Kabanata 17

4.8K 112 0
                                    

Deanna

Nagising na naman ako ng wala sa tabi ko si Jema. Napansin ko rin na nakapag ayos na ito ng gamit niya.

Ngayon pala kami babalik ng Manila. Parang ayoko na nga bumalik ng Manila e. Ang saya lang mamuhay ng probinsya. Sariwa ang hangin at ang babait ng mga tao rito. Lalo na sina Tito Jessie at Tita Fe.

Bumangon na rin ako para maligo pagkatapos maligo ay lumabas na rin ako.

Pagkalabas ko ay sinalabong ako ni Athena kaya agad ko naman itong binuhat. Mamimiss ko rin tong batang to. Napakacute at bibo.

"Uwi kana Tita?" tanong nito sakin

"Oo baby." ngiting sagot ko

"Dito kana lang po." sabi nito

Nang biglang dumating ang Mama nito.

"Naku! Hindi pwede anak." sabi ni ate Jovi

Lumungkot naman ang mukha ni Athena. Aw, so cute.

"Bibisita ako baby pag di busy si Tita. Okay?" sabi ko rito saka ginulo ang buhok

Ngumiti naman na ito. Mabuti naman.

Sakto namang dating ng mga magulang ni Jema galing sa kanilang kwarto.

"Deanna welcome ka lang dito kung kailan mo gustong bumisita." sabi ni Tito

"Ah, hehe. Salamat po Tito." sagot ko dito

"Deanna yung sinabi ko sayo ha." singit naman ni Tita Fe

"Opo." sabi ko sabay wink

"Mafe! dalhin mo na mga gamit nila sa sasakyan nila." sabi ni Tito kay Mafe agad naman sumunod si Mafe

Umupo muna ako para hintayin si Jema.

Mga ilang minuto pa ay dumating na rin ito. May hawak na damit kulay puti at may nakasulat na "mvp"

"Pinabibigay ng pinsan ko." sabi nito at binato sakin

Tsaka umakyat ito sa kwarto niya at pumasok pero agad din lumabas mukhang may kinuha lang.

Sakto ding labas ng Mama at Papa niya sa kwarto nila.

"Ma, Pa alis na kami." sabi nito

"Ingat ka lagi dun anak ha. Alagaan mo sarili mo dun wala kami para alagaan ka." sabi ng Mama niya at niyakap ito

Aalagaan ko siya Tita. Hahaha

"Opo Ma." sagot nito at yumakap din sa ina

"On the resbak agad ang Papa pag may nanakit sayo kaya magsabi ka anak, Jema ha." sabi naman ng Papa niya

Natawa naman ako ang cool naman ni Tito

"Pa!" sabi ni Jema na nakapout

"Joke lang anak. Basta mag ingat ka lagi." sabi nito at nagyakapan sila

"Ingat kayo Pangs." sabi naman ng ate nito

"Ingat Tita." sabi naman ni Athena

"Ehem, allowance ko te a." singit ni Mafe

Binatukan naman siya ni Jema. Aba! Ang sadista naman.

"Aray naman ate. Ang sadista mo talaga kahit kelan." tampong sabi niya

Nasa labas na rin kami ng gate nila.

"Deanna ingatan mo anak ko ha. Ingat sa pagdridrive hija." sabi sakin ni Tito

Authentic LoveWhere stories live. Discover now