Kabanata 28

5.3K 120 14
                                    

Jema

Habang nasa daan kami nakikita ko sa peripheral view ko na sumusulyap sa gawi ko si Deanna.

Baka kung hindi lang kami ni Dean, nafall na ako dito. Ang dali niya kasing mahalin. Hindi maarte. Simpleng tao lang. At masaya kasama.

Pagkadating namin sa sine ay agad bumili si Deanna ng ticket. Tsk. Siya na naman magbabayad.

Pagbalik nito ay pumasok na kami sa loob. Ang dami ng tao sa loob, buti nalang may bakante pa kaming nakita.

Nagkatabi kami ni Deanna dahil tumakbo si Mafe sa isang bakante sa may 4th row.

Ilang minuto pa nagsimula na ang movie. Unang scene palang ay pinakita na agad ang multo. Gustong gusto ko talaga mga ganito. Kaya nakafocus lang ako sa panunuod. Ayoko ng naiistorbo.

Then tong katabi ko nilabas ang phone at naglaro. Wag mong sabihin na takot ito. Nagpipigil ako ng tawa sa naiisip.

Nakita kong kinuha ni Mafe ang phone nito at nagkamot ng ulo. Ang cute. Hihi

Tinakpan nito ang mga mata gamit ang kamay pero sumisilip naman ito pag wala yung multo. Hahaha

Maya maya sumigaw ito at yumakap sakin. Pinakita kasi yung multo.




Nagulat ako sa ginawa niya pero di ko magawang magalit at alisin ang pagkakayakap nito, gustong gusto ko pa nga e. There's the feeling na i feel safe sa mga yakap nito.



"Wala na yung multo." rinig namin na sabi ni Mafe

"Ah, e sorry." sabi nito at tinanggal ang yakap

"Okay lang." sagot ko

Inilabas ang panyo nito at blinindfold ang sarili. Tsaka nagcross arms.

Parang timang. Nagpipigil talaga ako ng tawa dahil tahimik ang lahat na nanunuod kakahiya naman kapag tumawa ako ng malakas dito.

Pagkatapos ng movie ay lumabas na kami at tinanggal na rin ni Deanna ang blindfold.

Nang makalabas kami ay dun ko na nilabas ang tawa ko pati si Mafe ay tawang tawa rin at nagtawanan kami.

"What's funny?" taas kilay nitong sabi samin

"Ikaw kasi ate takot." sagot ni Mafe at tawang tawa parin

"No. I'm not." masungit na sabi nito

"Sino kaya jan yung pinagpapawisan?" sabi ko naman at kunwaring nag isip saka tumawa

Napikon ata dahil nauna na itong naglakad. Natawa naman kami ni Mafe.

Niyaya ko muna na bumili si Mafe ng milktea.


"Bakit tatlo binili mo?" tanong ni Mafe

"Malamang tatlo tayo." sagot ko naman

"Ayiieeeeeee." sabi nito parang timang kaya binatukan ko nga

Pagkarating namin sa car ni Deanna ay sa harap na ako umupo.

Nakita ko itong nakakunot noo. Haha

"Sorry na." sabi ko at iniabot ang milktea

Kinuha naman niya at ngumiti na. Ayan mas maganda kapag nakangiti.

"Oh, phone mo." sabi naman ni Mafe sa may backseat

Pinaandar na nito ang sasakyan at nakangiti na ito buong biyahe kaya napangiti na rin ako.


Authentic LoveWhere stories live. Discover now