Kabanata 10

5K 120 1
                                    

Deanna

Nasa dining area na kami para kumain, gabi na rin kasi. As usual magkatabi na naman sila.

"Ate pakainin mo ako." lambing ni Peter sakin saka nagpakandong

"Namiss ako ng bunso namin a." sabi ko

"Ang tagal mo kaya sa Paris ate." sabi niya sabay pout.

Haha. Ang cute naman ng kapatid ko. Sakin talaga nagmana to e 😂

"Ano ba gusto mo diyan?" tanong ko sa kanya

Tinuro naman niya yung gusto niya kaya kumuha ako at nilagay sa plato.

"Say aaa." i said to Peter

Ngumanga naman siya para subuan siya.

"Ey! Kids, look here. Smile!" sabi ni Mom at kinuhanan kami ng picture

"Dapat ang mga ganitong masasayang moment kinukuhanan ng litrato." sambit naman ni Dad na nakangiti

Iisa nalang ngayon plato namin ni Peter, kumain na rin ako habang sinusubuan siya.

"By, pasubo rin ako." Dean said to Jema while pouting

Pinalo naman siya ni Jema sa braso. Buti nga sa kanya 😂

"Sige na baby ko!" pacute niyang sabi ulit

Sinubuan nalang din siya ni Jema. Ngiting ngiti naman si Dean.

Umiwas ako ng tingin. Ewan ko ba pero naaasar ako. Argh!

"Ate kumain ka rin!" sabi nitong kandong ko

"Wala na akong gana." sabi ko

Naaasar kasi ako kaya wala na ako sa mood kumain pero gutom talaga ako.

"Couz kelan balik niyo Manila?" tanong ni Ate Cyrielle kay Dean

"Bukas ng hapon siguro." sagot naman niya

Bigla akong nalungkot. Babalik na sila ng Manila di ko na siya makikita 🙁

"Sa lunes na kayo bumalik anak. Simba muna tayo bukas dahil linggo naman." Mom said

"Kung okay lang po kay Jema." sagot ni Dean at tumingin kay Jema

"Ah, e okay lang By. Sige po sa lunes nalang po kami bumalik." Jema said

"Good! Para makapagpabalot pa ako kay manong Erning ng mangga, dalhin niyo pagbalik niyo sa Manila." sabi ni Dad

Nang matapos na lahat kumain ay umakyat na sila isa isa sa kanilang mga kwarto. Hindi pa naman ako inaantok kaya nanuod muna ako.

Few minutes later, tumunog ang tiyan ko. Nagugutom ako. Di kasi ako kanina nakakain ng maayos.

So i decided to go to the kitchen. Wala ng ulam kaya nagluto nalang ako ng bacon and egg.

Nang maluto ko na kumain na ako. Gutom talaga ako. Hihi

---------

Jema

Pagkadating namin sa kwarto ni Dean. Natulog agad ito mukhang pagod. Tumabi na rin ako sa kanya para matulog.

Haist! Di ako makatulog. Kaya bumaba ako para magtimpla ng gatas.

Pababa na ako ng hagdan na mapansin kong nakabukas pa ang ilaw sa kusina.

Nang makalapit na ako di ko makita mukha ng taong kumakain nakatalikod kasi ito. Baka si Nicole or Cyrielle.

Kumuha na ako ng mug para magtimpla. Pagpunta ko sa table nakita ko si Deanna.

Siya pala yung kumakain. Akala ko ba walang gana to. Tsk!

Tuloy lang ito sa pagkain. Para namang di niya napansin pagdating ko.

Nang matimpla ko na milk ko babalik na sana ako sa kwarto dahil dun ko na iinumin tong milk ko.

Pero biglang may humawak sa kamay ko.

"Samahan mo muna ako." si Deanna

Nagulat naman ako muntik ko pang matapon tong mug.

At may kung anong kuryente na namang dumaloy sa katawan ko.

"Sasamahan mo ba ako o hindi?" sabi niya ulit

Bumalik nalang ako at umupo sa may harap niya.

At tinuloy na niya ang pagkain. Ang tahimik. Kaya nagsalita na ako.

"Akala ko ba wala kang gana kumain?" tanong ko dito

"I prefer eating alone." sabi niya

"Ha?" nagtataka naman ako

"Ang cute ko kako." sabi niya ng natatawa

"Ang hangin ata. Matangay ako niyan." sabi ko rin ng natatawa

Buhat ng sariling bangko a.

"Okay lang basta sakin ka tangayin." sagot nito sabay wink

Deanna Wong!!! Naku naku. Pero kinilig ako dun a.

Wut?!!!!

What did i just say?!!!

Kinilig ka sabi mo.

Sagot naman ng utak ko. Wala akong sinabi nuh!

Kasasabi mo lang.

Sagot na naman ng utak ko.

----------

Deanna

"Okay lang basta sakin ka tangayin." sabi ko kay Jema

Bumaba kasi ito para magtimpla ng gatas niya. Babalik na sana ito ng kwarto nila pero pinigilan ko.

At heto nakita ko siyang nagblush. Ang cute mo. Kinilig to. Haha

"Mauna na ako." sabi nito at dali daling umakyat.

Walk out? Haha. Kinilig lang e.

Pagkatapos kong kumain hinugasan ko na pinagkainan ko.

After that i seated muna sa couch at kinuha phone ko saka naglaro ng candy crush.

Then suddenly ate Bea is calling so i answered it.

[On the phone]

"Are you here now in the Philippines?" bungad niya

"Yes ate Bei. I'm here in the house. Why?" sabi ko

"Buti naman at naisipan mong umuwi. Madami ka siguro chicks dun kaya di ka makauwi uwi." sabi niyang tumatawa

"Not really. Haha. Wala akong type ni isa sa kanila." sagot ko

"Btw, nagyayaya ang barkada. Hang out daw. Punta ka ha." sabi niya

"Yeah! Sure. When?" tanong ko

"Monday night. Sa monday pa kasi meron yung iba." sabi niya

"Okay. Noted." sagot ko

"Regards kita tita at tito. Sige bye!" sabi niya and ended the call.

Pagkatapos ay umakyat na rin ako para matulog. Inaantok na rin ako.

Ewan ko pero naeexcite ako pumuntang Manila. Hahaha

"Goodnight self!" i said to myself and close my eyes

----------

Read. Vote. Comment.
😂😂😂

Authentic LoveWhere stories live. Discover now