Kabanata 14

4.9K 119 2
                                    

Jema

Maaga akong nagising dahil ngayon ako uuwi ng Laguna. Ayoko naman matraffic sa daan.

Naligo na ako at make my morning rituals. Nagkape lang ako saglit. At inayos na mga gamit ko then lumabas na. Malapit na ako sa elavator nang maalala ko na sasama pala ang kapatid ni Dean. Nagulat nalang ako nang biglang may magsalita sa likuran ko.

"Pagkatapos mo akong itxt iiwan mo rin pala ako." sabi nito

Sorry na nakalimutan ko e. At nauna na siyang pumasok sa elavator.

"Ah, e pasensya na nakalimutan ko kasi." sabi ko

Tumango lang ito. Nakalagay ang mga kamay sa bulsa ng jacket niya.

Tahimik lang kami sa elavator. Ilang minuto pa nakarating na kami sa parking lot.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Deanna

"Sa car ko." sabi ko naman

"Dito na tayo sa car ko." sambit niya

"Hindi na. Dito nalang sa car ko." sabi ko

"I said we'll use my car!" medyo pasigaw na sabi nito

Kaya wala na akong nagawa kundi sa car niya kami.

Sumakay na ako sa car niya at inistart na rin niya ang engine and then we go.

Tatawagan ko muna si Dean para sabihin na otw na kami. Nakatatlong tawag pa ako bago niya sagutin.

On the phone

"Hello Baby!" bungad nito sa kabilang linya

"Hi Baby! Otw na kami By." sabi ko

"Take care there ha. I'm sorry i can't go with you." sabi nito

"Okay lang By. Ayusin mo na muna yang problema sa office mo." sabi ko

"Tell me if Deanna let something bad happens with you a." sabi nito

"I can take care naman myself By." sabi ko

"Kahit na. Sige na. I love you Baby." sabi nito

"I love you too Baby." sabi ko and he ended the call

Naramdaman kong bumuntong hininga naman tong katabi ko. Problema nito.

Mga 15 mins naring nasa biyahe kami and nagpark itong kasama ko sa isang grocery store.

Lumabas ito at sinundan ko lang ng tingin.

Ilang minuto pa at lumabas na rin ang daming biniling pagkain as in.

Nilagay niya ito sa backseat at saka pumunta na rin sa driver's seat.

At tinahak na ulit ang daan.

"Ano yan?" tanong ko sa kanya sabay turo sa backseat

"Pagkain malamang. Tsk" masungit na sabi nito

Oo nga naman nagtanong pa ako. Ang sungit lang cute na sana e. Susumbong ko to sa kapatid niya. Charot! Hahaha.

Pagkatapos nun wala nang nagsalita. At nangibabaw ang katahimikan.

Nag earphone nalang ako at nagpatugtog.

-----------

Deanna

Kanina ko pa siya sinusungitan pero ang totoo gustong gusto ko siyang kausapin pero ayokong lumalim kung ano man tong nararamdaman ko.

Ayoko na ako ang maging dahilan para mag away sila ng kapatid ko.

Bumili ako ng pagkain para naman may bitbit ako or kami pagdating sa kanila. Nakakahiya naman.

Authentic LoveWhere stories live. Discover now