Chapter 35-3. Peace na, Kiss na - PLEASE?!

24.8K 327 7
                                    

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Nakalimutan ko, isa nga palang parusa kapag sinamahan mo si MEG na mag-shopping!! Diyos mio, parang gugustuhin ko pang parusahan ako ng coach nun sa soccer try-outs kesa libutin ang buong SM NORTH EDSA. At ng hindi pa talaga nakuntento si Meg, lumipat pa kami sa Trinoma!! Hindi ko na nga nararamdaman ang mga binti ko ee, halos nasuyod na namin ang bawat store. Namimili kasi siya ng mga pang Christmas gift daw niya.

Sinamahan namin siya nila Jill at Borge. Pero infairness, mukang ako lang talaga itong nagrereklamo. Papano, kahit sila Jill bili dito, bili dun. Ako lang itong kinakaladkad nilang tatlo kung san-san.

Okay. Guilty na ko. Hindi naman kasi ako ma-shopping na tao nuh! Obvious naman diba? Kung meron man akong kailangan, alam ko na kung san yung bibilin. Wala akong panahong libutin ang buong mall ano!! Anakshuta talaga, hindi ko alam kung papano ako napasama ngayon sa mga babaitang ito ee.

Pumasok kami sa Marks and Spencer. Balak daw kasing bilan ni Borge si Nico ng jacket. Okay. Ito talaga ang mga tipong high-end na store ee. Biruin niyo yung jacket na balak bilin ni Borge ee halos nasa 8k na!! Lechugas, ee kung sa Divisoria na lang siya bumili? 250 lang meron na!!

“Ellie, ganun talaga. Mahal ang mag-mahal.” Sinabi sakin ni Borge ng sinabi kong bigyan na lang kaya niya ng love letter si Nico. Besides, it’s the thought that counts diba?? “Ee ikaw ba? Anong balak mong ibigay kay Sef?”

SAY WHAT?? “Si Sef?” Nanlaki talaga mata ko. “At bakit ko naman siya reregaluhan?” Nagtinginan sila Jill, Borge at Meg. Yung tinginang may MEANING!! Amp!!

“Sabi nga nila diba, give LOVE on Christmas day!!” sabay banat ni Meg.

“Give love…tss…PAKYU!! Haha.”

Pero infairness… bigla akong napaisip… actually, napalunok would be the perfect word. Kung gugustuhin kong regaluhan ang isang kagaya ni Sef… malamang kulang ang 8k. Mukang kelangan ko munang mag nakaw sa bangko!! Haha.

Atchaka, meron pa ba kong dapat iregalo dun? Parang kayang-kaya naman na niyang bilin ang kahit anong gustuhin niya ee. Ano ka ba Ellie!! Ikaw na nga mismo nagsabi ee, it’s the thought that counts!!

Ano kaya? TSINELAS? Parang hindi ko pa nakikitang naka-tsinelas yun ee. Siguro may patay na kuko kaya hindi pwede i-expose! Haha.

PABANGO?? Sus. Baka i-spray lang yun ni Sef sa banyo!! Kumpara naman kasi sa mga ginagamit niyang pabango diba??

WALLET?? Ay, sige. Try mo lang. Baka gawin lang niyang lalagyan ng barya yun!! Hahaha.

Ah, sheet!! SUMASAKIT ULO KO!! Hindi pa naman ako sanay ng pinagiisip ako ng mga ganitong klaseng bagay!! Ito ngang mga barkada ko wala akong balak bigyan SIYA pa kaya?? Tsss… atchaka matapos yung nangyari nung sabado, feeling niya mageeffort akong bigyan siya? NO WAY!! NO WAY TALAGA!!

Naka-upo na kami sa Isbarro to eat lunch pero kahit anong gawin ko, tumatakbo pa din isip ko… Ano kaya?? Bigyan ko siyang BULAKLAK?? Sabi kasi nung prof namin dati, gusto daw ng mga lalaki kapag binibigyan sila ng bulaklak! Hahaha. Tae, ee isa nga pala ako sa mga nag-react na baka bakla si Sir kaya niya nasabi yun. TOINKS!

“Oi, sino ba yang ka-txt mo?” Biglang natanong ni Meg kay Jill.

“Si Japo. Darating daw siya ee.”

Pagkasabing-pagkasabi ni Jill nun, biglang lumitaw si Japo sa may entrance ng Isbarro, sinisilip-silip pa niya kami. Kinawayan ko naman siya agad.

“Hey girls!” Bati niya. “Christmas shopping ba? Anyway, MEDIUM size nga pala t-shirt ko. Size 8 naman paa ko.”

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon