Chapter 43-2. Suntok sa Buwan!

22.9K 277 27
                                    

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Lutang ako pagtapos kong marinig ang balita ni Max tungkol kay Pepita. My head was filled with so many images of my childhood friend. Images of the past, happy memories na talaga namang tine-treasure ko. It’s been years since I last saw her. Haha. Siya na kasabay kong lumaki, halos araw-araw kong kalaro nun sa talyer, siya na una kong sinabihan na ultimate crush ko si John Lloyd Cruz, siya na nag-turo saking mag-bake ng cookies. Haha. C’mon sino ba naman ang hindi mae-excite?? WWWAAAAAAAAHHH!!! Hiningi ko nga agad kay Max yung number na ginamit ni Pepita na pang tawag sakanya… and it turns out na siya din pala yung unknown number na nag-missed call sakin nung Pasko.

I was grinning excitedly despite of myself. Hindi ko ma-contain. Kaya kahit nung naghihintay ako ng jeep pauwi, para pa rin akong tangang nakangiti mag-isa. Hayyy, kamusta na kaya siya? Marunong pa rin kaya siyang mag-tagalog o kelangan ko ng mag-ipon ng English? Haha.

The last time I talked to her was through YM, about two and half years ago, I think. Haha. As much as I recalled, alam ko meron na siyang boyfriend dun. She promised about sending me a picture of him two years ago… kaso lang, na-busy na ko sa college, at na-busy na din siya. Didn’t have much time to go online. Yun yung mga panahong meron kaming qualifying exams and Pepita said something about being the heiress in her father’s business. Kaya, ayun… never had the chance to talk to her since then.

Hhhaaiii… Kelan naman kaya niya balak dumating dito sa Pinas? WWWWAAAAAAAHHH!!! I’m BEYOND excited!! Wooohoooo…

At sa kasalukuyan… May dumaan ng jeep, it was too late ng narealize kong dapat pinara ko na pala yun. TOINKS!! Kasi naman diba? Lumilipad yang isip mo, Ellie!! “MA’MA!!” Sumigaw ako, waving my hand after the jeep na kala mo titigil pa toh. Hahabulin ko pa sana pero kumaripas na ito sa pagandar.

Maya-maya pa ee, habang pinagmamasdan ko ang papalayong jeepney, biglang may pumaradang Pajero sa harap ko. I quickly recognized it. Si Sef.

Bumaba yung bintana sa may passenger seat, and I greeted Sef with a frown. Aba, fresh na fresh pa din sa isip ko ang pagaaway namin nung nakaraang araw!! Kung ako nakakunot ang noo, Sef on the other hand greeted me with yet another one of his sexy smiles. Only this time, there was something different about it… something… suspicious…

“Ellie,” He uttered my name with utmost pleasure. Para bang excited si Sef. Weh? For real? Excited siyang makita ako?? HAHAHAHA. Well, excited din naman akong makita siya!! TOINKS. Diba galit ka nga sa kanya Ellie?? Ehem, lumingon na lang tuloy ako sa kaliwa ko, pilit na tinatanaw ung mga jeep na dumadaan as though HINDI ko nakikita si Miguel Josef Uy Monteverde. Kahit deep down, pinagdadasal kong, SANA WALANG DUMAANG JEEP!! Hahaha. “I know you’re mad at me.” He said. Nakakainis!! Tanggalin ka niya yang ngiti niyang yan!! Mas lalong nakaka inlove ee!! PUNYEMAS!! “Look, let me make it up to you. Hahatid na kita sa inyo.” Hindi ko pa din siya pinapansin, halos mabali na nga leeg ko kakalingon. “Ellie, please?” There was something gentle in his voice. Parang nagmamakaawang sumakay na ko!! SHEET! WAG KA NA NGA KASING PAKIPOT ELEONOR!! Gusto mo din namang ihatid ka niya nuh!! Lechugas ka!! Okay, okay… I grudgingly opened the door at sumakay. “Pasalamat ka, wala akong masakyang jeep.” Pero may kadadaan lang naman talaga. ANG LANJOT MO TALAGA ELEONOR!! Hahaha.

Mas lalong lumaki yung ngiti ni Sef. Ang hirap pala nito… parang may magnet si Sef at yung mga mata ko parang gustong-gustong sakanya lang nakatingin… TAKTE ELLIE. UMAYOS KA NGA!! GGGRRRR… parang ang sarap tuloy balutan ng dyaryo ang muka niya!! Hahaha.

Tahimik lang kami sa byahe, but Sef was just smiling still. Para siyang tanga!! I was just about to scream at him to tell him to wipe that idiotic smile off his face, but then I was distracted by his eyes… Kanina pa siya sulyap ng sulyap sa rear mirror niya na tila ba may tinitignan sa upuan sa likod. Baka mamaya mabangga pa kami niyan ee. Napalingon din tuloy ako sa likod, to check on his backseat. Ano naman ba kasi yung kanina pa niya tinitigna— I suddenly felt something hard slapped me across my face. Parang biglang bumigat yung dibdib ko and in that instant, nakalimutan ko na yung masaya kong aura kanina, nawala na sa isip ko yung good news ni Max tungkol kay Pepita. There by the backseat of Sef’s car was the most beautiful bouquet I’ve ever seen. Iba’t ibang kulay ng bulaklak na hindi ko naman alam ang mga tawag. Isa lang ang sigurado ako. Merong white roses.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon