Chapter 48-3. Cinderellie!

23.9K 312 14
                                    

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Sef.

Sheet. The name sounded like poison that my mind kept screaming it over and over and over and over again, na kahit anong gawin ko… his face, his name… it seemed stuck in my head!! GGGGRRRRRR… PAKYU KA ELLIE… ITULOG MO NA YAN, UTANG NA LOOB!!
S-E-F!!

Eleonor!! Anakshuta naman, disoras na ng gabi, MATULOG KA NA!! Malapit ng tumilaok ang mga manok gising ka pa din!! Ayan, ayan kita mo ginagawa mo sa sarili mo? Masyado mo kasing mahal na mahal yang mga eye bags mo ee… tas ngayon nagtataka ka pa kung bakit nakuhang i-reject ni Sef ang loveletter mo!! Ee kung sinusubukan mong mag BEAUTY REST?! Anakshuta yan!! GAAAAAAAHHHH!!!

Sef! Sef! Sef! Sef!

ARGH!! Umikot ulit ako sa pagkakahiga ko sa kama ko, slamming the pillow against my face. Lord, please lang… maaga pa pasok ko bukas. Tama na tong parusa na toh! Ayoko na talaga… sabi ko naman sa inyo Lord, wag na si SEF. Bigyan niyo na lang ako ng iba… Kahit kamuka ni Manny Pacquiao na banlag tatanggapin ko na… o kaya kahit yung kakambal lang ni Mario Maurer pwedeng-pwede na… kaya please, wag lang ang isang kagaya ni Miguel Josef Uy Monteverde!!

“Lord please…” I muttered unconsciously.

Parang sa tanan ng buhay ko, ngayon lang ako nagdasal ng ganito kataimtim!! Haha. Infairness, may nadudulot na maganda si Sef, nagiging religious ako! May pag-asa naman daw pala akong makapasok sa kumbento!! TOINKS!! Haha.

Haaaiiii… ano bang prublema mo Ellie?!?! SO WHAT KUNG GALIT KAYO?? SO WHAT KUNG HINDI PA RIN KAYO NAGKABATI KANINA SA SEMENTERYO??? SOOOOO HUWAT?! Isipin mong maigi, na baka sakaling sa paraan na yan nais sagutin ni Lord ang matagal mo ng dasal. Oo nga, tama.

Umikot ulit ako, looking straight up the ceiling of my bedroom. Oo mga kaibigan, hindi pa rin kami nagkabati ni Sef kanina. I wasn’t expecting him to apologize, dapat pa nga ata ako ang humingi ng tawad kasi aminado naman ako, ako tong sumingit at pilit na pumapel sa kanila ni Kuya Matt. Even though Sef managed to bring me home, tahimik lang kami sa buong byahe, as usual… wala kaming parehong imik kahit nung bumaba ako ng sasakyan niya. Ni hindi ko na nga din nakuhang mag-thank you sa pagkakahatid niya sakin. I just simply went down his car & slammed the door at siya naman agad ding umandar papaalis.

Naalala ko nanaman yung seryosong expression ng mukha ni Sef kanina habang nagmamaneho. Kahit hindi na siya magsalita, nararamdaman kong ayaw na din niya kong kausapin pa, like he doesn’t want anything to do with me anymore. My chest ached the entire time I was inside his car, parang pakiramdam ko ang sikip ng mundo namin sa loob ng kotse niya. Siguro nagsisisi na din siya’t nakilala pa niya ang isang pakialamerang kagaya ko. GAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!!! AYOKO NA TALAGA!! GUSTO KO NG MATULOG!!! I rolled on my back for what seemed to be the hundredth time…

“Balbal ka naman Ellie!” AJ groaned sleepily beside me. Animales! Ahy, nakalimutan ko sabihin, katabi ko pa lang matulog dito sa kwarto ko itong magaling kong pinsan. Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat especially when AJ turned his face towards me. Balot kasi ng white facial mask ang mukha niya. Oh diba? Tinalo pa ko ng loka-loka sa pagpapa-beauty!! “Kung galit ka sa mundo, mag-ibang planeta ka!! Hindi yung dinadamay mo ko sa pagpupuyat mo.”

Pinalo ko sa braso ang mahadera kong pinsan. “Lul. Pakyu.” I cursed darkly.

“Gaaawwd, hindi kasi ako makatulog sa ginagawa mo. Lahat na ata ng ikot nagawa mo na!! Ano ba’t di ka makatulog?” He sat up, irritably scratching the back of his head and carefully running a hand on his face para i-check kung maayos pa yung nakalagay na maskara sa mukha niya.

Umikot ulit ako, turning my back from him, “Wala.”

There was a long pause before AJ finally said, “Dalawang bagay lang yan for sure. Either Letter A – in love ka or Letter B – heartbroken ka.” He then poked me by my shoulder. “So, alin ka sa dalawa? Hmm, o baka naman all of the above?”

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon