Chapter 37-2. Ellie's Chocolatey Buddy!

23.2K 290 6
                                    

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Minsan, sabi nga nila alam ng magulang kapag may bumabagabag sa kanilang mga anak. Funny, how my dad seemed to feel na kelangan ko ng mapagtatanungan. Lumapit siya sakin while I was sitting on the hood nung bulok na SUV na matagal ng naka tengga dun sa talyer.

Inabutan ako ni Papa ng isang bote ng Royal. Syempre, alam niyang hindi ako ma-coke na tao. He leaned next to me, drinking on his own bottle. Favorite naming dalawa yan. “Akala ko ba usapan natin magpapaalam ka sakin.”

I raised a brow. I was clueless. Anong sinasabi ni Papa? “Papaalam saan?”

“Kapag may... ano... Pag may...manliligaw na sayo.”

Halos mabulunan ako sa sinabi niya. “Pa, naman!! Wag kayong magalala wala pang nagkakamali!! Haha.” Patawa talaga itong tatay kong ito. May nagregalo lang sakin ng guitara, nanliligaw na agad sakin? San pa kayo? Haha. SAKIT SA ULO!!

He looked at me oddly na parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Ama ko talaga siya. May pinagmanahan talaga ko sa pangaasar. Haha. “Pero gusto mo??”

Napakamot ako sa ulo. “Pa? Talo mo pa si Japo sa pagiging chismoso!! Haha. Ano ba ito, The Buzz?”

“The Buzz sa talyer??” He gave me a laugh. “Ee pang showbiz ka din naman kasi sumagot!! Anak nga kita.” With that, nag-cheers kami ng bote.

“Syempre, kita mo naman, pinagbiyak ang ilong natin.” Oo, pramis guys... parang xinerox ang ilong naming dalawa. Haha.

“O sige sinabi mo yan.” Papalakad na papalayo si Papa pero tumigil siya para lumingon ulit sakin. “Hindi talaga nanliligaw aa?”

I smiled, nodding my head exaggeratingly. Naku, kung alam lang ni Papa. Walang chance na manligaw sakin ang isang Miguel Josef Uy Monteverde. Dios mio. Mawawala muna lahat ng bakla sa mundo bago mangyari yun. Haha. Atchaka kung si Sef manliligaw sakin?? As in SAKEN?? Tss. BASTED YUN MALAMANG. Di ko siya TYPE!! Hmp. Hindi siya si John Lloyd!! Wag siyang umasa!! Masasaktan lang siya sakin. Hahaha. FEELING KA NA ELLIE!!

“Hindi talaga??” Wow. For the nth time na tanong na niya ito!! Makulit pala talaga lahi namin ano?? Proven at tested na!! Haha.

“Pa, bayaan mo manliligaw na din yan. Malapit na.” Hahahaha. FTW ang naging reaksyon ng papa ko!! Ee di natigil din ang pagtatanong niya nun. Kung may sira ang ama, what more ang anak??

Matapos ko naman sa talyer, pinilit akong isinama nila mama at Eddy sa grocery. Meron pa daw kasing mga ilang rekado na kulang si mama para sa nalalapit na Family Reunion namin sa December 24. Diba nga? Yearly nagkikita ang buong angkan ng mga Malicsi sa bahay namin. Haha.

“Ano Ate Ellie, nakabili ka na ba ng ireregalo kay Miguel mo?” Tanong ni Eddy habang nagtutulak siya nung cart.

Nakuuu, ayan nanaman ang tanong na yan!! Ilang beses ko ba dapat sabihing wala akong balak regaluhan ang lalaking yun!! KAINIS!! “Pero alam mo ‘te Ellie,” Tuloy si Eddy sa kanyang litanya. “...kaming mga lalaki... hindi naman talaga kami maseselan regaluhan ee. Hindi kagaya niyong mga babae. Masyadong materyalosa.” Biglang nagbuntong hininga ang kapatid ko. “Haaiii... Naubos ipon ko sa pagbili ng ireregalo kay Trisha.”

“Ows? Ee bakit nanghihingi ka pa ng regalo saken kung kami lang ang materyalosa??”

“Ate naman... kami kasi hindi mahalaga kung ano nakabalot... ika nga nila, it’s the thought that always counts.”

Napaisip ako. “Ganun? Edi solve ka na kung greeting card na lang ibibigay ko sayo?? Haha.”

Napakamot sa ulo ang kapatid ko. “Reyna ka talaga ng kakuriputan! Palabasin mo naman yang pera mo sa wallet!! Haha.”
Loko-loko talaga itong kapatid ko. Haha.

“Ma,” Sabay naming tinawag ng kapatid ko si mama. “Pwede kami kumuha ng chocolate?” Tanong agad ni Eddy ng napadpad kami sa chocolate section dito sa grocery store ng Robinson’s. Bukod sa parehong hugis ng ilong namin nitong si Eddy, marami kaming napagkakasunduang mga bagay. Tulad ngayon, hindi naman kami adik sa tsokolate pero para kaming si B1 at B2 ng bigla lang naming naisip na magpabili ng chocolate. Hahaha. “Sige, isa lang aa.” Sagot naman ni Mama. Mejo galit kasi si Mama sa matatamis ee.

Para kaming baliw ng kapatid kong sinusuri ang bawat chocolate na nasa rack. Mula sa toblerone na iba’t ibang size sa walang kamatayang Hershey kisses, hindi kami matapos-tapos sa pagtuturo kung ano kukunin naming dalawa.“Ito na lang!” Tinuro ko yung malaking chocolate bar. “Ayoko niyan, pang sayo lang yan ee!”

When all of a sudden, a small little boy stood between me and my brother. He was handing to me a box of chocolates na iba’t ibang variety. I didn’t have time to look kung ano yung brand name. “You can try this one.” He said in a very cute voice. Hindi lang boses niya ang cute... infairness ang gwapong bata, he reminded me of...Sef. Pareho kaming nakatingin ni Eddy sa bata... and it took another second before it occurred to me na si NOEL pala ito, yung pamangkin mismo ni Sef.

I was just about to say hi when Ms. Elena’s voice came from behind. “Ellie, ikaw pala yan! It’s so nice to bump into you here.”

I turned around smiling but my smile couldn’t conceal the surprised look on my face when I saw the man beside Ms. Elena. He looked exactly like Sef. Oo, pramis. Parang pinagbiyak na pisngi ng mangga!! Haha. Only this man looked older. Atchaka he gave off an air of a respectable gentleman, hindi kagaya ni Sef na kayabangan agad ang una mong magiging impression. This man was rather different. He was handsome in every sense of the word but his face was kinder, gentler na parang hindi siya yung tipong makikipag suntukan sa gitna ng carpark ng Enchanted Kingdom. He looked smart and could carry himself anywhere. He might even give the notion of a good person pero hindi maaalis yung presence of authority in him.

He was already giving me a warm smile kahit na nakatitig ako sakanya. “Well, Ellie...” Sabi ni Ms. Elena. “This is my husband Matt.”

Oh sheet!! AS IN SI MATTHEW JAMES MONTEVERDE??? YUNG KUYA NI SEF!! HUWAT THE HELL!!! SIYA... oo siya... yung future brother-in-law ko!! Hahaha. TOINKS!! Nananaginip ka nanaman Ellie!!

Hala, anong dapat kong itawag ngayon sakanya?? Kuya Matt?? Yak, naki KUYA ako agad?? Feeling talaga!! Haha.

“Ah, hehe. Hello po.” I laughed weakly. Minsan lang ako tamaan ng hiya pero grabe... ang lakas!! Haha. Sabi ko na talaga ee, kung ganito siguro ugali nung si Sef, nakuu, isang pikit lang MINAHAL ko na yun!! Hahaha.

Kuya Matt reached out for a shake hand. “Hi Ellie. I’ve heard so many things about you.” When he spoke, my mind was flooded down with the story Ms. Elena told me back in the clinic at MUP. Yung kwento kay Kuya Matt at kay Sef.

All of a sudden, Noel started pulling me by the arm. I took a hold of the chocolate box he has been handing me a while ago. It was a Cadburry na nasa malaking rounded violet na lata. “Thanks Noel.” I told him. “Muka ngang masarap ‘to.” He smiled, nodding. Without a word, he then went towards his father. Kuya Matt then lifted him up with ease.

Wow. SI SEF NA LANG TALAGA ANG KULANG!! Imba talaga ang genes nila Sef!! Wooh.

“Masarap talaga yan.”Kuya Matt said grinning. “It’s my personal favourite.” Huwaw... ang weird talaga... magkamukang-magkamuka sila ni SEF!! Gaaaah, creepy!!

“Well, Ellie.” Ms. Elena then said, giving me a hug. “I’ll see you around.”She then winked as they disappeared into view.

When they were out of sight, I then found myself looking at the Cadburry chocolate and I couldn’t help but smile.

“Ate Ellie! Tara na!” Eddy was shouting pero nakatayo lang ako dun na parang tanga na naka ngiti. Kulang na lang nga ata may lumabas na light bulb sa may ulo ko.

HUWAT DA MADAPAKING HELL... Alam ko na ireregalo ko kay Sef!! Hahaha.

TO BE CONTINUED.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon