Kabanata 29

5K 137 23
                                    

Jema

Nagising ako ng maaga hindi ko alam ginanahan ako bigla e.

Tinignan ko ang phone ko para tignan ang oras at ang aga ko talaga. Nakita ko ring may txt si Deanna.

From : Deanna

"Malakas ka sakin e. Sorry nakatulog ako kagabi. Goodmorning. Have a nice day 😉"

Ewan ko pero napapangiti ako sa mga txt niya.

To : Deanna

"Aga nagising a. Goodmorning. Wanna coffee?"

Di ko alam kung ano pumasok sa isip ko at niyaya ko siya magcoffee. Ang sarap niya lang kasi kasama at ang saya.

From : Deanna

"Yeah! Sure. Basta ikaw kasama ko 😉"

Di ko alam pero kinilig ako sa reply niyang to. Langya ka Deanna. Ano ginagawa mo sakin.

To : Deanna

"Baliw! See you nalang sa JMG Coffee Shop."

Wala na siyang reply kaya nagluto na ako ng kakainin namin ni Mafe. Pakanta kanta pa ako habang nagluluto.

"Maganda ata gising ng isa jan a." bungad ni Mafe na pupungas pungas

Hindi ko naman siya pinansin. Pagkatapos magluto ay naghain na rin ako. Kumain kaming magkapatid na tahimik.

Nauna ng naligo si Mafe at sumunod naman ako pagkatapos niya.

Hahatid ko nalang si Mafe sa bus station ayaw na niya kasi magpahatid.

Nang makarating kami sa station ay nagpaalaman na kami.

"Pakamusta kina Mama, Papa at ate ha. Mag ingat kayo lagi tsaka pag aaral mo ha." sabi ko rito

"Mag ingat ka rin ate. Ay! May nag iingat na pala sayo di mo lang alam." sabi nito

"Pinagsasabi mo?" takang tanong ko

"Wala sabi ko magiging kapamilya natin siya at kapuso mo soooooooooon." natatawang sabi nito

"Puro ka talaga kalokohan." sabi ko sa kanya

Hindi ko naman alam kung ano pinagsasabi niya at kung sino tinutukoy niya. Baka si Dean, siya lang naman boyfriend ko.

Pumasok na nga ito sa bus at umalis na ako at dumiretso sa coffee shop.

Pagkarating ko ay binati ako ng mga empleyado ko. Binati at nginitian ko naman sila.

Nakita ko si Deanna sa dulo at mukhang kanina pa.

"Ang aga mo naman." bungad ko rito at umupo sa harap nito

"Hindi naman. Sadyang nahuli ka lang ng dating." biro nito

Tama nga naman siya.

"Anong order mo?" tanong ko



"Coffee Latte nalang because i like you a Latte." sabi nito



Feeling ko talaga namula ako kasi ang lapad ng ngiti ng kaharap ko.

"Baliw ka talaga." sabi ko at tinawag ang isang empleyado at nag order

"They know you?" takang tanong nito

"Honestly, i own this." nahihiyang sagot ko

Nakita ko sa mukha nito na parang naamazed.

Authentic LoveWhere stories live. Discover now