Chapter 36

6K 153 9
                                    

Deanna

"Jema." sambit ko at niyakap siya ng mahigpit

"Ehem ehem." sabi ni Francine na dumating na

Kaya kumalas na ako ng yakap kay Jema pero siya ay humawak ng mahigpit sa braso. Napangiti naman ako.

Nakita ko rin ang pagpigil ni Francine ng tawa nang makita ang ginawa ni Jema.

Baka ang alam nito ay kami at nagseselos. Possesive naman Love.


"Akala ko ba gusto mo ako makita? Iba naman pala ata gusto mong makita." pagtataray ni Jema at tumingin kay Francine

"Ang cute mo magselos bes. Bagay na bagay nga kayu jan sa itsura niyo." natatawang sabi ni Francine kay Jema at natawa rin ako

Yung mukha ni Jema ay nagtataka kaya nagpaliwanag ako rito.

"Look, she's my childhood bestfriend and she's already engaged." sabi ko at pinakita naman ni Francine ang kamay nito na may suot na singsing

Lumuwang na pagkakahawak ni Jema sa braso ko dahil sa sinabi ko.

"Ah, Fran this is Jema my future girlfriend." ngiting sabi ko

"Why don't we have lunch together kaya ikaw magbabayad Wong." sabi ni Francine

Kaya nagpunta kami sa isang Japanese Resto. Ang daming order ni Francine alam kasi nito na ako ang magbabayad e.

Habang wala pa yung order namin ay nagkwentuhan muna kami.

"Jema, alam mo bang marunong magdrums tong si Deanna 3 years palang ata kami kapag kinokomfascate ni Tita yung drum stick niya yung suklay ang ginagamit nito. Hahaha." kwento ni Francine kay Jema

Nakikitawa lang din si Jema rito. At kung ano ano pang kalokohan ko nang bata ako ang nakwento ni Francine kay Jema.

Mabuting nalang dumating yung order namin kaya tumigil na ito sa kakakwento at nilantakan ang pagkain.




"So paano guys mauna na ako ha. Thank you sa libre Wong." sabi niya at umalis na

"Hindi kana makakaulit!" sigaw ko pa rito



"Saan na tayo punta Love?" tanong ko kay Jema

"Sa puso mo." sabi nito at naunang naglakad

Marunong na rin siya bumanat ngayon a.

"Dati pa naman nasa puso na kita." sabi ko at sinabayan ito sa paglalakad

Hindi niya ako pinansin at dirediretso ito kaya sinundan ko lang. Nakita ko itong pumasok sa may clothing area at may kung anong binili. Paglabas nito ay may dala siyang paper bag.

"O yan magpalit ka. Hindi bagay sayo yang suot mo." sabi nito

"I know, ikaw lang kasi bagay sa akin." i said and wink

"But wait what is wrong with my shirt?" tanong ko pa

"Gusto mo ako pa magbihis sayo?" mataray na sabi nito

"Aba! Syempre gustong gusto ko." biro ko

"Magpapalit ka o hindi?" galit na siya

"Sabi ko nga magpapalit ako e." sabi ko at kinuha na ang paper bag


Pagbalik ko ay may milktea na itong hawak.

"Better!" bungad nito at abot sakin ng isang milktea

Authentic LoveWhere stories live. Discover now