Kabanata 6

5.1K 118 5
                                    

"Welcome home anak!"

Heto na siguro ang mama niya. Yumakap naman pabalik si Dean.

"Ey! How's my boy?"

Heto naman siguro ang daddy niya. Nag apir silang dalawa

"Asan po si Deanna mom and dad?" tanong ni Dean sa mga ito

So sila nga ang parents niya. Ang cool naman nila.

"Baka otw na yun." sabi ng daddy niya

"Baka may gusto kang ipakilala." ngiting sabi naman ng mama niya

"Ah! dad and mom, This is Jema, my girlfriend." sabi nito sa kanila

Ngumiti naman ako at nagmano sa kanila.

"Mana ka talaga sakin anak. Magaling pumili. Maganda rin gaya ng mama mo." sabi ng daddy niya

Naoverwhelmed naman ako.

"Ako pa ba dad!" mayabang na sabi ni Dean at nag apir ulit sila

"Kayo talagang mag ama." sabi ng mama niya

"Halika na sa loob anak." sabi ng mama niya at hila sa akin

Anak? Natuwa naman ako dahil hindi ko ito inaasahan. Ang bait naman pala ng mga magulang niya.

"Anong gusto mong kainin anak?" tanong ng mama niya sa akin

"Ah, eh, okay lang po ako. Mamaya nalang po." sabi ko

"Naku, hija! wag ka mahihiya ha. Stay at home lang." sabi niya

"Opo tita. Thank you po." sabi ko

"Maiwan muna kita jan ha. Maghanda lang ako ng tanghalian natin." sabi niya at pumuntang kusina.

Nasan na ba si Dean?

Bigla namang may lumitaw sa pinto.

Nakawhite long sleeve ito at black jeans. Naka white shoes.

Kamukhang kamukha ni Dean. Lahat ata pareho sila maliban sa gender. Ang papi rin nito.

Napabalik tanaw naman ako ng magwink ito sakin. Parehong pareho kay Dean.

"Ey! Twinny! You're here na pala. Welcome back!" sabi sa kanya ni Dean

"What's up bro?" sabi naman nito

"Pogi parin. Haha." sabi ni Dean

"Im still the most handsome among the three of us. Diba dad?" sabi nito at yumakap sa daddy nila

"I will think for that. Haha." sabi ng daddy nila

"Akala ko kampi tayo dad?" sabi nito ng nakapout

The way she pout parehong pareho kay Dean.

Don't tell me na. Waaaahhhhh. Kambal sila? 😱

Lumabas naman ang mommy nila from the kitchen.

"Deanna, anak! Welcome home!" masayang sabi nito at nagyakapan sila

Dean and Deanna? So kambal nga sila.

Kinuha ni Dean ang kamay ko at tumayo.

"Ey! Bro! This is Jema, my girlfriend. Baby, this is Deanna, my twin." sabi ni Dean

"Hello Ms. Beautiful." sabi nito at wink

Parang sa kambal niya lang din bolero. Pareho pa ng mannerism.

"Bro, akin na to. Wag na dumamoves." siko naman sa kanya ni Dean

"Hindi pa kayo kasal bro." sabi nito at tumawa

Authentic LoveWhere stories live. Discover now