Chapter 39

6K 137 2
                                    

Jema

Wala na akong masabi sa mga ginawa ni Deanna. Sobrang napasaya niya ako hindi ko alam na pupunta kaming Tagaytay. Nakapaglibang ako kahit papano dahil sa naging busy din ako sa trabaho. Sobrang thankful ako kay Deanna. At dahil din dito napaamin na niya ako na mahal ko siya. Oo mahal ko na si Deanna, sobra.



Pauwi na kami ngayon nagabihan na rin kami dahil mahaba ang biyahe.

"Iniisip mo na naman ako Love." rinig kong sabi ni Deanna

Pinag intertwined ko ang kamay namin at nakita ko itong ngumiti.

"Thank you. Sobra mo akong napasaya." seryosong sabi ko rito

"Sobrang mahal kasi kita." lingon nito sakin nagdridrive kasi ito

"I can't be happy like this without you." sabi ko

"As long as I'm here beside you I'll always make sure that you are happy." sabi nito

Nginitian ko ito at inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya.

Nang makarating kami sa parking area sa condo ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Magkahawak kamay kaming umakyat sa unit namin.

Nauna itong naglakad at akmang papasok na sa unit nito. Pero pinigilan ko.

"Saan ka pupunta, aber?" sabi ko

"Sa unit ko." sagot niya

"Baka lang naman gusto mo sa unit ko." sabi ko

Aba! Pagkarinig nauna na sa akin pumasok. I feel safe kasi pag nandyan siya kaya gusto ko sa unit ko na ito magstay.

Nakita ko na nakahiga na ito sa kama ko kaya dumiretso muna ako sa banyo to do my night rituals.

Pagtapos ay humiga na ako sa tabi ni Deanna. Mukhang tulog na ito kaya nahiga na rin ako patalikod dito.










Kinaumagahan ay nagising ako dahil may gumalaw sa tabi ko.

Kaya napamulat ako at nagulat.


"Deanna!" sabi ko

Napalakas ata pagkakasabi ko dahil nagising ito at mukhang nagulat din.

"O bakit parang gulat na gulat ka jan. Ikaw may gusto na matulog ako rito." sabi niya

Oo nga naman. Nakalimutan ko e.


Siniksik ang katawan nito sakin at yinakap ako.

"Kung ganito lang kaganda makikita ko paggising ko mas lalo akong naeexcite magising." sabi nito

"Bolera! Tsaka makayakap ka jan tayo na ba?" sabi ko

"Ayaw mo ba? O sige sa iba nalang then." sabi nito

Isang kutus tuloy nakuha niya sa akin.

Pabebe ka pa kasi e. Gusto mo naman.


"Bangon na tayo." aya ko rito

"Ayoko gusto ko ganito muna tayo." sabi naman niya

"Kailangan ko pang pumasok sa coffee shop." sabi ko rito

"Five minutes more then." sabi niya

Hinayaan ko naman siyang yakapin niya ako pero sinaway ko na ito after five minutes. Kaya bumangon na rin kami.

Pumunta akong kusina para magluto ng breakfast namin. Nakaupo lang naman ito habang pinapanuod ako magluto.

Pagkatapos magluto ay naghain na ako at kumain na kami. Pagkatapos kumain ay pumunta ito sa unit para maligo. Naligo na rin ako pagkatapos.

Authentic LoveWhere stories live. Discover now