Sharing 10

341 8 0
                                    

Love

Ang Pag ibig ay matiyaga at magandang loob, hindi nananaghili, hindi nagmamapuri o nagmamataas, hindi magaspang ang pag uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin o mapagtanim sa kapwa. Hindi nito ikinakatuwa ang gawang masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag ibig ay mapagbata, mapagtiwala, puno ng pag asa at nagtyatyaga hanggang wakas.

Corinto 13:4-7

Ito ang pag ibig na batay sa utos at salita ng Diyos. Ang pag ibig na ito ay para Diyos, para rin sa pamilya, kaibigan, at sa ibang tao. Marami sa atin ngayon ang naghahanap ng tunay na pag ibig. Magpapakamatay para sa isang tao pero halos hindi kilala ang Lord. Paano mo mahahanap ang tunay na pag ibig kung hindi mo alam ang kahulugan nito? Paano mo masasabing ang taong iyon na ang para sayo kung hindi nya alam ang kahulugan ng pag ibig na sinasabi ng Bibliya? Bago mo hanapin ang true love mo, seek the Lord first. At ang Lord ang magbibigay ng taong para sayo. Mamahalin nyong sabay ang Diyos. Bibigyan ka Nya ng taong mas mahal Sya kesa sayo hindi magiging mali ang relasyon kung ganun. Ayusin mo muna ang sarili mo para prepared ka pag dumating na sya. Kung ikaw mismo hindi ka pa handang magmahal, di mo pa talaga sya makikilala. True love waits.

---*

God's Will

Nang gabing ipinagkanulo ni Judas si Jesus sa mga saserdote para patayin.  Nanalangin si Jesus, "Ama,  Ama ko! Mapapangyari mo ang lahat ng bagay. Alisin mo sa akin ang sarong ito ng paghihirap.  Gayunpama'y huwag ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang masusunod. "

MARK  14:36

Marami tayong plano sa buhay natin.  Yung iba makatapos ng pag aaral,  yumaman, magkabahay,  magkalove life,  masayang pamilya at lahat ng magagandang bagay na minimithi natin.  May mga timeline tayo kung kelan dapat matutupad ang mga yon.  Pero lagi natin tandaan na iba ang orasan mo sa orasan ng Diyos.  Pwedeng ibigay Nya sayo yon kung para sayo talaga pero kung hindi siguradong may iba syang plano para sayo.  Huwag mong isipon na napag iwanan kana o napagdaya. Huwag mong kainggitan ang kapwa mong inaani ang kanyang tagumpay. Lahat tayo ay may kanya kanyang panahon.  Kung nahihirapan ka o disappointed dahil parang hindi naririnig ng Lord panalangin mo magtiwala kalang sa kalooban at will ng Lord. Ipagkatiwala mo na sa Lord lahat ng plano mo dahil bago mo pa maisip ang gusto mo alam na Lord ang ibibigay Nya sayo. At pag galing sa Lord, wala kang talo.  Palagi yun The Best.

---*

Give Thanks

"Oh!  Give thanks to the Lord of lords."

Psalm 136:1-16,26

Take this time para mag thank you lang sa Lord.  Masaya o malungkot,  may problema chill lang,  pasa ka man sa exam o nag alangan,  may pera man o paubos na, may benta o wala, busog ka man o gutom,  nag iisa o may kasama, kahit ano pa nararamdaman mo,  magpasalamat kapa din dahil mas marami ang dapat ipagpasalamat. Mga bagay na hindi natin hiniling pero nasa atin at mga bagay na hindi binigay pero para sa sarili natin kapakanan.  Huwag mong hanapin ang wala sayo,  magpasalamat ka kung anong meron ka. When you think of all that's good,  give thanks to Him. 

--*

One Alive and True God 

Dinala si Jesus ng Dyablo sa isang napakataas na lugar at sa isang saglit ay ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian sa sanlibutan. "Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kapangyarihan at kadakilaan ng kahariang ito, ipinagkaloob ito sa akin at maibibigay ko sa kahit kaninumang ibigin ko. Kaya kung ako ay sasambahin mo,  maging iyo ang lahat ng ito." Sumagot si Jesus, "Nasusulat, Ang iyong Diyos at Panginoon ang sasambahin mo, At Sya lamang ang iyong paglilingkuran."

LUKE 4: 5-8

Maraming ini'ooffer satin ang mundo.  Maraming ginagamit si Satan para ilayo tayo sa Lord. Ginagawa na nating Diyos ang pera, ang popularity, ang kapwa, mobile games. Unang una ay ang kayamanan at ari-arian, social media, emotion at pati na rin ang ibang tao. Sa masyadong paghahangad natin ng mga kayamanan ng mundo nakakalimutan natin ang tunay na purpose kung bakit tayo nandito. Yun ay ang papurihan ang Lord at maging mabuti sa kapwa.  Alalahanin hindi lang ang sariling kapakanan kundi pati na din ang ibang tao. To love God is to love people.

God's Word and LectureWhere stories live. Discover now