Chapter 38

6.2K 141 16
                                    

Deanna

"Umagang umaga pinagnanasahan mo ako." natatawang sabi ko

Naramdaman ko kasing parang may nakatingin sa akin kaya napamulat ako.

"Mukha mo!" pagsusungit nito

"Aga aga nagsusungit agad e. Goodmorning Love." sabi ko

"Bakit ka ba diyan natulog?" tanong nito

"Anlambot kasi ng couch mo." biro ko

"Puro ka talaga kalokohan." sabi niya

"Mag ayos ka Love, may pupuntahan tayo. Balik din muna ako sa unit ko para mag ayos." paalam ko

Nagtataka itong iniwan ko. Hahaha

Pumunta nga akong unit ko para maligo at magpalit ng damit. Nagjacket ako at yung isang jacket ay para kay Jema dahil baka lamigin ito. Couple kami syempre, binili ko ito sa Cebu.

Pagkatapos ko ay pinuntahan ko na si Jema. Sakto namang labas nito sa unit niya. Binigay ko sa kanya ang jacket at natuwa naman dahil napansin nito na pareho kami.

"So let's go Love." sabi ko sabay lahad ng kamay

Kinuha naman niya ito kaya magkahawak kamay na kaming naglakad papunta sa parking area. And first time ko mahawakan ang kamay nito, ang lambot.

"Hindi naman pala masyadong malaki kamay mo Love e." pout kong sabi

"Bakit?" nagtatakang tanong niya

"Paano mo nahawakan ang mundo ko. Ayiiiieeee." natatawang sabi ko

Umagang umaga hampas ang nakuha ko dito. Kinikilig na naman to for sure nanghahampas na naman e.

Pinagbuksan ko ito ng pinto, gentlewoman tayo e. Tsaka pumasok na rin sa driver's seat.

Pinaandar ko na ang sasakyan at mahaba haba pa ang biyahe namin.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Jema

"Basta." sabi ko nalang

Nakatanaw lang ito sa bintana at pinagmamasdan ang ang bawat madaanan namin. Nakita ko itong naghihikab na, malamang inaantok pa ito.

"Idlip kana muna Love. Gisingin nalang kita pag nakarating na tayo." sabi ko

"Sige. Maaga kasi ako nagising kanina. Pasensya na." sabi nito

Nginitian ko lang ito at pumikit na rin siya.





Nang makarating na kami sa Tagaytay ay ginising ko na ito.

"Love, gising na. Nandito na tayo." sabi ko rito

Nagmulat naman na ito at nagkusot ng mata.

"Nasaan na tayo?" tanong niya

"Nandito na tayo sa Tagaytay." ngiting sagot ko

Ngumiti naman ito sakin.

"Kain muna tayo Love. Nagugutom ako." sabi ko

"Tara, ako rin e." sabi nito





Sa may McDo kami pumunta at siya ang nakipila. Magbalik niya ay ang dami niyang order. Pareho nga kaming gutom na.

Nag umpisa na kaming kumain dahil nga gutom na kami.

Kinuha ko yung fries at sinawsaw sa sauce nito. Sinadya ko na may maiwan na sauce sa may labi ko. Gusto ko lang na punasan niya ito gamit ang kamay niya. Hihi

Pinunasan naman niya ito pero yung tissue ginamit. Nagsecond try ulit ako pero tissue parin ginamit. Third try ulit pero nakita niya na sinadya ko.

Authentic LoveWhere stories live. Discover now