Kabanata 20

5.2K 126 9
                                    

Deanna

Dahil sa bagot na bagot na ako sa unit ko maaga akong bumiyahe papuntang Laguna at mga 4:38 nakarating ako dun.

Bumili pala ako ng cake, balloons and kasing laki ni Athena na stitch. Paborito niya raw kasi ito. Tinanong ko kay Mafe.

O diba? Effort na effort Wongskie parang ikaw jowa a.

Natutuwa kasi talaga ako kay Athena. Siguro namimiss ko lang si Peter.

Hindi ko rin pala alam kung gising na ang mga ito dahil sobrang napaaga naman ata ako.

Kaya tinawagan ko si Mafe.

Mukhang gising naman na ata sila lahat dahil naririnig ko boses nila Tito at Tita nang mag usap kami.

Pagkatapos namin mag usap ay maya maya may nagbukas na ng gate nila.

Si Mafe at Athena.

"Tita Deanna!" bungad ni Athena saka tumakbo palapit sakin kaya lumuhod ako para magpantay kami

"Hello baby girl. Aga mo naman nagising." sabi ko rito ng nakangiti

"Excited sa bithday party niya mamaya." singit ni Mafe

"Ah, may mga balloons sa loob ng car and cake. Pakikuha Pangs." sabi ko kay Mafe

Close niyo naman na ata agad.

Natatawa ako sa itsura ni Mafe dahil mukhang hindi ata kaya hawakan lahat. Hahaha

"Para po sakin lahat yan Tita?" tanong ni Athena

"Yes baby girl. Do you like it?" sabi ko

"Yes Tita. Thank you." sabi nito

Nauna nang pumasok si Mafe dahil konti nalang mabibitawan na lahat ng hinahawakan.

"And not only that. Theres more. Close your eyes." sabi ko sa kanya at pinikit naman mga mata niya

Kinuha ko ang stuffed toy na stitch sa car ko.

"Now, open your eyes baby girl." sabi ko

Then i saw her big smile. Parang nagheart heart pa mga mata nito.

"Wow! My favorite. Thank you so much Tita. I love you po." sabi nito at hinalikan ako sa pisngi at yinakap

"Malakas ka sakin e. I love you too baby girl." sabi ko at yinakap na rin

Binuhat ko na ito na yakap yakap si stitch at pumasok na sa bahay nila.

"Oh, Deanna. Naku! Masyado mo naman atang iniispoiled ang apo namin." bungad ni Tito Jess

"Hindi naman po. Mahilig lang talaga ako sa mga bata." sagot ko

"Nag umagahan kana ba? Sobrang aga mo e." sabi ni Tita Fe

"Actually, hindi pa po. Ayoko po kasi matraffic tsaka wala naman po akong ginagawa sa unit ko." nahihiyang sabi ko

"Deanna, salamat dito a. Nag abala ka pa." singit ni ate Jovi

"Wala yun ate. Malakas tong si Athena sakin e." sabi ko at kinurot ang pisngi ni Athena

"Mabuti naman at nakapunta ka. Hihintayin talaga kita e." sabi ni Tito

"Malakas din po kayo sakin e. Anong alak po ba gusto niyo?" biro ko rito

"Yan gusto ko sayo e." sabi niya at nagtawanan kami



Nang biglang may dumating.










"Ma, Pa dito na kami." sabi ni Jema









Authentic LoveWhere stories live. Discover now