag sorry? Bakit pinatagal pa niya? He can talk to me after the performance pero hindi niya ginawa.

"I don't know what got into me. Noong nakita ko kayo na pumasok sa room. Bawat minuto na lumipas kung anu-ano ang pumasok sa isip ko. I was so embarrassed when I showed you my weakest side that night. Alam kong matalino ka pagdating sa music kaya alam kong naintindihan mo ang tinutugtog ko dito." Tama siya. Alam kong puno ng hatred, madness and sadness ang tinugtog niya.

HeartstringsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang