Chapter 48-2. Cinderellie!

22K 265 10
                                    

Eleonor Malicsi Dimaculangan

 

Truth be told, I’m not sure what it feels like to fall in love… I don’t know what it means to love someone… kaya nga siguro EPIC FAIL na lang ako sa lahat ng bagay… Actually, hindi ko din alam na posible pala na makaramdam ng ganitong sakit ang isang tao.

Shocks Ellie, parang lahat na lang, hindi mo alam!! Punyemas, sa totoo lang, ano pang silbi ng pag-aaral mo? Ano pa’t pumapasok ka araw-araw sa napaka prestigious na Matute University of the Philippines at hindi mo alam ang mga simpleng bagay na tulad nito??

Ito ang unfair ee, kung anu-anong tinuturo satin sa school… kung pano mag-basa, mag-sulat, mag-solve ng isang katutak na algebraic problems… they’re teaching us kung papano pumasa sa linshak na quizzes, kung papano makakakuha ng mataas na grades, but what they’re not teaching us is how to survive in the real world!! Hindi nila tayo tinuturuan kung papano harapin yung mga TOTOONG problema na naghihintay satin somewhere out there!! In the end, wala ring silbi yung grade na pinagpupuyatan natin gabi-gabi… simpleng prublema nga lang na kagaya nito, hindi ko masolusyunan ee. Haha.

Sheet Ellie!! You’re hopeless… pati ba naman MUP sinisisi mo?? Argh.

“You shouldn’t listen in everything he said. That boy tends to ramble on when he’s mad.” Kuya Matt told me in a kind, gentle voice as he sat down beside me. Nakakahiya man pero, mag-isa lang akong bumalik despite the fact na nangako pa akong isasama ko si Sef. Hindi na sumunod sakin ang magaling na si Sef ee, dios mio susunod pa ba yung tao matapos niyong magsigawan ng ganun? Konti pa nga siguro’t baka bumangon yung mga nakalibing para awatin kami. Magkaroon pa ng live na Plants Vs. Zombies dito sa sementeryo!! Haha.

I looked up at him, trying to fake a smile. “Ayos lang, Kuya Matt… kasalanan ko naman talaga ee. Masyado akong pakialamera.”

“None of it was your fault, Ellie.” Kuya Matt chuckled. Pakiramdam ko, big brother ko siya that I felt comfortable with him. “Besides, concern ka kasi sa kapatid ko kaya you did what you only think is right.”

My cheeks turned red sa pagkakasabi ni Kuya Matt sa salitang concern. Animales!! WALA AKONG PAKIALAM SA ANIMALES NA YUN!! Concern-concern, pwe!! Hmp.

“If there’s anyone to be blamed, dapat ako yun.” Kuya Matt continued. “Sef has all the right na magalit sakin. Ako ang may kasalanan sakanya… I was the one who left him.”

“Pero Kuya, bakit hindi mo sabihin yung totoo? Explain mo sa kanya na sinubukan mo naman talaga siyang isama sayo noon.”

He gave one deep sigh as he grinned at me. “And what? Lalabas na masama si Grandpa? I can’t do that Ellie. I respect the old man & I know Sef does too. At ayokong mangyari yun, yung mawala yung respeto ni Sef kay Grandpa.”

I looked at Kuya Matt with probing eyes. Wala talaga akong masabi dito sa kapatid ni Sef. Hands down ako!! Despite the fact na pinalayas siya ng lolo nila, Kuya Matt was still thinking about his Grandfather. Ang swerte talaga ni Ms. Elena, bihira lang sa mundo ang mga kagaya ni Kuya Matt na gwapo, mabait at ultimate gentleman pa!! Swerte din ako lalo pa’t magiging brother-in-law ko siya!! Hahaha. Ayan, nananaginip ka nanaman ng gising!!

Kuya Matt was still smiling at me. “You know what, you’re a nice girl, Ellie.” Napangiti din ako sakanya especially the way he said it, parang sister-in-law na talaga niya ko ee. WAHAHAHA. Oh kita niyo na, pasado na ko agad sa Kuya!! “Teka nga, are you and Sef… dating?” Kuya Matt teased that made me turned red in an instant.

Well, SANA!! Hahahaha. JOKE!! Baka bumangon ang lahat ng nasa ilalim ng lupa Ellie! Wag kang ambisyosa!!  “Hindi! Kuya Matt talaga… maka-issue naman wagas!”

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon