Kabanata 51

5.5K 154 37
                                    

Jema

Nagising ako dahil sa sobrang lakas ng ulan. Tinignan ko oras sa cp ko, pasado alas nuebe na pala. Wala rin manlang text o tawag mula kay Deanna. At wala pa ito rito sa condo. Saan naman kaya umuwi yun. Tapos naman na kasal ng kapatid niya. Wag mong sabihin na hanggang ngayon nakikipag usap pa siya sa mga bussiness partners at relatives nila.

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Paglabas ko ay may bulaklak sa may lamesa sa sala. My favorite flower, sunflower. At may kasamang mga iba't ibang klase ng chocolates. Wala namang kasamang sulat kung kanino galing.

Lumabas ako sa unit at luminga linga sa paligid pero wala namang tao. Pumasok na ulit ako at umupo sa sala. Kinuha ko phone ko at tinawagan si Deanna. Nakailang ring na pero hindi parin sinasagot kaya pumunta muna akong cr para gawin morning rituals ko at maliligo na rin.


Pagkatapos ko maligo ay nagpalit na ako. Pupunta muna sa coffee shop, ilang araw na rin akong di pumunta run e. Kumuha ako ng isang chocolate para kainin sa daan.



After 30 minutes, nakarating na ako sa coffee shop. Nakasara parin ito, asan mga empleyado ko. Ngayon lang ata nagkaganito a. E 3:30 nagbubukas na sila. Buti nalang kinuha ko ang susi pero nang buksan ko ay nakabukas naman pero madilim, patay ang mga ilaw. Nang biglang...






















"SURPRISE!!!" sigaw ng lahat


Kasabay ng pagbukas ng mga ilaw. Si Deanna ang unang nahagip ng mga mata ko na sobrang lapad ng ngiti sa akin. Nandun mga kaibigan ko at kaibigan niya. Nandun din ang pamilya ko at pamilya niya. Nilibot ko ang tingin ko at puno ito ng pikachu balloons. At sa likuran ko nandun mga empleyado ko, nakahawak sila ng tig iisang letra na nagsasabing, H A P P Y A N N I V E R S A A R Y L O V E.


Super speechless na ako sa mga nakikita ko. Hindi na rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Lumapit sa akin si Deanna.

"Magsalita ka naman, Love." natatawang sabi nito

Yinakap ko na ito ng mahigpit at nag unahan ng tumulo mga luha ko. Hindi talaga siga nawawalan ng surpresa para sa akin.

"Kiss!!!" sigaw ng lahat


Hinawakan ni Deanna ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako. Pagkatapos ay nagpalakpakan ang lahat.


"Happy 2nd anniversary Love." sabi nito


"Happy anniversary Love. I love you. I love you so much." sagot ko

"Nagustuhan mo ba?" tanong nito

"Sobra. Kaya pala di ka umuwi. Ang daya mo." sabi ko


"Hahaha. Sorry na Love." sabi nito


"Maya na kayo mag usap. Kumain muna tayo." singit ng Dad ni Deanna

"Tama ka jan balae. Kumain na tayo para makapag inuman na." sabat ni Papa at nag apir pa sila


May mga pagkain na nilabas ang mga empleyado ko mula sa kusina. May palechon pa. Para namang pista. Hahaha. Sa dami ng pagkain nagutom ako. Hahaha.

Magkakaharap ang mga kaibigan ko at kaibigan ni Deanna sa isang table. Sa isang table naman ay ang mga kapatid at pinsan ni Deanna at si Mafe. At sa isa naman ay ang pamilya namin ni Deanna.


Una akong pumunta kung nasan mga kaibigan namin kasama si Deanna.

"Paano kayo napapayag ni Deanna?" singit ko sa kanila habang nagkakatuwaan sila


Authentic LoveWhere stories live. Discover now