Kabanata 49

7.2K 177 20
                                    

Deanna

Magkakasama kami ngayon nila Dean at Ella. Namimili ng gown si Ella kasama si Jema. Magkasundong sundo na talaga ang dalawa nagtatawanan pa sila habang namimili. Parang walang past na nangyari sa kanilang dalawa. Walang tensyon sa pagitan nila ganun din kay Dean. Maayos na ang lahat sa aming apat. Nang makapili na si Ella ay pumasok na ito sa fitting room para isukat. Akmang susunod si Dean pero pinigilan ko. Alam niyo na mga pamahiin. Wala naman itong nagawa kundi umupo nalang. Tumingin naman ako kay Jema at nakatitig lang ito sa isang gown. Kaya nilapitan ko.

"Do you like it?" tanong ko

"Ang ganda kasi, simple lang pero mukhang elegante." sagot nito

Tama naman siya simple lang ang disenyo nito pero kung titignan ay napakaelegante.

"Bagay kaya to sa akin?" nagulat naman ako sa tanong niya

"Kahit naman anong suotin mo babagay sayo, lalo na ako bagay na bagay sayo." sagot ko

Isang hampas naman ang nakuha ko rito. Ang sweet niya talaga promise. Sakto namang labas na ni Ella sa fitting room. At nagchikihan na naman silang dalawa.

Si Dean naman ang namili ng susuotin nito mabilis lang ito nakapili kumpara kay Ella na halos 2 hours ata silang namili ni Jema. Nagugutom na tuloy ako.

Pagkatapos ay lumabas na kami at naghanap naman ng bilihan ng singsing.  Agad naman kaming nakakita ng bilihan. Nagtingin tingin na ang mag asawa. Nakikitingin lang kami ni Jema. Then there's one ring that caught my eyes. Medyo lumayo ako sa kanila at pinakuha ito sa nagtitinda. Tinignan ko ang disenyo nito nagagandahan ako kaya kinuha ko. Nang makuha ko na ay tinago ko at bumalik na sa tatlo. Sakto namang nakabili na mga ito.

"Ey! Gutom na ako." maktol ko

"Oo na. Lagi ka namang gutom e." sabi ni Ella

"Pareho kaya kami ng asawa mo." sabi ko

"O bakit nadamay ako?" sabi naman ni Dean

"Totoo naman parehong pareho kayo." singit ni Jema

Nang biglang tumunog tiyan namin ni Dean. Napakamot kaming dalawa. Tumawa naman si Jema at Ella na nauna nang naglakad. Sinundan nalang namin sila at pumasok sa isang resto, sila na rin ang nag order.










"Thank you sa pagsama." sabi ni Ella kay Jema

"Wala yun. Wala naman kaming ginagawa e." sagot ni Jema

"So paano mauna na kami." sabi ni Dean

"Sige. Ingat kayo." sabi ko

Naghiwahiwalay na kaming apat. May pupuntahan pa ang dalawa. Kami naman ni Jema ay uuwi na. Nakakapagod na araw na naman ang nakalipas. Marami palang dapat ayusin pag ikakasal. Kaya ayoko pa ikasal e. May tamang panahon para sa mga ganyang bagay. Pareho naman kami ni Jema na hindi pa handa. Ienjoy muna namin yung bawat moment ngayon sa buhay namin.

Pagkarating namin sa unit ni Jema ay nahiga ako sa couch. At pinikit mga mata ko.

-----------

Jema

Pagkauwi namin ni Deanna ay agad itong nakatulog sa couch. Napagod ata kakalakad kanina. Sinamahan kasi namin sila Dean at Ella. Bukas ay pupunta na naman kami sa bahay nila nagpapatulong kasi si Ella sa akin na gumawa ng invitation.

Dumiretso na ako sa cr para magshower. Pagkatapos ko ay nagluto na rin ako alam kong gutom na naman si Deanna pagkagising nito. Pahapon na rin kasi kaya nagluto na ako.

Naalala ko yung white wedding dress kanina. Naiimagine ko yung sarili ko na suot ito at parang ikakasal na rin. Napapangiti ako sa naiisip ko pero hindi pa ako handa sa mas mabigat na responsibilidad. Hindi kasi ganun kadali ang salitang kasal. Akala lang nang iba madali pero hindi nila alam ang mga responsibilidad na nakapatong sa balikat. Pareho naman kaming hindi pa ready ni Deanna. Kaya hindi pa namin ito masyado pinag uusapan pero kung yayain nga niya ako ay wala ng patumpikpik pa. Siguradong sigurado na ako sa kanya ramdam ko naman na mahal na mahal ako nito. Pero sa ngayon ienjoy muna namin yung bawat moment na nangyayari sa buhay namin ngayon.

Madilim na sa labas kaya ginising ko na si Deanna para kumain na.

"Love gising na, gabi na." sabi ko rito

"Hmmm." sabi nito

"Gising kana po Love ko." sabi ko ulit

Pero imbes na gumising ito at tumayo ay hinatak ako kaya napahiga ako sa ibabaw nito.

"10 minutes more Love." sabi nito

"E nakahanda na yung pagkain." sabi ko

"Please." sabi nito

Wala naman akong nagawa kaya hinayaan kong ganun muna posisyon namin.

-----------

Deanna

Yakap lang talaga ni Jema ay nawawala at napapawi lahat ng pagod ko. Yung mapapangiti nalang ako kasi akin siya. Sobrang swerte ko sa babaeng ito. Hindi ko na talaga kakayanin pag nawala ito. Kaya hinding hindi ko na siya papakawalan. Humingi ako rito ng 10 minutes pero siya rin naman nakatulog na sa ibabaw ko. Napagod din ata kanina. Hinawi ko ang natitirang buhok nito na tumatakip sa kanyang mukha. Napakaganda talaga niya. At maaliwalas ang mukha nito. Yung pagod na ba pero mukha paring fresh. Nakakainlove talaga ng Jema ko. Naalala ko na nakahain na pala ito ng pagkain kaya gigisingin ko na.

"Love, gising na." sabi ko

"Love! Kain na tayo, gutom na ako." dagdag ko

Nagising naman ito at tumayo.

"Sorry. Nakatulog pala ako." sabi nito

"Hahaha. Okay lang." sagot ko

"Ayaw mo kasi gumising e." maktol nito

"Nagising na nga ako e. Ikaw naman natulog. Hahaha." sabi ko

"Nakakainis ka talaga." sabi nito

"Hahahaha. Kain na tayo Love. Gutom na ako." sabi ko sabay himas sa tiyan

"Kelan ka pa hindi nagutom?" sabi naman nito

"Hmmmm." nagkunwari naman akong nag isip

"Wag kana mag isip kasi lagi kang gutom. Halika na nga." sabi nito

"Patayuin mo ako Love." sabi ko sabay cute

"Naku Wong! Wag ako." sabi naman nito

"Dali na. Hindi mo ako Love." sabi ko saka naglungkot lungkutan

"Ang daming arte. Para kang bata Love." sabi nito pero pinatayo naman ako

"Ayiiieee. Mahal niya ako." asar ko rito

"Mahal na mahal." sabi nito at mabilis akong hinalikan sa labi

Naiwan tuloy akong tulala. Aba! Alam na rin ako pakiligin ng mahal ko a. Hihihi

"O naestatwa kana jan. Akala ko ba gutom ka." rinig kong sabi nito sa may kusina

"Parang iba na gusto kong kainin a." sabi ko at lumapit dito

"Parang mas masarap ka Love." dagdag ko

At walang tigil naman niya akong pinaghahampas.

"Hahaha. Tama na Love." sabi ko

"Yang utak mo kasi e." sabi nito

"Baka lang naman makalusot." sabi ko

"Hampas gusto mo?" sabi nito

"Ikaw lang po gusto ko Love." sagot ko

"Eee? Kumain na nga tayo." sabi nito

Kinikilig lang e. Ayaw lang umamin. Hahaha. Kumain na nga kami dahil mukhang malamig na pagkain dahil kanina pa ito nakahain.






-----------

🧀🧀🧀🧀🧀

Authentic LoveWhere stories live. Discover now