Chapter 09. Hubo't Hubad! Hipon!

32.2K 393 18
                                    

Love-Nat
by: Elliedelights 

-----------------------------------------------

Chapter 09. Hubo't Hubad. Hipon!

------------------------------------------------

4.30 AM. 

Madaling araw ng biyernes ng ginera ako ng mga tinuturing kong kaibigan sa aking pamamahay... oo... dumating sila Borge, Sara, at Meg kasama pati si Japo at ang van niya habang napaka himbing pa ng tulog ko... pinapanaginipan ko pa nga si John Lloyd ee... ng bigla akong hinaltak sa paa ni Borge at nahulog ako ng wala sa oras sa kama... hinding-hindi kayo nagkakamali... ito ay dahil sa overnight sa Tagaytay... nagbigay ako ng ultimatum na HINDI ako sasama... pero ano??? Heto silang lahat sa kwarto ko...

Meg: Naku, maraming-maraming salamat po Tita... wag po kayong mag-alala kami na pong bahala ke Eleonor.

Borge:Siguradong hindi namen toh gugutumin!!!!

Ako: T-Teka lang... kidnapping na toh!!!! Hindi pa ko nakaka impake...

Pagtingin ko si Sara at Meg ee nasa cabinet ko na, hawak-hawak yung maleta ko at pinupuno nila ng damit yung bag ko... parang kahit ano na lang na mdukot nila ee yun na lang inimpake nila... So talagang wala akong kawala??? Para kong batang walang magawa ng LITERAL na kinaladkad ako nila Borge, Meg at Japo sa kotse niya... Bakit walang ginawa ang mga magulang ko??? Sarili nilang anak ee kinikidnap ng mga hoodlum na toh!!!!

Mga one hour and a half after... pumarada kami sa isang napaka gandang bahay... mala-mansion ito... at napaka raming kotseng naka park sa garahe...

Japo: Ahy, saglit lang girls... nakalimutan ko cellphone ko sa taas... tara...

Sheet. Napaka ganda naman ng bahay ni Japo... kumpara kela Sara, Borge at Meg... parang ako lang tong bighaning-bighani sa kagandahan nung bahay...

Merong maid na nagpatuloy samin... nag-bow pa nga ito kay Japo.

Maid: Good morning Sir.

Sosyal diba?? English speaking ka dapat kapag nag-apply kang katulong sa bahay na toh... ang ganda talaga... para bang sa mga hollywood movies ko nakikita ang mga ganitong klase... parang nasa ibang bansa ka nga ee... para kong nasa London or Paris... hindi man ako architect or interior designer... pero alam ko naman ang magandang structures sa hindi...



Dito kami pinatuloy nung maid... umupo agad kami nila Borge... syempre mga wala rin kaming energy pare-pareho dahil kahit papano tinatalaban din naman ang mga ito ng antok!!!

Maid: Coffee or hot tea or orang juice?

Borge:Coffee po ate... salamat...

Sara: No thank you.

Ako: Ayoko din.

Meg: Orange juice sa kin.

Japo: Oh saglit lang aa... kaw na bahala sakanila Yaya Kusing.

Pumanik si Japo sa stairs... at naiwan kami dun sa baba...

Ako: Bakit ako lang ang hinatak niyo dito??? Asan si Jill???

At kahit hindi ko man sinabi... nagtataka din ako kung asan yung asungot sa buhay ko... ee siya pa naman tong sumama ng walang yumayaya sa kanya...

Borge:Relax ka lang. Hindi pwedeng kulang tayo nuh!!!

Meg: Oo nga. Kala mo makakalusot ka nuh!!!

Pababa na si Japo sa stairs...

Japo: Oh dito muna kayo.... ako na lang susundo kay Jill... balikan ko kayo agad... dapat ready na kayo...

Sara: Haha. I won't give you the pleasure na masolo si Jill nuh!!! Wala pa tayo sa Tagaytay dumada-MOVES ka na... sasama ako!!!

Meg: haha. Tama. Samahan mo Sara.

Borge:Aaah. Basta dito muna ko... iidlip lang ako...

So, umalis na nga sila Sara at Japo para sunduin si Jill... since, natutulog naman si Borge at si Meg naman biglang tinawagan sa phone ng boyfriend niya... naisip kong magliwaliw muna... sino ba naman ang makaka resist sa ganda ng bahay na toh diba???

Pumanik ako sa wooden stairs... napaka daming kwarto.... ilang tao ba nakatira dito??? E diba iisang anak lang yung si Japo??? Grabe... kung gugustuhin niya iba't ibang kwarto tutulugan niya every other night... kahit sana diba??? Dito na lang kami nag-overnight??? Ee kasyang-kasya naman kami dito...

Kelan kea ako makakabili ng ganitong bahay??? Kelan kaya ako yayaman ng ganito??? Haaaiiii... ang sarap talagang mangarap...

Sinubukan kong buksan yung unang kwarto sa kanan... kaso sarado... yung una naman sa kaliwa... sarado pa rin... ano ba yan!!! Ano bang meron at kelangan talagang naka lock ang lahat ng kwarto dito??? Pero pagdating ko sa ikalawang kwarto sa kanan... shocks... naka bukas... haha... pag pasok ko... ito ang bumulaga saken...



WHOA!!!! Ang ganda ganda nuh?? Ang swerte naman ni Japo... hahaha... tumalon ako sa kama... ang LAMBOT!!!! OWwww... nice... kung ganito lang ang kwarto ko... baka ayoko ng lumabas ng bahay... kahit habang buhay na kong ikulong dito ee... ang relaxing sa likod ng kama... halos pumipikit na mga mata ko... inaantok na ulit ako... ng biglang... parang biglang may tunog na umuulan...

Napatingin ako sa bintana... maaraw naman... teka... nanggagaling pala sa isang kwarto yung tunog... naku, baka may nakalimut na isarang maigi yung gripo sa banyo... sayang naman yung tubig... ahhh... sige na nga... gusto ko din makita ang banyo ng mga mayayaman... hahaha... totoo kayang meron silang tv sa cr??

Dahan-dahan kong binuksan yung pinto nung banyo... at sa hindi inaasahang pagkakataon... AYUN OH!!!!! May nagsho-shower... mejo mausok at salamin yung pinto... kaya halos naaaninagan ko yung... hubo't hubad na katawan... ng isang... lalaki!!!!!!!

Na-palunok ako ng bonggang-bongga at napasandal ako sa wall at napakanta ng... OH MY... GOSH!!! ni Usher. Shocks!!!! Lord... utang na loob... ilayo niyo po ako sa KASALANAN!!!! WWWaaahh... umalis ka na nga Eleonor... baka mahulli ka pa... prublema lang yan... tama... aalis na lang ako... p--pero... ISANG TINGIN PA!!! PRAMIS!!! ISANG-ISA na lang... kahit naman papano... babae pa rin naman ako... at hindi naman masamang ma-curious sa mga MALE SPECIES. haha.

Muli akong sumilip... haiiii... napakagat labi na tuloy ako habang dahan-dahan kong pinagmasdan ang napaka... YUMMY na katawan ni Kuya... halatang nagg-gym siya... maganda kasi ang hubog ng katawan niya... matangkad... maputi naman... haiiii... sino kaya toh??? Parang pwede ko na siyang mahalin ngayon... PAK!!! Ano ka ba Ellie!!!! Itigil mo na nga yan!!! Mamboboso ka pa, baka magkakuliti ka pa niyan!!!

Sinara ko na ulit yung pinto... haiii... behave ELLIE!!! BEHAVE!!!! Pero infairness... ang HATNESS niya... wwaaahhh.. yummilicious... delisyoso... para siyang lechong manok na ang sarap papakin... WWAAAHHH!!! Ano na bang pumapasok sa isip ko??? Anakshota... umalis ka na nga Ellie... oo aalis na ko... p--pero... pwedeing isang-isang TINGIN na lang... FRAMIS!!!!

Pero pag minamalas ka nga naman talaga oo... pag bukas ko ulit nung pinto wala na kong makita... at mga ilang segundo pa bgo ko ma-realize na... tiyan na pala yung tinitignan ko... TIYAN NUNG NALILIGO!!!!!!!!

Easy ka lang Ellie... wag kang papahuli... easy ka lang... mag-explain ka lang na napada--

Sef: Sabi ko na ee... may pagnanasa ka talaga saken... haha...

Alam ko yung boses na yun aa... Pagtingin ko sa muka niya... as expected... muka nga ni Sef ang nakita ko... nakangiti siya... obviously pleased about himself... and about the fact na binobosohan ko siya...

WWWWWWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!!!!!!!!!

I'm SOOOO DEAD!!!

BERI GUD KA TALAGA ELLIE... KAHIT KELAN KA...

BAKIT SA LAHAT SIYA PA NAISIPAN MONG BOSOHAN!!!!!!! 


To be continued.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon