Chapter 33-3. Round TWO!

24.4K 309 7
                                    

Eleonor Malicsi Dimaculangan

All throughout nung byahe, nag jamming lang kami ni Sef kasabay yung tugtog sa kotse niya habang umiinum ng Nestle Chuckie. Mula sa mga kanta ni Justin Bieber na Eenie Meenie hanggang sa Forget You ni Cee Lo Green. Kulang na nga lang ata ee magsayaw kaming dalawa. Haha. Tawa siya ng tawa saken, hindi naman daw kasi kanta ang ginagawa ko. But it didn’t stop me from... well, shouting as he called it. Haha. Actually, nag-stop over pa nga kami saglit sa gasoline station kasi bibili daw muna siya ng makakain.

“Oh, ano pa gusto mo?” He asked while placing two large packs ng Lays dun sa basket na hawak-hawak niya.

I looked around. “Gusto ko yun!” Tinuro ko yung chicharon na may sawsawan pang suka sa loob. Gaah, ka-tulo laway naman. Haha. 

He stared at it for a moment, looking quite doubtful. “Ito?”

“Oo. Masarap yan!!” I reassured him. 

He shrugged and placed the said chicharon sa basket. Napunta naman kami sa beverage section. He took a handful of coke-in-cans. Pero sa totoo lang... hindi naman kasi talaga ako ma-coke na tao ee. I pulled the hem of his sleeves.“Sef,” I muttered softly. “Pwedeng yun na lang akin?” I was pointing at the Nestle Chuckieyour chocolatey buddy! Haha. Yung iniistraw pa!

Tinignan niya muna ulit yung mga pinagkukuha niya parang kino-compare niya then he stared at me for a moment, without a word binalik niya yung mga coke-in cans at yung Nestle Chuckie yung ni-rade niya. Haha. Parang bata din talaga tong lalaking ito ee.

Kamuntik pa nga kami maligaw kasi nagkamali siya ng liko. Kailangan pa tuloy namin magtanong at maghanap ng u-turn slot.

Mga ilang tanong pa ee, narating din namin ang E.K. Marami-rami na nga din ang mga nakapila sa labas. Iba-ibang grupo, samu’t saring mga tao – bata, matanda, mga magbabarkada, pamilya at meron pa nga isang buong barangay.

I excitedly went down the car, tinatanaw mula sa pinagparkingan namin sila Borge. At sa haba ng binyahe namin nitong si Sef ngayon lang sumagi sa isip ko ang silipin ang cell phone ko. Unsurprisingly, meron na akong 204 new messages with matching 22 missed calls mula kay Borge at Japo.

WWWAAAAAHHH!! Asan na ba sila?? Pumila na kami ni Sef sa bilihan ng ticket, hindi mapakali ang ulo ko kakalingon.“Sino pa bang hinahanap mo ee andito na ko.” Sef said, still unaware of my plans.

After a minute or so... “ELLIEEE!!!” It was Borge, kumakaway-kaway na siya mula dun sa loob. Ang mga walang hiya, nakapasok na pala sila. Hindi man lang ako hinintay!!

Bigla namang sumulpot si Japo. “Grabe, it’s about time you two showed up.” He was handing us our tickets. “Binili ko na kayo kanina. Pamasko ko na yan sa inyo aa?”

Sef eyed me suspiciously yung tingin na parang, Plano mo toh nuh?

“WHOAAA!!” I acted surprise. Yung tipong kanwari hindi ko alam na andito sila. “JAPO!! ANONG GINAGAWA MO DITO? PANO MO NALAMANG DARATING KAMI??”

Japo looked confusingly at me. Napaka SLOW talaga nitong kumag na toh!! Ggggrrrrr...

Hindi ko na hinintay pang magsalita si Japo. Kinuha ko na lang yung ticket na binibigay niya samen sabay takbo papasok sa loob. “TARA NA BILIS!!” I was shouting.

Pagpasok ko, sila Borge at Jill agad ang sumalubong saken. I was somehow surprised to see Max. Buti naman naisipan niyang sumama. Andun din si Ken, si Meg with her cousin John. But who caught my attention was... the guy standing next to Max. Siya yung team captain ng soccer ball!! Si NICO!! Yung crush na crush ni Borge.

Don’t tell me... he’s with Borge??

“Uy Sef!” Nasabi ni Nico when he saw him. “Glad to see you here man.”

Mejo nagulat din si Sef. “Oh, sinong kasama mo dito?”

Nico smiled. “Si Bea.”

Lahat kami napakunot ang noo. “BEA?” I asked aloud. Sinong animales naman si BEA?? 

“Ehem.” Borge tried to get our attention. Parang sinasabi niyang, SIYA si Bea. “You know, Beatrice... Bea... get it?”

My eyes widened. “I-ikaw?” And in a split second, “Pppffffttt... HAHAHAHAHAHAHAHA...” Sorry talaga pero hindi kinaya ng powers ko yun ee.

Borge’s cheeks were flustered as she glared at me. Kulang na lang ata may usok na lumabas sa ilong niya. “ELLIE!!!”She screamed, charging towards me.

I quickly broke to a run. “Oh, anong ginagawa ko sayo BEA?”

Soon enough, everyone was laughing.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon