Kabanata 12

4.7K 129 3
                                    

Deanna

Nakarating naman kami ng maayos dito Manila. Pumasok na kami sa building at sumakay ng elevator papunta sa unit namin.

Habang nasa elevator kami ay hinanap ko ang susi ng condo ko. Hinanap ko na lahat sa gamit ko pero wala.

"Shit!" nasabi ko nalang

Nakalimutan ibigay ni Dad susi ko at nakalimutan ko ring hingin naman. Malas naman o.

"Why bro?" tanong ni Dean

"I forgot my key in my condo." sabi ko

"It's okay. You can stay naman sa room ko." saad niya

"I have no choice." sabi ko nalang

Kung minamalas naman o. Hindi tuloy ako makapagyaya ng chicks 😂 Kidding! Haha.

At narating na nga namin condo ni Dean. Magkatabi lang pala condo nila Jema. Kaya naman pala sobrang sweet at close nila, magkatabi lang condo nila rito.

Nauna na akong pumasok sa kwarto ni Dean. Tinulungan pa niya kasi si Jema kargahin ang mangga na pinabaon ni Dad.

Kambal talaga kami ni Dean. Pareho kami ng tema ng kwarto. Even designs and its cleanliness.

Nilagay ko na mga damit ko sa closet. Pagkatapos ay nagpunta sa sala para manuod muna. Mayang gabi pa naman yung hang out namin nila ate Bea.

Maglalunch na pero di pa pumunta dito si Dean. Ang tagal naman ata niya dun.

Gutom na ako kaya di ko na siya hinintay. Nagluto nalang ako ng kakainin ko. Bahala siya dun.

----------

Jema

Pagkatapos akong tulungan ni Dean ay nakatulog ito sa kwarto ko. Mukhang napagod sa biyahe.

Maglalunch na pala kaya naisipan kong magluto na nang kakainin namin.

Nagluto lang ako ng bacon, egg, hotdog at ham. Yun lang naman kasi lagi kinakain ni Dean e.

Pagkatapos ko maghain ay ginising ko na si Dean para kumain na kami.

Hinalikan ko siya sa noo. Matagal na rin kami ni Dean pero never pa kaming nagkiss sa lips. Kapag hinahalikan niya ako sa noo or pisngi lang. Pero sweet naman siya. Maalaga at mapagmahal.

"Gising na By." sabi ko

Hindi kumibo.

"Tanghali na By. Kakain na tayo." sabi ko at niyugyog na siya

"Hmmm." sabi niya at minulat mga mata

"Kain na tayo Baby." sabi ko

Tumayo naman na ito.

"Anong niluto mo By?" tanong niya

"Mga paborito mo By." sagot ko

Ngumiti naman ito at agad binuksan ang mga pagkain.

Mukhang bata e. Ang cute lang.

"Sarap naman By." sabi niya

"Baliw! Lahat naman ng tao kayang magluto ng ganyan e." natatawang sabi ko

"E basta masarap." sabi nito na puno ang bibig

"Nguyain mo nga muna yan bago ka magsalita. Mabilaukan ka e." sabi ko

Pagkatapos kumain ay naghugas na ako. Hindi pa rin ito umaalis. Wala atang balak bumalik sa condo niya. Nandito rin pala ibang gamit niya.

Pagkatapos ko maghugas ay tinabihan ko ito mula sa panunuod.

Authentic LoveWhere stories live. Discover now