Chapter 44-2. Masamang Hangin.

24K 285 29
                                    

Define love.

Noon… para kanila Max, simple lang ang definition ng love, lalo na nung mga bata pa sila nila Ellie na walang pakialam sa mundo… yung tipong sila Doraemon at Mojacko lang ang pinagtutuunan nila ng pansin o kaya naman kapag feel nilang maging athletic, maglalaro lang sila ng piko o langit-lupa sa labas ng bahay. Noon… para sa kanila… kuntento na sila sa…

Love is blind.

Yeah, that cliché definition of love na sobrang gamit na gamit na. Yun lang ang alam nila tungkol sa salitang yun, that it is blind… kaya man nilang bigkasin sa ingles, pero hindi naman talaga nila alam ang ibig sabihin nito.

Pero ngayon… Para kay Max… Love is way more complicated than he thought it could be… kasi, love is not only blind, pipe pa pala ito.

Tahimik lang na kumakain si Max ng almusal. He didn’t say a word as he munched on his bread, trying to ignore the girl sharing the table with him. Wala ng tiwala si Max sa sarili niya, it would be better if he just keep his mouth shut and keep his distance away from her. After what happened last night? He was so close in kissing Ellie and that, perhaps, was the dumbest thing he ever did… kasi ngayon, wala na siyang ibang nasa isip kung hindi yun! He couldn’t look at her now, without thinking about it. Max only felt more uneasy ng maramdaman niyang nakatingin lang sakanya si Eleonor.

“Paabot nga nung butter!” Ellie said, habang nagtatakang pinagmamasdan ang kaibigan. Max took the butter at inabot ito without looking at Ellie. Napataas lalo ang kilay ng dalaga, obvious naman, Max is acting a little weird.“Yung asukal pa!” And Max did the same thing, without speaking inabot nya yung bote ng asukal ng hindi pa din tumitingin.

Ellie brushed some butter on her toasted bread, sabay sprinkle ng konting asukal. “Binanungot ka ba?”

Napatingin na si Max sa dalaga, pero sobrang bilis lang nilang nagkatinginan for he quickly look away. “Hindi.”His voice was deep and serious, like he wasn’t in the mood for any further conversation.

Napakunot na ng noo si Ellie. She was starting to get irritated. Ayaw na ayaw pa naman niya ng ganitong klaseng cold treatment, lalo pa’t umagang-umaga. “Ee, ba–”

Hindi na hinayaan ni Max na makapagsalita pa si Ellie. He quickly stood up, dragging his chair against the floor that it made a loud sound.“Mauna na ko maligo.” He said, looking down his plate na meron pang lamang hotdog na hindi pa nya nagagalaw. “Baka ma-late pa tayo.”

The next day…

Eleonor Malicsi Dimaculangan

GGGAAAAAAAAAAAAAAHHH!! Alam niyo yung parang merong time-bomb na naka tanim sayo that could explode any minute now? Paksyet tlaga! I’m ready to burst!! SHEET! ARGH! Naiinis talaga ko!! My chest was getting heavier by the minute.

I took one deep breathe. Iniisip ko pa nga yung problema ko kay Sef ee, tapos ngayon nakuha pang sumabay ni Max!! Hindi naman ako tanga para hindi maramdaman ee, galit si Max sakin. He won’t speak to me, he won’t look at me at higit sa lahat, he’s avoiding me!! Kung may problema, sana sabihin niya sakin!! Dahil wala akong maisip na ginawang dapat na ikagagalit niya kagabi!! Kung yung… masamang hangin na inilabas ko sa kwarto niya ee… hindi ko naman sinasadya yun!! It was his fault for making me laugh so hard… atchaka hindi naman nakakamatay yun!!

Sheet, Ellie!! Ano bang nangyayari? Parang everything is getting out of control? GEZUZ, WHY ARE YOU EVEN IN SUCH A MESS?! AND WHY IS EVERYBODY PUSHING YOU AWAY?!

I dropped my face down on my arms resting against my desk. Bakit ganito? Pakiramdam ko, binabalatan ako ng buhay?

Sef rejected me and I couldn’t help but feel bad about myself… and this time, si Max naman iniiwasan ako… making everything ten times worse. I stomped my feet angrily on the ground like a child about to give off a tantrum.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon