BS #23: I HAVE A CONFESSION TO MAKE

232K 4.7K 573
                                    

BS #23: I HAVE A CONFESSION TO MAKE

------

MELISSA QUIZON

 

"I'm so sorry, Mel. Kahit gusto ko, hindi pwede. May naka-schedule akong ooperahan na pasyente. Pero kapag natapos ito agad, susunod ako. I promise." Sabi ni Eugene sa kabilang linya. Medyo mabilis rin ang salita nito na parang nagmamadali. Medyo umiingay na sa loob ng arena kaya kinailangan kong takpan yung isang tenga ko para marinig ang sinasabi ni Eugene. "Keep safe, Sweetheart. Trust me, I'll keep my promise. Don't worry before you know it, I'm already by your side."

Naintindihan ko siya. Doctor siya. Duty first before anything else. Bago pa man ako magsalita ay pinatay niya agad ang tawag.

"Mommy." Napatingin ako kay Reid nang kalabitin niya ako. Napansin ko ang pagkairita nito dahil kumukunot na ang kanyang noo. Hindi talaga sanay yung anak ko sa maingay na paligid.

Hinawakan ko ang ulo nito ang hinaplos. Inalis nito ang kamay ko doon at niyakap. Nagiging komportable siya kapag nakayakap sa akin.

"Behave ka lang, Baby. Sandali lang tayo." Hinalikan ko ito sa noo. "Daddy mo kasi, e."

Tumango ito. Kasabay n’on ay biglang lumakas ang musika at iba’t-ibang effects ang lumitaw, bahagya pang nagulat ang anak ko dahil doon.

"Hello, Araneta!" Rinig kong sigaw ni Raquel.

Nagsimula na ang concert nila. Lumakas ang sigaw ng mga tao. Isa-isang tumaas ang ibang parte ng stage at unang lumabas si Raquel na may hawak na pink na mikropono. Pangalawa, si Leon, hawak na nito ang gitara, mas lalong nagwala ang mga kababaihan. Pangatlo, si Fier, bago nito hampasin ang mga drums ay nag-flying kiss muna ito sa mga fans, still the chick magnet. At ang huli, si Wright, kinagat nito ang ibabang labi nang magwala ang mga tao at pagkatapos ay tumingin sa harap ng VIP chairs. Ngumiti ito nang makita kami ni Reid. Namula ako bigla.

Agad na kumunot ang noo ko dahil sa itsura ngayon ni Wright. Mapupula ang pisngi nito at parang hinahabol ang hininga, para ring pagod na pagod ang katawan nito pero mas pinipiling kumilos ng tama para walang makahalata. May sakit ba siya? O ako lang ang nag-iisip na may sakit siya? Hmm?

Nagsimula ng hampasin ni Fier ang drums.

And I've tried not to let anyone in until now

Misunderstandings are an easy way out

And I've been feeling all this pressure just to figure it out

And I know, don't know, yeah I know, don't know

And I know that if I can stay strong I can make it

And try harder when I just can't take it (can't take it)

And when everything around me feels so broken and jaded (broken and jaded)

And I know, I know, yeah I know, I know

And every time I wonder what's real you make me feel...

You make me feel like a lavender sweater

When I'm caught in bad weather

In my Volkswagen Jetta

You make me feel like a complete work of art

When I'm just falling apart

A really nice piece of art

They looked so.. hot.

Nahigit ko ang hininga ko nang kindatan ako ni Wright. Ngayon ko lang napansin na n’ung magsimula ang soncert ay ito lang ang tinitingnan ko.

Napatingin ako kay Reid nang humalakhak ito habang pumapalakpak. He looked so energized. Parang ibang Reid ang katabi ko. May ningning sa mga mata nito habang pinapanuod na tumugtog sila Wright.

Napatigil ang pagtitig ko sa anak ko dahil may sumalat sa balat ng pisngi ko. Nang balingan ko iyon ay tumambad sa akin ang punpon ng mga rosas. Kumunot ang noo ko sa lalaki. "Ma'am, may nagpapabigay po."

"Akin na po. Salamat." Pangunguna sa akin ni Reid. Agad nitong nilagay sa kandungan ang mga rosas at isa-isang iniinspeksyon.

Napangiti ako sa ginawa ng anak ko at bumaling ulit sa lalaki. "Thank you."

Tumingin ulit ako sa stage pagkaalis ng staff. Tama ang hinala ko, nakatingin nga sa akin ni Wright habang tumutugtog ng Guitar.

“Thank you.” I mouthed. Smiling. Yes. Smile.

Kinagat nito ang ibabang labi. His cheeks are bright red. Is he blushing? No. May sakit siya. Shit!

Natapos ang performance at napansing kong lahat sila ay hinihingal, pero nasa mata pa rin nilang lahat ang kasiyahan na nakapagpangiti nf mga fans.

"Wright Absgoncillo! Wright Absgoncillo!" Napatingin ako sa likod nang marinig ko ang hiyaw ng mga kababaihan. Itinataas nito ang iba’t-ibang picture ni Wright na half naked. "Take your shirt off! Please!"

Is he gonna do it?

"Fier, Leon! Take your shirt off daw." Sabi ni Wright.

"That's my specialty!" Walang pagdadalawang isip na sinira ni Fie rang putting t-shirt nito. Masyadong mababa ang waistband ng pantalon nito kaya mas kitang-kita ang V-line nito.

Ganun din ang ginawa ni Leon. Kahit pala serious-type ito, pagdating sa stage, wala siyang inuurungan basta para sa tagahanga niya.

A moment of silence, please. Let’s appreciate that magnificent V-Line.

"Absgoncillo! Absgoncillo! Absgoncillo!" Ano ba ang meron sa abs ni Wright na kating-kati kayong makita?

"What do they want, Mom?"

"They want to see you father's body." Nilakasan ko ang boses ko para marinig ng anak ko ang sinasabi ko.

Kumunot ang noo nito at tinakpan ang dalawang tenga gamit ang magkabilang kamay. "Bakit?"

"I think my Baby don't want me to take my shirt off." Wright said amusingly.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Oh, no. What’s he thinking?!

 Humina ang sigawan ng mga tao. Naagaw ng sinabi ni Wright ang atensyon ng lahat.

"Oh, my gosh! May girlfriend na si Wright!!" Rinig kong sabi ng ilan. "What the h-ell?! Oh no!"

My chest's starting to pound.

Tumikhim ito. "I have a confession to make."

---------------------

Short UD. Ano? Bitin ulit? Sinandya ni SK. :)

UNEDITED. Binabasa ko ang bawat comment niyo. Nalulungkot ako, nasasaktan ako kapag sinasabi niyong ang pangit na n’ung story. Hindi ako nag-rereply madalas (PM or Comment), Sorry. Ginagawa ko naman po ‘yung best ko pero bakit kulang pa rin?

UPLOADED: OCTOBER 20, 2014

SK<3

XOXO

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Where stories live. Discover now