Kabanata 41

5.6K 153 18
                                    

Jema

Pagkalabas namin ni Mafe sa kwarto na magkwentuhan ay agad kong hinanap si Deanna. Tinignan ko sa kusina wala namang tao. Lumabas ako nakita ko si Papa at Athena na naglalaro.

"Pa, nakita mo si Deanna?" tanong ko kay Papa

"Sumama kay Mama mo namalengke." sagot nito

"Pa naman! Bakit hindi niyo pinigilan alam niyo namang galit si Mama sa kanya." hysterical na sabi ko

"Ano ka ba anak hindi siya papatayin ng Mama mo." natatawang sagot ni Papa

"Oa mo ate. Magtiwala ka kaya kay ate Deanna." singit ni Mafe

"Tama ka jan anak." sabi ni Papa at naghigh five pa sila ni Mafe

"Haist! Ewan ko sa inyong dalawa." sabi ko at naglakad na papasok ng bahay

Nakakailang hakbang palang ako ng biglang sumigaw si Mafe. Kaya napalingon ako.

"Ate Deanna! Anyare sayo? Nakibakbakan ka ba o namalengke?" sigaw ni Mafe

Ang dumi kasi ni Deanna mula sapatos hanggang damit. Ano ba pinagawa ni Mama sa kanya.

"Ma!" sigaw ko kay Mama

Nagkibit balikat lang ito at tumingin kay Deanna sabay tawa nilang dalawa. Aba! Pinagtatawanan ba nila ako? At nagtatawanan na sila? Okay na ba sila?

"Ibigay mo na yan kay Mafe hija at maligo na kana." sabi ni Mama kay Deanna

"Opo Tita." sagot ni Deanna

Tumingin ako kay Mafe baka alam niya nangyayari pero nagkibit balikat lang ito. Kaya sinundan ko si Deanna sa kwarto. Pagkarating ko ay nasa cr na ito kaya hintayin ko nalang ito. Naupo ako sa gilid ng kama at naglaro muna sa phone ko.

Maya maya ay biglang may yumakap sa likuran ko. Kilala ko na kung sino ito dahil alam ko na ang amoy ng pabango niya.

"I Love You Love." bulong nito

"May dapat ka atang sabihin." sabi ko rito at kumawala sa yakap niya

Umayos naman ito ng upo at ngumiti ito ng pagkalawak lawak kulang nalang mapunit ang labi nito.

"O anong meron sa ngiti na yan?" taas kilay kong tanong dito

"Okay na kami ni Mama!" masayang sabi nito

"Sinong Mama? E okay naman kayo ng Mom mo a." takang tanong ko

"I mean okay na kami ng Mama mo Love." sabi ulit nito

"Talaga? So do we need to celebrate later?" masayang sabi ko

"Yup. I'm so happy. Yey!" sabi nito at nagtatatalon na parang bata

"Lumabas na kayo jan! Kakain na!" sigaw ni Mafe sa labas

"Ano ba Mafe di mo kailangan sumigaw, lalabas na." sagot ko rito

Palabas na kami ng kwarto ng biglang halikan ako ni Deanna sa labi ko at agad na tumakbo sa kusina.

"Deanna Wong!!!" sigaw ko rito

"Sinisigaw mo diyan Pangs?" tanong ni ate Jovi na kararating

"Ah, wala ate." sabi ko at pumunta na kaming kusina para kumain

Si Mama panay ang silbi kay Deanna parang di nagalit dito a. Tuwang tuwa naman si Deanna dahil ang laki ng ngiti.

"Musta pala sa coffee shop ate?" tanong ko kay ate Jovi

"Okay naman madaming customers kanina." sagot niya

"Magpahinga ka rin ate." sabi ko

"Oo na Pangs." sabi nito

Authentic LoveWhere stories live. Discover now