Chapter 14. Jacket & Words.

28.2K 361 17
                                    

Chapter 14. Jacket & Words.

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Habang nagsiswimming sila I was here seated sa may bench somewhere around the hotel... hindi na ko sumama sa kanilang magswimming... ang sarap kasi ng upo ko dito, kitang-kita mo yung napaka gandang view ng Tagaytay... yung night view to be exact... yung ilaw ng mga bahay-bahay sa baba... mejo nasa mataas na location kasi itong hotel ee, kaya napaka ganda talaga ng view... and not to mention yung napaka clear na night sky... kitang-kita mo na napaka daming bitwin sa langit and most of all napaka enchanting nung buwan...I took a deep breathe... haiii... this is the life... napaka peaceful... malayo sa ingay... malayo sa iskwela... malayo sa prublemang istudyante... malayo kay Manong Guard sa school... at mejo malayu-layo sa isang lalaking nagngangalang Miguel Josef Uy Monteverde...

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ee, minsan pala talagang nakakatuwang umupo mag-isa sa mga ganitong klaseng lugar at magmuni-muni... I like it here... super nakaka relax... I love the ambiance, the place... Kaso nga lang maginaw na tipong pati singit ko ee magyeyelo na... naka shirt lang kasi ako at naka pants... biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin at tumaas ang mga balahibo ko sa ginaw... gusto ko pa sanang magtagal ee, pero baka naman magkasakit pa ko nito... at sa panahon ngayon? Alam niyo namang mahirap magkasakit.

Papatayo na dapat ako ng bigla ba namang may nagbato ng kung anong mabigat na tela sa ulo ko!! Pinagmasdan ko pa ng konti bago ko na-realize na jacket pala yun, napalingon ako sa kanan ko at nakita ko si Miguel Josef Uy Monteverde na nakatayo sa likod ko, may hawak-hawak na royal-in-can. Ngumiti muna siya saken bago kumindat.

Sef: Sige, sayo na yang jacket ko. Mukang ginaw na ginaw ka na ee. Souvenir mo na.

Ellie: Aba't talagang... HOY!! MERON NAMAN AKONG PAMBILI NG JACKET KO NUH!!!

Sef: (umupo na bigla sa tabi ko) Bakit, may sinabi ba kong wala?

Ellie: (binato ko yung jacket pabalik kay Sef) Oh, SAYO NA YAN!!! SALAMAT NA LANG PERO BAKA MATETANO PA KO PAG SINUOT KO YAN!!!

Sef: Alam mo wag mo ng pigilan yang nararamdaman mo saken. Alam ko namang gabi-gabi mong aamuyin at pagnanasaan ang jacket na toh ee. Sige na. Sayo na!!

Binalik ulit saken ni Sef yung jacket. Sa totoo lang gustong-gusto ko ng isuot yun dahil ginaw na ginaw na talaga ko. Pero kung ikatutuwa lang ni Sef ang pagsuot ko ng jacket niya, nakuu, wag na lang. Maigi pang maging yelo na lang ako dito.

Ellie: Grabeh. Lakas talaga ng fighting spirit mo nuh. Yun ba talaga gusto mong mangyari? Ang ma-inlove ako sayo??

Sef: Ee in love ka naman na saken aa? Hindi ba? Ha? Ha? (Biglang nilalapit nanaman niya ang muka niya saken.)

Nakuuuu, ito nanaman po itong lalaking ito... rrrr... wag niya kong subukan... dahil pag ako nainis talaga hahalikan ko lang ulit siya... haha. Naku, lumandi ka nanaman Eleonor!!! Alalahanin mong HINDI LALAKI YANG NASA HARAPAN MO!!!!
Binato ko ulit yung jacket niya sa muka niya.

Ellie: Hindi uubra saken yang mga ganyan mo Monteverde!!!

Sef: Aah. (tinanggal yung jacket sa muka niya) Oo nga pala. Cause you're one of the boys.

Sa totoo lang... ilang beses na kong sinabihan ng ganyan ng ibang tao... na kesyo, tibo nga daw ako, lesbian kung umasta... or ayan, the most common "one of the boys" na linya... pero ako kasi yung tipong walang pakialam sa kung ano pang iniisip ng iba... ni minsan hindi ako tinamaan o nasaktan sa mga pagaakala nilang yan... NGAYON LANG!!!

Hindi ko nga din maintindihan sarili ko ee... parang iba kasi dating saken yung pagkakasabi ni Sef. Walang yang bakla toh... hindi lang pala manyak... magaling pa pala siya manginsulto!!!

Ellie: At ngayon naiinggit ka siguro dahil ako babae at ikaw hindi!!

Sef: Aaah. So bakla pala ko para sayo? (nakangiti nanaman siya) Paraan mo ba yan para halikan ulit kita?

Ellie: ANO??? (biglang pumasok sa isip ko yung mga sinabi ni Borge saken kanina nung nasa kwarto kami... at talagang uminit nanaman ang ulo ko...) ANG KAPAL DIN NG MUKA MO, EE PARA KANG DIKYA KUNG HUMALIK EE!!!

Nagulat si Sef sa sinabi ko... natapakan ko ata ang pride niyang mas mataas pa sa Mt. Everest... haha... mabuti nga!!

Nagulat si Sef sa sinabi ko... natapakan ko ata ang pride niyang mas mataas pa sa Mt. Everest... haha... mabuti nga!!

Sef: D-DIKYA??? Pano mo naman nasabi ee FIRST KISS MO YUN???

Namula na yung muka ko... actually may point siya... AT NAIINIS NA TALAGA KO SA MAYABANG NA TOH!!!! RRrrrr... ang sarap basagin ng napaka gwapo niyang muka!!!! Nakuuu talaga... pero minsan talaga dapat i-scotch tape na tong bibig ko ee, hindi mas maigi nga ata kung i-padlock na at i-stapler... dahil hindi talaga marunong pumreno...

Ellie: ALAM MO... KAYA WALANG NAGMAMAHAL SA YO EE DAHIL SA UGALI MONG YAN!!!!!

Boom!! Parang armalite yung dating ng sinabi ko sakanya dahil nawala yung ngiti niya sa muka... at napalitan yun ng napaka seryosong kislap ng mga mata niya... at Dios mio... nagsisisi tuloy ako na nasabi ko yun dahil NAPAKA GWAPO LALO NI SEF!!!! Waaaaahhh... t-teka... puso mo Ellie... maghunus tili ka.... malanjot ka!! Pigilan mo yang sarili mo!!! Utang na loob... si Sef yan!!! Si Sef!!!!

Pero swear... mas gwapo palang talaga siya kapag seryoso...

Sef: Ellie... (nakatitig siya sa mga mata ko) isa ka katalagang malaking palaisipan saken...

Napataas kilay ko dun aa... pero siya... WALA NG IMIK... Suddenly, he stood up, placing his jacket on my lap. Tumalikod na siya saken, ready ng umalis ng bigla niyang sinabi...

Sef: Siguro nga... tama ka.

Nakatalikod na siya nung sinabi niya toh... at bago pa ko makapagsalita... naglalakad na siya pabalik sa loob nung hotel... ni hindi ko man lang nakita muka niya... hindi man lang siya nakatingin saken...

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko... Tama ako??? Hahahahahahahaha... parang isang malaking JOKE yun aa at hindi ko alam kung papaanong tawa ang dapat kong gawin... pero napatingin ako dun sa jacket na binigay niya... at para kong tinaga ng isang daang beses dahil biglang bumigat yung dibdib ko. Napansin ko na yung jacket niya color maroon na may white na SEF na nakatatak sa likod. Halatang mamahalin yung jacket... nakalimutan ko ngang giniginaw pala ako... Tinitigan ko pa ng matagal yung jacket bago tuluyang isinuot... at naku mga kapatid... ubod ng bango... parang galing sa ibang bansa pa nga ee... haiii... napalingon ako sa hotel... baka sakaling matanaw ko pa siya...

Uminit na yung pakiramdam ko... ang sarap naman isuot nitong jacket na toh... nabaling ulit yung tingin ko sa kapaligiran... at parang nawalan na ko ng gana... kung kanina parang paraiso tingin ko sa langit at sa Tagaytay... ngayon... ang panget na ng tingin ko sa view...

Okay... okay... sige na... KASALANAN ko na... tsk... ee siya naman tong nauna ee... hmp!!! Grabe Ellie... IKAW NA NGA TONG PINAHIRAM NG JACKET EE.

Siguro nga...tama ka...

Rrrr... ee bakit HINDI siya sumagot??? Bakit hindi niya ipinagtanggol sarili niya sa sinabi ko??? Bakit basta na lang niya tinanggap?? BAKIT? BAKIT? BAKIT?... pero bakit parang... mas naguilty pa ko lalo... dahil alam kong AKO pa ngayon ang may utang sa kanya ng SORRY... NAKUuu, ANO SIYA??? KAHIT ANONG MANGYARI... hindi ako MAGSOSORRY!!! MAIGI NA NGANG NANGYARI TOH EE... diba? Ee di LULUBAYAN na niya ako... sa wakas... wala ng mayabang na laging bubuntot saken... I WILL BE SEF FREE FOREVER!!!

Umihip muli ang hangin... hindi na ko gininaw dahil sa jacket na nakayakap sa katawan ko... ARGH!!!


LECHUGAS KASING BIBIG TOH EE... KAHIT KELAN PAHAMAK!!!!!

To be continued.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon