Chapter 40-6. Big BAG Theory!

21.3K 276 14
                                    

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Ako? Sus. Simple lang ang routine ng buhay ko… most of the time, nanunuod lang kami ng mga kapatid ko ng mga movies na dina-download ko, tutulong ako sa gawaing bahay at gawaing talyer, tatambay sa open court sa barangay namin at makikipag laro ng basketball sa mga lasinggero dun, o kaya ng tumbang preso sa mga batang palaboy-laboy dun… kung hindi man, magdamag akong nasa harap ng laptop ko naghahanap ng mga bagong hot pictures ni John Lloyd Cruz, o kaya naman kumakain lang ako… if i’m not eating, tulog ako…

Yeah, tulog ako… bukod nga ata sa CHEATING at pagkain, ito ang natatanging talent ko - ang pagtulog. Madikit nga lang ata ang likod ko sa pader, tulog na ko… ipikit ko lang mga mata ko maya-maya humihilik na ko. Kaya nga nung umalis si Sef para pakainin si Chow-Chow… hindi ko namalayan nakatulog na ko sa duyan habang hinihintay siya… and by the time I woke up there was a blanket wrapped around me tapos madilim na ang paligid… and the sun was already hiding…

Napa-upo ako sa duyan and I looked around but Sef or any other human being wasn’t in sight. Siguro nasa loob ng bahay si Sef… I stretched my arms. Wow. Ang sarap ng pagkakatulog ko. Then I stared at the blanket, para kong tangang biglang napangiti… okay sige na nga, bigla akong kinilig kasi naisip ko na baka si Sef naglagay sakin nun. Hahahaha. Sana. How I wish… Feeling mo naman, baka si Butler George naman daw Ellie!! O baka si Chow-Chow… naku baka nga!!

I stood up, feeling in the fresh night air that slightly blew against me. Napatingin ako dun sa lawa, and decided to walk about its edges. Sa totoo lang, may pagka nature lover kasi ako… ewan ko ba, sabik na sabik ako sa tuwing nakakakita ako ng mga puno, ng bundok… haha. Siguro kasi, wala kaming probinsya… diba nga? Mga pure Tagalog kasi pareho sila mama’t papa. Haha.

Naglakad-lakad lang ako sa gilid throwing stones once in awhile. I was amazed by the way the stones created a rippling effect. Sinubukan ko kasi yung patatalunin mo yung bato sa tubig. Ang cool!! Haha. Hindi pa sana ako titigil when I noticed sa mejo di kalayuan, there was a wooden dock. Yep, yung parang small bridge that stood by the lake. I excitedly made my way towards it, exploring the entire place on my own.

I knelt down at the edge of the dock and dipped my hand in the water. Brrr… Mejo malamig. Suddenly, something occurred to me… yung sinabi ko kay Sef kanina, “Sef, pano kung tumalon ako ng hubo’t hubad jan sa lawa?” Well, yeah… sumagi yung idea sa isip ko kasi… totoong gusto kong subukan yun. Oo, pramis… katulad nung mga napapanuod ko sa TV… the ones who would jump off the cliff stripped down naked. Para kasing… ang wild nung idea… but I badly wanted to try it. Nagtip-toe pa ko malapit sa edge nung dock para silipin kung gaano kalalim tong lawa.

Feeling niyo naman, syempre HINDI ko naman gagawin yun dito!! Mahiya naman daw ako diba? Haha. Baka nga mamaya may mga hidden camera jan sa mga puno-puno. Wala naman akong balak sundan si Katrina Halili sa scandal niya nuh!! Haha.

Minsan nga, sabihan ko sila Borge, outing kami, strictly ALL GIRLS!! Gusto ko sa dagat, yung tipong may bangin… tapos tatalon talaga ko, ita-try ko talaga ang —

Biglang, ‘ARF!’, napalingon ako sa tahol ni Chow-Chow, but he was running fast towards me. Yung itsura na parang namiss ka niya na ewan… then he jumped on me, his strong two feet pushed me hard at na-off balance ako, my feet were on the very rim of the dock. “WHOA ~ WHOA ~ WHOA~” I was trying to keep my balance, yung mga kamay ko parang naging mala pakpak na winawagayway ko.

Oh diba? Yan ang gusto mong i-try Ellie?? Ayan, mahuhulog ka na sa lawa ng wala sa oras!!

Chowy stared at me. “Ch-Choweee…” I called nervously. Ee sino pa bang tatawagin ko ee siya lang yun andun?

Mahal na breed si Chowy. Hindi lang mahal, matalino pa. At worth it ang pera’t dog food na ginagastos nila Sef sa kanya for he quickly sensed that I was in trouble. Chowy bite on my dress so as to pull me. Kaso lang mumurahing tela lang naman yung damit ko, at masyadong mamahalin na aso si Chowy, kaya hindi kinaya ng dress ko ang matutulis na pangil niya.

My heart stopped, rinig na rinig namin pareho ni Chowy yung pagkakapunit ng damit ko…CCCCRRREEEEEEEE~AAAKKKKK… at ayun, hindi ko na naramdaman yung paa ko sa dock… parang slow motion akong nahuhulog… Gravity was pulling me down…

PATAY KA NGAYON ELEONOR MALICSI DIMACULANGAN!!

T-teka lang, hindi naman ito yung gusto ko Lord. Hindi ganito!! Mali ee… HINDI PA NAMAN AKO NAKA HUBAD!!

TOINKS!!

HUUUUUWWWAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!

SPLASH!!

I struggled to keep my head up the water. Tahol na ng tahol si Chowy. Hanggang sa bigla siyang tumakbo paalis!! WALANG YANG ASO YUN!! SIYA NGA DAHILAN KUNG BAKIT AKO NANDITO!! TAMANG IWAN AKO?? SANA MAN LANG DINAMAYAN NIYA KO!! Panoorin man lang niya kong malunod, at least alam kong hindi ako mag-isa… Naku talaga, siya unang-una kong mumultuhin!! Sus mio Ellie, papatulan mo pa yun aso?? Prublemahin mo muna yang paglunod mo!!

Ah sheet. Oo nga!!

Lahat na ng pag-padyak, lahat as in lahat na ng alam kong swimming sinubukan ko… back stroke, front, side, ultimo butterfly… hala, sige, sipa Ellie… sipa pa!! Hinga. Inhale, exhale… but to no avail… I sank, the water was eating me alive… parang may kamay na humihila sakin pababa.

MAG-ISIP KA ELLIE!! MAG-ISIP KA!! Ah, sige, sige… pag umabot na yung paa ko sa lupa, sa kailali-laliman nitong lawa, lalakarin ko na lang hanggang sa maka-ahon ako!!!

Punyemas!! Yun na yun?? Yun na ang plano mo Ellie?? Eeeh, meron pa bang iba? WWWAAAAAAH!!!

I could feel my lungs suddenly inflamed, nawawalan na ko ng supply ng hangin. Oh no, no, no, no… this is bad. Really, bad. Lord, anjan ba kayo? Hindi pa ko ready… hindi pa talaga… marami pa kong mga pangarap… gusto ko pang makapunta sa Egypt para makakita ng mummies, gusto ko pang makita in person si John Lloyd Cruz… chaka… mamahalin ko pa si SEF!! 

OH LOOORD!!

To be continued.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon