Chapter 31-2. Meet the Cousin!

23.7K 295 12
                                    

Chapter 31-2. Meet the Cousin

The auditorium was filled with parents, mga tita, tito, mga kapatid… and Sef? Who was Sef? Ang boyfriend ng pinsan ng nanay ni Irish?? Ows. Boyfriend nga ba?? Haha. Or soon to be palang?? Oooh. Pwede.

The show already started. It was a Christmas presentation since malapit na ang Christmas. Children were singing random carols. They enacted the three kings and Jesus in the manger. But Sef wasn’t paying attention to any of the cute, talented kids up on stage. He was watching somebody else instead. Yung hindi kasama sa show… yung dalaga lang na nasa baba, na may hawak-hawak na digicam at kanina pa kinukuhanan ng litrato at video ang pamangkin nitong si Irish.

Bakit kaya ganun? Everything Ellie does, kahit simpleng galaw lang… it caught his attention.

Ellie was standing in front, busy taking pictures, completely unaware of the guy who was watching her.

“Maganda ba?” tanong ni Andrew, who was sitting next to Sef. Nahalata kasi nito ang binata.

Napa-ubo tuloy si Sef. “Ehem. Uh, Yeah. Maganda ho.” He shifted on his seat. “Maganda ho yung palabas.”

“Aaah.” Andrew simply nodded, trying not to laugh.

Suddenly, Sef’s phone rang. “Excuse lang. I’ll just go answer this outside.”

“Yeah. Sure.”

The moment Sef was outside he pressed the answer button.

“Where the hell are you?” It was Jerry, yung tropa niya sa GWAPS. “Thought I’ll be hooking you up with Bea? Dito na kami Greenhills.”

“Aw, shit!” He muttered. “Sorry man. I forgot! Sa susunod na lang.” Liar. Of course, hindi niya nakalimutan.

“Wow man!! This will piss Bea! Big time! Ilang beses mo na siya iniinjan!!”

Sef doesn’t care the least. “Ganun ba? Well, just tell her I won’t make it today.”

“Ah. I’m in deep shit man!!”

“Sorry Jer.”

And the line went dead.

Sef stared on his phone for a minute before going back inside the auditorium.

Pagkatapos ng palabas.
Sa bahay nila Karla.

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Saktong 1:00 ng hapon kami dumating sa bahay nila Karla. Nagluto daw kasi siya kaya dun na lang daw kami sa kanila kumain. Nagkasya naman kami sa kotse ni Andrew.

Nakuha nga agad ni Sef ang loob ni Irish. They’ve been playing before and after eating lunch. Haaaay, ganito din kaya siya sa magiging mga anak namin?? TOINKS!!! ELLIE?? Kakakain mo lang. Medyo hindi ka pa ata natutunawan!!! I shook my head and took my gaze off Sef na tawa ng tawa habang nakikipag laro pa din kay Irish.

“So, hindi ka talaga magkekwento?” Karla said while drying the dishes.

“Anong kekwento ko?”

“About your handsome boyfriend, DUH!”

I took a deep breath. “Cuz, hindi ko siya boyfriend. Niloloko ka lang niya kanina. May taglay kasing kalandian ang loko-lokong yan.”

“Pero infairness Cuz. Bagay kayo.”

I blushed. “LUL. Pakyu”

“Hindi ngaaa. Seryoso. Para kayong si Adan at si Eba.” She laughed. “Samson at Delilah.”

“Oo na. Sige na. I get it, parang Brad Pitt at Angelina Jolie.”

“Alam mo hindi. Parang mas mukang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo!!”

I laughed. “PWEDE!!” Napaka gaga talagang kausapin nitong babaeng ito. Sign yan. Pinsan ko nga talaga ito. Haha.

Bigla naman pumasok si Andrew. “Gwapo. Mabait. At parang anak mayaman sa kutis.” He was saying habang kumuka ng isang baso ng tubig. “Pasado na toh saken Ellie.”

“AH EWAN SA INYO!!” I screamed irritably. “Masyado kayong ma-issue. Yan lang ba pangarap niyo? Ang magka boyfriend ako??”
“Alam mo Ellie. Minsan kailangan talaga ng issue sa buhay ng tao.”

“Tama, Hon.” Andrew nodded before going back to the living room.

“Bakit mo sinama si Sef ngayon?”

ARGH! I hate that W question. Yeah, the big WHY! I rolled my eyes. Sa tuwing BAKIT ang tanong saken ng mga tao, iisa lang ang lagi kong sinasagot. “Bakit? Kailangan ba talagang lagi may DAHILAN?”

“Okay. Fine. Sungit!! Akala ko kasi ang isasama mo yung is among barkada…. si ano… yung cute na medyo suplado? Ano nga ulit pangalan nun?”

“Si Max.”

“Oo. Yun.” Karla pointed a finger in the air. “Si Max.”

I shrugged. Wala ako sa mood ikwento na wala sa katinuan si Max ngayon kasi nagkaroon ng LQ with Sara kaya pati tuloy ako nadamay.

“Nakilala na ba ng mama’t papa mo yang si Sef?”

“Ano? At bakit ko naman ipapakilala?” Chaka na lang kapag ikakasal na kami. Buwahahahahaha.

“Naku,” Karla said excitedly. “Isama mo siya sa 24 sa bahay niyo. Tamang-tama… andun tayong lahat!!”

I glared at her. Yan ang huling bagay na…

“SEEEF!!!” Karla shouted, standing by the doorway ng kusina. I heard Sef answered, “Yeah?” Before I knew it, andun na din si Sef kasama namin ni Karla. He stood there, his hair looking all messy. Pero ayos lang. He still looked good. Haaay, gwapo talaga ng buyprend ko. Hahaha. Yan pa ang nagde-deny na HINDI aa?

Karla was smiling endearingly at him. “Pwede ka bang pumunta sa bahay nila Ellie sa 24? Meron lang kaming Christmas Party and Ellie would like to invite you there.”

ANO?? AKO??? “T-teka lang…” I stammered, blushing wildly. SIYA NAKAISIP NA IMBITAHAN SI SEF TAPOS AKO ITONG ITUTURO NIYA??? Woooshoo… kanwari ka pa Ellie… gusto mo din naman talagang pumunta si Sef ee.

“Sige na… masaya yun.”Karla pleaded.

Asa naman kasi diba?? HINDI YAN SASAMA. HINDI YAN PUPUNTA!! Dios mio. Atchaka 24 yun, dispiras ng pasko… meron syempre si Sef na gustong makasama sa Pasko nuh!!

Sef looked at me when he simply answered, “Okay.”

Bakit ganun?? Parang pakiwari ko, yung sagot niya ee, I do. GAAAAAH!!! Kelangan pa talaga tumingin saken nuh?? Kaloka… ayan tuloy… pinapanalangin ko na sana… December 24 na!!!

AMPF!!! 

To be continued.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon