Kabanata 15

150 8 0
                                    




Madaling araw na nang makauwi kami sa Hacienda. Hindi na ako nakapagpaalam kay Seis nang bumaba siya dahil tulog pa rin ako. Nagulat ako dahil gising pa ang mga tao doon. Lahat sila ay nasa sala. Mukhang hinihintay ang aming pagdating.

Madi came to me as soon as she can. She hugged me so tight.


"I'm worried about you, Ate Rence." Uminit ang puso ko sa sinabi niya. Humiwalay siya sa akin at nakita ang mga bandages ko sa braso. "You're hurt."

"I'm fine Madi." Nginitian ko siya.

"Marcel, take Madi to her room." Utos ni Tita Isah na agad namang sinunod ni Marcel.

"Mama, magpahinga ka na." Si Tita Aurelia. Asawa ni Tito Inario at ina ni Kuya Rio.

"I'm not tired, Aurelia." Iling ni Lola nang igiya siya ng nurse papunta sa kwarto.

"Ma, it's past twelve. You need to rest." Si Tita Hellen.

"I said I am not tired! Bakit ba ang kukulit niyo?" Natahimik kaming lahat.

"Let's go, hermana. We are wasting our time here." Sabi ni Hermi at tumayo sa sofa. Sumunod din sa kanya ang kapatid.

"Wasting your time? Hindi ka ba nagaalala sa Ate mo, Hermi?!" Umalingawngaw ang sigaw ni Lola sa buong mansyon.

Huminto si Hermi at ibinalik ang tingin sa amin, "What? Ate? Are you joking Abuela? She's not my sister and never will be!"

"Hermi, stop.." pigil ni Tita Hellen sa anak.

"Don't tell me to stop, Mommy! Kung natanggap mo na ang pagtataksil ni Daddy, puwes kami, hindi!" Umiiyak na sigaw ni Hermi. Tumingin siya sa akin ng masama.

"Hermi, you should go to sleep." Lumapit si Kuya Rio sa kaniya para hawakan ngunit hinawi lang nito ang kamay niya.

"Hindi ko alam kung paano niyo naatim na patirahin ang dalawang 'yan dito! How can you do this to us? Harap-harapan niyo kaming pinapatay at pinapahiya!" Napatingin ako kay Eon na hinawakan ang kamay ko. "All of my friends are talking behind my back, saying we are so stupid to accept them in our family!"

"Hermi, let's go. Tigil na anak," umiiyak na ngayon si Tita Hellen.

"Hindi! They need to hear the truth! They need to know that the great Irven Belmonte is your husband and he cheated on you!" Gulong-gulo ako sa naririnig ko. "At sila! Silang dalawang magkapatid ang bunga ng kag-aguhan ni Daddy!"


I tried to analyze what she just said. Umiling ako. Ano bang sinasabi niya?


"Anak kayo sa labas! Hindi dapat kayo nandito!" Sigaw muli ni Hermi.

"Dije alto! Estas empeorando la siatuacíon!" Hinila niya si Hermi paakyat sa second floor. (I said stop! You're making the situation worse!)

"Thanks for ruining our family." Sumunod si Hell sa ina't kapatid niya. Naiwan kaming lahat na tahimik.

"Hermi's right. Why do we have to accept them, Mamá? We are not yet sure if they are really Irven's children!" Tita Isah exclaimed. Litong-lito ako.

"We don't have to run a DNA Test to prove if they are Irven's children! Look at Rence, she looked like me! A lot!" Paliwanag ni Lola, "Look at Eon! He just looked like his Dad!"

Nilingon ko si Tito Inario, nakayuko siya. "Ano pong nangyayari?"



Ayokong maniwala. Ayokong isipin na totoo ang narinig ko. Hindi ganoon si Papa, mahal na mahal niya si Mama. Hindi niya kami niloko. Hindi din totoo na hindi niya kami tunay na anak. Hindi!



TilaWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu