Chapter 17. Ellie Fondah?! (Parts 1 & 2)

28.1K 377 8
                                    

Love-Nat
by: Elliedelights

-----------------------------------------
Chapter 17-1. Dare Me Not! 

------------------------------------------

Ako si Eleonor Malicsi Dimaculangan at wala sa prinsipyo ko ang umatras sa kahit ano pang hamon ng buhay!!! At lalong wala akong balak umatras sa hamon ni Miguel Josef Uy Monteverde lalo pa at… BUHAY ko ang nakataya dito!! Oo. This is a matter of life and death!!! I cannot lose in this game!!! It cannot be!!

Hindi ako papayag na yurakan niya ang pagkababae ko!!! Dapat hindi tayo papayag na matalo!!! Itaas ang bandera ng mga kababaihan!!! Para sa katipunan!!! Para sa BAYAN!!! TOINKS!! Pero… kapag iniisip ko, manalo-matalo ee maganda pareho ang premyo ko!! Hahahaha. Ang maka-date siya??? Hmmm… PWEDEH!!!

Grabe din naman talagang dumiskarte tong si Sef ano? If I know, gusto lang niya kong maka-date… hindi lang niya alam kung pano ako tatanungin!! Hahaha…

Ahh. Teka, teka!! Ano ka ba naman ELLIE!!! Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo??? Ambisyosa ka naman!!! ATCHAKA SI SEF YAN!!! HINDI KAYO TALO!!!

MAGISIP KA NGA!! SI SEF ANG MAKAKA-DATE MO!!! YANG HAMPASLUPANG IMPAKTO NA AKALA MO KUNG SINONG PILANTROPO NA SAKSAKAN NG GWAPO!!! KUNG TUTUUSIN EE MUKHA LANG SIYANG PWET NI JOHN LLOYD CRUZ!!! Nyahahaha… TAMAHH!!! =)

Hindi syempre ako papayag. Kahit kelan hindi ko pa naranasan ang makipag date. At hindi na ko papayag pa na nakawin pang muli ni Miguel Josef Uy Monteverde ang first date ko kagaya ng pagnakaw niya ng first kiss ko!!! HINDI NA KO PAPAYAG!!! HINDING HINDI NA!!! GYERA NA TOH KUNG GYERA!!!

Hindi pa man nagsisimula ang laro namin ni Sef ee todo na sa hiyawan yung mga binatilyong nanunuod samen. Tama, ganyan nga… Wag na wag silang kukurap para makita nilang maigi kung paano ko gagawing basahan itong kaibigan nila!!!

Kaming dalawa lang ni Sef ang nakatayo sa loob nung court. Magkatapat kami at halos nanlilisik ang mga mata ko habang nakikipagtitigan sa kanya at habang nag-iistretching ako. Syempre kailangan mag-warm up muna ko… gyera na toh ee!! Si Sef naman nakatayo lang sa harap ko, cool na cool na nakangiti saken at nakuha pa niyang pumamewang.

Bakit ganun nuh? Sa tuwing lumalabas ang mga sungay nitong lalaking toh, ako lang lagi ang present!!! Dapat nandito din sila Borge ee para malaman na nila na totoo ang mga sinasabi ko tungkol sa lalaking toh!!!

Sef: Oh, ikaw na una! (dinribble papunta saken yung bola) Naaawa naman ako sayo ee, baka hindi ka na maka-score kapag ako nauna.

Ellie: Ah ganun? (binalik ko sa kanya yung bola)

Sef: Huh. Sabi ko na nga ba ee. Gusto mo kong manalo dahil gustong-gusto mong maka-date ako!! (Sabay kindat saken)

Ellie: Ano ka? Pinauuna na kita. Girl’s first diba?

Sef: (nagiba yung ngiti niya natapakan ko ata ang pagkalalaki niya, kung lalaki nga siya) ….

Hindi na siya nagsalita, naiba na yung kislap ng mga mata niya as he started dribbling. Humanda na din ako, yung mga kamay ko inistretch sidewards ko na for defense. The way Sef handled the ball, aakalain ko ngang NBA player siya ee. Napalunok ako!!! Ano ba tong napasok ko… nagyabang ka pa kasi ee, ikaw na nga pinauna!!!

Binata 1: (yung kamuka ni Derek) Alright. Ready. Set. GO!!!

Kapipikit ko lang ng mata ko ng biglang nawala na sa harap ko si Sef. Ni walang kahirap-hirap… superrr SWABE lang niya kong nalagpasan. As in. Ni hindi nga niya ko nasagi ee. Para lang siyang hangin na dumaan.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon