Chapter 48-4. Cinderellie!

24K 307 17
                                    

Eleonor Malicsi Dimaculangan 


Hindi ako bully. Hindi ako mapangasar na tao. Alam niyong lahat yan! Saksi kayong lahat sa pagiging mabuti kong nilalang. Pero ngayon ko lang napatunayan, na kahit ang pinaka mabait na tao ee marunong din palang magkasala… HAHA. Halos mabaliw sakin si Fanny Serrano while he’s doing my make-up, parang kulang na lang magsisi siya kung bakit ba naisipan pa niyang tanggapin ang offer ni Miguel Josef Uy Monteverde na trabaho. Oo, Fanny Serrano yung pangalan nung baklang hinire ni Sef na ayusan ako. Hindi ko siya kilala, sabi ko nga sana sa David’s Salon na lang ako dinala ni Sef o kaya kay Ricky Reyes!! Ee pano ba naman, who the hell is FANNY SERRANO in the first place? Pangalan palang kaduda-duda na!!

Hindi maipinta ang mukha ni Fanny lalo na nung kinakabitan na niya ako ng hair extension. Balak daw kasi niya akong gawing TAO sa gabing ito!! “I’m pretty sure, bagay sayo ang long hair.” Sabi niya.

“A-AYAW!!” I screamed like a frightened little girl. Napamewang si Fanny, alam kong umuusok na ang ilong niya sa inis sakin. Feeling ko nga malapit na niya akong ikadena sa kinauupuan ko.

“Dear God!” Nabulalas ni Fanny with matching punas sa noo niya ng kamay. “Ikaw na ata ang pinaka mahirap ayusan sa lahat ng naging customer ko!! You’re driving me crazy young lady!! Now close your eyes, nabura mo nanaman yung eye shadow mo!!”

Umabot kami ng mahigit dalawang oras… napaka-uncooperative ko daw. Tss. At ako pa ngayon!! Ee PINILIT lang naman ako!! Hindi ba nila alam pwede ko silang idemanda, lalong-lalo na si SEF!! GAAAAAAHHH!!! This isn’t what I want!! I’m just FORCED beyond my WILL to go to this ball!!

Ee teka nga muna, sino ba naman kasing gaga’t kalahati ang nagbitaw ng mga katagang… GAGAWIN KO LHAT NG IPAGUUTOS MO SAKIN!! KAHIT ANO!! Remember? Sa sementeryo? Feel na feel mo pa nga ang pagkakasabi mo nun. TOINKS!!

I finally decided to close my eyes para ipaayos ang nasira kong eye shadow. I could feel so many hands touching my face and my hair, at meron pa ngang kumukuha ng sukat ng paa ko. Nakakairita!! NAKAKAINIS!! Gumaganti ba si Sef sakin???

Hindi ko na muling binuksan ang mga mata ko, hinayaan ko na silang gawin ang kung ano mang plano nilang gawin. Natatakot din kasi akong makita ang sarili ko… lalo pa’t naka wig ako!! Pag ito talaga nag mukha nanaman akong bakla, sasabunutan ko silang lahat!! GAAAAH!! Magiging KALBO ang lahat ng PINOY!! HAHAHA.

Pakiramdam ko habang buhay na kong naka-upo doon. Konti na nga lang ee maghihilik na ko when Fanny Serrano finally said with a contented smile, “Mr. Monteverde is going to love me for this.”

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko only to feel confused. SHEEET!! I BLINKED. ALMOST IN A PANIC!! NABULAG NA BA KO? ANAKSHUTA, HINDI KO MAKITA SARILI KO SA SALAMIN!!!

He looked angrily on his watch. “Where the hell is she?” Nabulalas ng binata as he walked back and forth in his place right outside the luxurious Diamond Hotel.  He was anxious, a bit nervous too. The Graduation Ball was about to start in few minutes, and he can’t believe that despite everything he did nakuha pa ding ma-late ng ganito ni Eleonor Malicsi Dimaculangan.

Sef knew how that girl could miss the track of time, kaya naman he planned everything out. He hired the best people to ‘fix’ Ellie tonight. Oo, FIX talaga yung term na nasa isip niya. Marami talaga kasing SIRA ang babaeng yun… and she’s really beyond impossible… kahit NGAYON ba naman, LATE pa din siya?

Sinasabi na nga ba niya ee, he should have waited for her hanggang matapos siyang ayusan. Hindi na lang dapat nauna si Sef dito, parang siya na lang ata itong naiwan dito sa labas, ubos na yung amoy ng pinaligo niyang pabango… at kung anu-ano ng pumapasok sa isip ng binata… hindi kaya TINAKBUHAN na siya ni Eleonor? Well, it’s not like he got her consent tonight… parang sapilitan lang naman niyang pinapunta si Ellie.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon