Chapter 18. Joke Time!

27.7K 337 7
                                    

Love-Nat
by: Elliedelights

___________________
Chapter 18. Joke Time
___________________ 

Sunday. (10:00 am)

Oras na!! Oo, oras na para lisanin ang Tagaytay… kung alam niyo lang kung gaano ko na ka-gustong lumipad papalayo dito!! Parang walang matinong nangyari saken dito ee… parang lahat bad memories kasama si SEF!!

OWS? REALLY? BAD MEMORIES DAW!! Haha.

Weh. Tumigil ka KONSENSYA!! Mapapasama ka saken!!

WAAH!! Sira nab a ulo ko?? Kinakausap ko na ang sarili ko!!

Haii… 3days, 2 nights lang ba talaga kami dito sa Tagaytay?? Ee bakit parang halos ilang taon akong hindi nakauwi?? Bakit parang sawang-sawa ako sa pagmumuka ni Miguel Josef Uy Monteverde na kahit ipikit ko ang mga mata ko… wala akong ibang nakikita kundi siya… wala din akong ibang naririnig kundi ang boses niya ng binitawan niya ang mga katagang, “ELEONOR MALICSI DIMACULANGAN MAKIKIPAG-DATE KA SAKEN AYAW AT SA GUSTO MO!!!” Paulit-ulit kong naririnig ito sa isip ko.

WWWWWAAAAAHHHH!!!! Huhuhuhuhu… Dios ko, ano po bang naging kasalanan ko sa inyo at pinaparusahan niyo ako ng ganito?? OH NO… BAKEEET?? Kung bibigyan niyo naman ako ng boypren, utang na loob naman, wag ang kagaya ni Sef!! Parang awa niyo na, Lord!!! Kahit sana yung mejo kasing lapit kay John Lloyd Cruz!! Kahit mejo, mejo lang…

TOINKS!! Tumigil ka nga Ellie!! Ayan kasi napapala mo, pinapatulan mo pa kasi ang loko-lokong yun ee alam mo naman na matindi sapak nun sa ulo!!! Ano? Nakahanap ka na ng katapat mo?

Argh, dahil sa gusto ko ng umuwi, nauna na kong magimpake kela Borge at ngayon nakalumpasay ako sa kama habang hinihintay silang matapos. Para naman kasing buong bahay na ang dala-dala nitong mga ‘toh ee. Nakakaloka!!

Borge: Hoy Ellie!!

Ellie: WALA AKONG NARIRINIG!!

Meg: Uii, wag ka ng magtampo!!

Sara: Kaya nga, dinalan ka naman namin ng pasalubong kahapon ee.

Ellie: WALA AKONG MAALALA!! (Yung yellow cab na pizza kahapun!! SHRAP!! :rolleyes: )

Aah. Hindi ko pala nasabi din sa inyo ano? Alam niyo bang nakuha ng mga tinatawag kong kaibigan na iwan ako dito sa hotel kasama si Sef habang silang lahat – ultimo si Manong Driver – ee nagroad trip!! Oo. Naglibot sila sa Tagaytay. Nag-horse back riding. Kumain. In other words, nagpaka-enjoy!! Alam kong sinadya nila akong iwan dito!! Kaya tuloy nauwi kami ni Sef sa pustahan sa basketball!!

Sila may kasalanan nito ee. Unang-una sa lahat, kung hindi nila ako iniwan dito kahapon, hindi ako mapapadpad sa basketball court na yun at hindi ako matatalo sa linshak na laro na yun!!!! At hindi… hindi din dapat ako makikipag—WWWWWWWWAAAAAHHH!!! Ayoko na talaga!!!

Bigla ako tumayo mula sa pagkakahiga ko, kinuha ang bag ko at lumabas ng kwarto!! Nararamdaman ko ang mga mata nila Borge saken. SHEET Ellie, ikaw ba yan?? Tae, may tampo effect ka pang nalalaman ngayon aa?? Infairness, ang TARAY!! Haha.

Naalala ko yung gabing nagtampo din si Sef nung may nasabi akong nakasakit sakanyang mala kapreng pride!! Haha. Yak! So? Nahahawa na ko ke Sef sa mga tampo effects na ‘toh?? OMG. Speaking of, hindi ko papala naibabalik sakanya yung jacket niya!! Oh well… ayos lang yan, para may BASAHAN akong iuuwi kay mama!! Hahaha. Siguradong matutuwa yun. Galing pang States ang bago niyang basahan sa bahay!! NYAHAHAHAHA…
Hindi ko napansing para kong tangang tumatawa sa idea na biglang pumasok sa isip ko… TAMA, gagawin kong basahan yung jacket niya, gugupit-gupitin ko hanggang sa parang…

Sef: (ngumisi) Haha. Sabi ko na ee. Tuwang-tuwa ka’t makaka-date mo ko!!

Ellie: HAH?? (napataas kilay) Owkei ka lang?

Sef: (smiles) Umamin ka na lang kasi… the truth will set you free.

Ellie: Aah. Ee sino ba saten ang nakaisip ng pustahang yun??

Sef: See? Ginagawan na nga kita ng favor ee, kaw pa tong naiinis.

Asa ka Sef, di mo alam ikaw pa ang ginagawan ko ng favor!! Gagawin ko talgang basahan jacket moh!! Haha.

Ellie: Lam mu, kaw na nga nagsabi maraming nahuhumaling sayo, mapa babae, bakla, tomboy!! Iba na lang i-date mo!! Wag mo na lang sayangin ang oras ko. Time is gold, you know?

Sef: Is it? Ee bakit lagi kang late?

Ellie: (napakamot ako sa ulo, haha. Infairness may point siya!!) Aaah. Basta, hindi ako makikipag-date sayo!! Taga mo yan sa bato!!

Sef: (napakunot ang noo) Aba. Hindi pwede yun!! Nanalo ako. Yun ang usapan!!

Ellie: Alam mo ang hirap mong intindihin!! Bi-polar ka talaga ee!! Bakit hindi na lang yung mga fan girls at gays mo ang yayain mong makipag-date sayo ee di hamak na OO agad sagot nun mga yun!!

Sef: HAHAHAHAHAHA… (tawang-tawa talaga siya, halos um-echo na nga yung tawa niya sa buong hallway)

Grabe talaga tong lalaking toh… bakit siya ganun?? Hindi masyadong obvious na sobra siyang NAAALIW saken. Ilang beses na bang nangyari toh? Yung tipong seryosong-seryoso na yung mga sinasabi ko, pero siya… ano? TATAWANAN LANG NIYA KO!! Mukang dapat dalin na ‘toh sa mental aa?

Sef: (when his laughter subsides) T-teka… Wag mong sabihing…

At bigla-bigla ba naman akong tinulak ni Sef sa wall…nabitawan ko yung bag ko… at napalunok ako… Dahan-dahang lumalapit sa akin ang mala-Adonis niyang muka…

OH LORD… ANG HOT NI SEF!! RRrrr…

SHEET PIGILAN MO SARILI MO ELLIE!! CONTROL!! CONTROL!!

Sef: Anong thrill nun kung sila ang yayayain kong maki-pag date? Oo lang sila agad? Mas masaya yung ganito…

Sef suddenly placed a hand on my cheek, his fingers slowly running across my lips. He was smiling, and his eyes locked with mine at sapat na yun para makalimutan kong huminga… also enough to make my heart go wild.

Sef: Natatakot ka ano? Dahil… baka ma-inlove ka ng tuluyan saken…

Hindi ko naririnig yung mga sinasabi niya… nararamdaman kong nagpapawis na ko!! AYOKO NG GANITO… YUNG PAKIRAMDAM NA… PARANG… NAPAKA HINA KO?? I know I should just go push him away… pero… bakit ganun? Wala akong magawa??

Sef then took a step back, binitawan na niya ako habang tumatawa siya ulet… malapit na talaga kong maniwala na BALIW na talaga ang lalaking ito!!

Sef: Hahahaha… Sana nakita mo itsura mo Ellie!! Hahahahaha…

With that, lumakad na si Sef papaalis… at iniwan na niya ko dun sa hallway ng mag-isa… at sa hindi maipaliwanag na dahilan… nainis ako sa sarili ko at hindi kay Sef!!

To be continued.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon