Chapter 40-8. Big BAG Theory!

21.3K 282 12
                                    

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Nagsisisi si Sef, that I am sure of! Hindi na niya kelangan sabihin, ramdam na ramdam ko. Maybe he was thinking that he shouldn’t have risked jumping off the dock… nasira pa tuloy ang precious watch niya na bigay ng one and only EX girlfriend niya!!

Bakit? I didn’t ask him to dive in there to save me in the first place!! In fact, si Chowee pa nga itong una’t huli kong tinawag!! But then… on second thought, dapat lang talaga na sagipin ako ni Sef, aso nila dahilan kung bakit ako kamuntik ng sumakabilang buhay nuh!! Ayon sa batas, liable sila sakin due to negligence!! Oh diba? Base on law na yan!! Haha.

Atchaka, sandali nga! Bakit ba AKO sinisisi niya?? Sino ba naman kasing tangang hindi nagtanggal ng relos bago tumalon sa lawa diba?? Tapos sakin siya galit na galit!! GGGRrrrr… Tapos tingin pa niya sakin suicidal ako!!

Ako? Hello, I’m a big fan of LIFE. I live it. I love it. I enjoy it!! Syempre, ako pa!! Haha.

Naiinis ako sakanya… alam niyo yung parang sasabog ka sa inis pero hindi mo ma-express kasi hindi mo alam kung pano??

But then, naisip ko… pano nga naman kung LAPTOP ko yung nasira? Feeling ko hindi ko kaya yung ginawa ni Sef na nag-walk out lang. Pakiramdam ko nun, magwawala tlga ako. Magdidilim ang paningin ko… sasabog ang lahat ng hindi dapat sumabog!! RRRAAAAHHH!! Hahaha.

Yeah. Sa tingin ko naiintindihan ko yung nararamdaman ni Sef. Importante sa kanya yun… pero… hindi ba ko mas mukang importante sakanya?? Ehem… ibig kong sabihin… RELOS lang yun. Kung baga in elementary terms, non-living thing yun. AKO? AKO NA LIVING THING ang dapat niyang pahalagahan!! Ako nagsasalita, kumakain, natutulog… at higit sa lahat… NALULUNOD!! Haha. Hndi kagaya ng relos na yun na pwedeng PALITAN!!

Pinagbuksan ako ni Butler George ng pintuan and as I entered, nakita ko agad yung Tita ni Sef. She was standing by the stairs, hawak-hawak yung tungkod niya. “What’s the commotion all about?” Parang napatigil ang lahat ng tao sa buong mansyon, lahat ng maids at mga katiwala… oo, pati lahat ng lamok na lumilipad, mga langgam na nagtatago sa mga suluk-sulok… pati nga ata oras biglang napatigil just by hearing Tita Yolly’s voice.

Sef,on the other hand, was at the foot of the stairs, papanik palang siya.“Just a little accident in the lake, Tita.”Halata pa din yung pagiging BV sa boses niya. Napansin kong hawak-hawak pa din niya yung relos na bigay sa kanya ni Lianne na kakasira ko lang. Oo, inaako ko na ang kasalanan, kahit na hindi nman talga dapat!!

I then clutched tighter onto the towel wrapped around me. I was slightly shivering. Parang whiplash na bumaling ang mga nakakatakot na mata ni Tita Yolly sakin. “Hm, I see.” She raised one eyebrow and her lips were in a thin straight line. “You.” A-ako? Ako daw? Napaturo nga ako sa sarili ko ee. “Follow me.”

Napatingin ako kay Butler George, who gave me a look of fear. Kahit yung mga maids na naka-witness ee kabadong tumingin sakin. Parang sila tong biglang natakot. Yung para bang, sesentensyahan ako ng kamatayan at parang huling araw ko na sa planet Earth. Sef stood frozen by the stairs, I could feel his angry stare on me pero pinili ko na lang na wag siyang tignan as I ascended up the stairs and walked behind his aunt.

Tahimik lang akong sumusunod sa likuran ni Tita. Sheet Ellie. Tlagang kinarir mo na, TITA na tlaga ang tawag mo!! Haha. Even though I was a good distance behind her, amoy na amoy ko yung pabango niya. It was sweet, pero may pagka matapang sa ilong. We walked in silence, ako naman nakikiramdam lang… at ang natatanging naririnig ko lang were our footsteps and the clicking of her cane against the marble floor.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon