Kabanata 16

5.2K 146 26
                                    

Deanna

Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Pagmulat ko ay wala na si Jema sa tabi ko.

As if naman nagtabi kayo, may space oy

Tignan ko sarili ko ay mukha akong nakipag away. Yun parin damit ko yung kagabi.

Pumunta na ako sa cr para maligo. Pagkatapos ko ay lumabas na ako.

Nadatnan ko si Mafe, Athena at Tito Jessie sa sala.

"Oh, Deanna gising kana pala." bungad ni Tito

"Asan po si Jema?" tanong ko rito

Uy hinahanap

"Maaga silang umalis para mamalengke." sagot nito

"Ganun po ba." sabi ko at umupo sa sofa

"Mafe, ipagtimpla mo nga ang ate Deanna mo ng kape. Mukhang may hang over pa." natatawang sabi nito

Sinunod naman ito ni Mafe. Pumunta itong kusina para magtimpla.

"Ano pong nangyari kagabi?" tanong ko kay Tito

Hindi ko na kasi matandaan anong nangyari dahil sa kalasingan.

"Wala naman hija." sabi nito at tumawa

Wala? E bakit tumawa ka Tito. Naku! May nangyari ba na di ko alam.

Meron nga.

Sakto namang dating ni Mafe at inabot ang kape.

"Salamat." sabi ko rito

"Malakas ka sakin idol. Penge pagkain?" sabi nito

Natawa naman ako. Naalala ko na siya pala umubos lahat ng pagkain na dala ko. Hindi manlang binigyan ang pamangkin.

"Dalaw ka sa akin sa Manila." sabi ko dito sabay wink

"Talaga?" sabi nito na biglang nagliwanag ang mukha

Hahaha.

"Yup. You're always welcome to my condo." sabi ko

"Yey! Pa baka naman." sabi nito sabay tingin kay Tito

"Basta mag aral kang mabuti." sabat ni Tito

"Yehey!" sabi nito na parang bata

-----------

Jema

"Huy! Kanina ka pa tulala." sabi ni ate Jovi

"Ano bang iniisip mo?" dagdag pa nito

Actually, kanina ko pa kasi iniisip yung nangyari kagabi at ang sinabi ni Deanna.

Kaya maaga akong gumising para sumama kina Mama at ate Jovi mamalengke.

"Ah, e wala ate." sagot ko

"Anong wala e parang ang lalim ng iniisip mo." sabi nito

"Wala ate may problema lang sa caffeteria." pagsisinungaling ko

"Dalian niyo jan para makauwi na tayo." singit ni Mama

Nang mabili na namin lahat ng kelangan bilhin ay umuwi na kami.

After 20 minutes ay nakauwi na kami. Nadatnan namin si Deanna at Athena naglalaro. Si Papa naman ay nakatulog sa sofa. At si Mafe busy ata sa pag aaral a. Himala.

Dinala ko na ang ibang nabili namin sa kusina pagkatapos ay umakyat ako sa kwarto.

Pagpasok ko ay naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Napailing naman ako.

Authentic LoveWhere stories live. Discover now