Chapter 37

6K 142 21
                                    

Deanna

Hindi na ako sumabay kay Jema dahil nga may lakad pa ako. Actually, para sa amin naman ito.

Dahil nga nasa Cebu palang si Dean with his fam together with our fam yung secretary niya nalang muna kakausapin ko ngayon.

Engineer si Dean kaya siya pagpapatulungan ko para libre. Hahaha











Isang oras ko ring dinisscuss kung ano ang magiging disenyo at kung ano ang mga gamit na gagamitin sa pagpapatayo.











Pagkatapos ay umuwi na rin ako at tinext si Jema.






To : Love 💓

"Saan mo po ako gustong umuwi? Sa unit ko o sa unit mo? 😁"










Hanep from Pikachu to Love.










Malapit na ako sa condo pero wala pa itong reply. Maaga pa naman kaya wag mong sabihin na tulog na ito.


Nasa harap na ako ng unit nito at tinext ulit. Baka nakatulog na nga at pagod ito.


To : Love 💓

"Sa iba na ako uuwi di ka naman nagrereply e."






Maya maya bumukas ang pinto ng unit niya. Nakapantulog na ito.




"O akala ko ba sa iba ka matutulog?" pagtataray agad nito

"Bakit ba kasi hindi ka nagrereply?" pout ko na sabi

"Kasi nga pinagluto kita." sabi nito

"Talaga?" masayang sabi ko at dirediretso sa kusina nito

Naglagay na ako ng pagkain sa plato ko at nag umpisa ng kumain. Gutom ako e di pa kaya ako kumakain.


"Ang takaw mo hindi ka naman tumataba." sabi ni Jema na umupo sa harap ko

"Ganun talaga sexy ako e. Kaya malas mo pag nawala ako sayo." sabi ko

"At sino namang nagsabi na mawawala ka sa akin, aber?" sagot nito

"E kailan mo ba ako sasagutin?" tanong ko

"Nanliligaw ka ba?" tanong niya pabalik

"Hindi pa ba panliligaw mga ginagawa ko sayo? Sa isang buwan na may pabulaklak at chocolates ako sayo? Tsaka wala sa bokubularyo ko ang manligaw. Kapag mahal mo ipakita mo wag mo ng tanungin kung pwede manligaw o hindi dahil paano nalang pag sinabi mong hindi pwede edi hindi ko na maipapakita na mahal talaga kita kasi busted agad ako." paliwanag ko

"Oo na. Ang dami mo talagang alam." sabi nalang niya

"Pero kapag naiisip kita nagiging bobo ako." sabi ko

"Kumain kana nga. Matutulog na ako." sabi nito at tumalikod na

"Uso kiligin!" sigaw ko rito bago tuluyang makapasok sa kwarto niya


Tinuloy ko na ang pagkain at pagkatapos hinugasan ko na rin. Kakahiya kay madam. Haha


Dito nalang ako sa couch matutulog baka kasi pag sa tabi ni Jema baka may mangyari pa.











Mangyaring banatan. Syempre I respect her ❤










----------

Authentic LoveWhere stories live. Discover now