Kabanata 7

4.8K 108 0
                                    

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Naramdaman ko namang wala si Dean sa tabi ko. Baka nasa labas.

Tumayo na ako at naligo. Pagkatapos ay naisipan ko na ring lumabas. Bumaba na ako. Mukhang walang tao. Asan kaya mga yun. Luminga linga naman ako pero wala akong makitang tao.

Nagulat ako ng may kumalabit sa likod ko.

"Anak ng palaka!!!" sigaw ko sa gulat

Natatawa naman siya. Magugulat ako e. Walang tao tapos may kakalabit sayo. Naku!

"Nasa manggahan daw sila. Mukhang late ka rin nagising a." sabi nito at sumeryoso na ang mukha nito

"Ganun ba?" sabi ko

Umupo ako sa couch. Siya naman ay lumabas.

Bakit ba kasi late ako nagising. Di man lang ako ginising ni Dean.

"Ey! Halika na." sigaw ni Deanna sa labas.

Nakamotor ito. Ang lakas ng dating niya.

"Ano tititigan mo nalang ba ako? Alam ko nang cute ako." sigaw niya ulit

Ang yabang naman.

"Maiwan kana diyan? May multo pa naman dito." sabi nito

Agad naman akong pumunta sa kinaroroonan niya. Sasama naman ako e. Di na niya ako kelangan takutin pa 🙄

"Angkas na. Dali!" sabi niya

Tinignan ko lang siya.

"Don't worry I won't bite you." sabi niya na nagpipigil ng tawa

First time ko kasi sumakay ng motor. Natatakot ako e.

"Ang tagal. Maiwan kana nga jan!" sabi niya at pinaandar na ang motor

"Wait!" sigaw ko dahil medyo malayo na siya sa akin.

Tumigil naman siya.

"Sasama na ako." sabi ko

Binalikan niya ako.

"Sasama rin pala e." sabi niya

Wala na akong nagawa kundi umangkas pero di ako humawak sa kanya.

"Hawak ka sa bewang ko." sabi niya

Hindi ko siya pinansin.

Pinaandar na niya ulit ang motor.

Nang biglang nagpreno ito kaya napakapit ako sa bewang niya. Agad ko namang tinanggal ng makabawi ako sa nangyari

"Sabi kasing kumapit ka e." sabi niya

Tama nga siya. Baka mahulog pa ako ng wala sa oras. Ayoko rin naman mahulog ng walang sumasalo. Hahaha

May jowa ka oyyy

Kumapit na nga ako sa may bewang niya. Naamoy ko naman ang pabango niya. Ang bango 😍

"Wag mo ako pagnasaan ha." sabi niya

"In your dreams!" masungit na sabi ko

Tinahak na nga namin ang manggahan na sinasabi niya.

Nang malapit na kami. Nakita ko ang parents nila. Si Peter, Nicole at Cyrielle naman ay nagtatakbuhan. Asan kaya si Dean.

Bumaba na rin ako. Nagmano ako kay tito at tita. Nagmano rin si Deanna.

"Asan po si Dean?" tanong ko sa kanila

"Baby!" si Dean na pababa sa mangga.

Umakyat pala ito sa mangga. May hawak itong isang tangkay ng mangga. Hinog na ito at mukhang matamis.

Authentic LoveWhere stories live. Discover now