Chapter 01. Boys' CR! (edited)

50.6K 696 74
                                    

LOVE-NAT
by: Elliedelights

-------------------------------

Chapter 01. Boy's CR.

------------------------------

 Eleonor Malicsi Dimaculangan

Minsan talaga may mga simpleng pangyayari sa buhay natin na kahit kailan hindi natin ineexpect na makakapagpabago nang takbo ng buhay natin.

Simpleng pangyayari lang.

A simple encounter that could make your whole world turn upside down. Who would have thought that something so typical, so ordinary could change your life forever?

Hay, kung bakit kasi walang manual ang buhay ng tao? Eh di sana naman nalaman ko na beforehand para naka pag-prepare ako sa mga susunod na mangayayari - lalo na ngayon!!!

Since time na nga at may next class pa kami sa Law pinauna ko na sila Max, Borge, Sara, Meg at Jill sa room.

Naku, sobrang strict ang propesor namin sa Law kaya walang magtangkang magpa-late. Malamang abogada kasi. Pero wala naman akong magagawa di ba? Hindi naman pwedeng pigilan ko na lang ang tawag ng kalikasan.

Oo na. Ganito talaga ang tiyan ko, masyadong maselan. Walang araw na ginawa ang Diyos na hindi ako nag-cCR dito sa MUP.

Katunayan dalawang bagay lang naman ang kinakailangan ko para mabuhay sa mundong ibabaw: wet wipes o kaya tissue at syempre matinding pabango. Kaya naman si Sara ang masugid kong sponsor dahil sa kanya lahat ang gagamitin ko.

Ngunit, subalit, datapwat!!! Pagdating ko sa girls' CR, ang mga katagang "CLEANING TIME" ang siyang bumungad sa akin. Naka-lock ang pinto at napatingin ako sa relos ko.

Oo nga pala saktong 1:20 naglilinis si ate janitor dito. Sh**t!!! Aruy ku pu!!! Lalabas na 'to!!! Malalamig na pawis na ang tumatagaktak sa akin at nagsisitaasan na ang dulo ng mga buhok ko sa braso.

Diyos ko po Lord, pinapangako ko hinding-hindi na ko mangongopya... 'wag niyo lang ako parusahan ng ganito!!! Hindi ko na talaga kakayanin 'to Lord!!! Magpapakabait na ko... magiging mabuti na kong estudyante, anak, ate at mamamayang Pilipino... pramisssss!!!

Buti na lang at narinig ni Lord ang mga panalangin ko, paglingon ko sa kaliwa nakita kong bukas ang CR ng BOYS!

I love you Lord! Pramis, minsan-minsan na lang talaga ko kukopya at susubukan ko sa abot ng aking makakayang magpakabait!!!

Ganyan tayo eh, talaga sabay bawi Ellie? 

Hindi man sa pagmamayabang ano, pero kasi lahat na ata ng CR dito sa buong Matute University of the Philippines eh nabinyagan ko na.

Name it, at siguradong na-potchian ko na yun. Pero ngayon lang, as in NGAYON lang... sa tanan ng buhay ko... ngayon ko lang 'to gagawin -- ANG PUMOTCHI SA BOY'S CR.

Tinignan ko muna ang hallway. Walang tao. At saka ako dahan-dahang sumilip sa loob ng boys' cr. Sobrang tahimik. Wala naman akong nasilayang kalalakihan.

YEHESS!!! TENKYU TALAGA LORD!!!

Kaya naman, dali-dali akong pumasok at ni-lock ko mismo ang entrance door!!!

Diyos ko Lord, alam kong trespassing po ito pero sana naman maunawaan niyo - para sa tiyan at sa ikabubuti ng sambayanan - pagbigyan niyo na 'ho ako!!!

Agad-agad kong ipinatong lahat ng gamit ko sa lamesa, kinuha ang wet wipes at pabango at pumasok sa cubicle.

Oh diyos ko... nakaraos din!!! Salamat!!!

Mga ilang minuto na ang nakakalipas at medyo nagco-concentrate pa din ako. Sinisigurado ko lang na wala nang Round 2.

Maya-maya bigla ko naisip na sobrang tahimik ng kapaligiran at sa 'di ko maunawaang dahilan eh bigla kong naalala yung horror story na kinwento sa'kin ni Darren Max Sanchez.

Meron daw nag-suicide na senior dito mismo sa CR ng boys at ayon pa nga daw sa sabi-sabi kapag kumanta ka dito sa CR merong magtutuloy ng kanta mo.

Kumabog bigla yung dibdib ko. Kinabahan ako ng bongga lalo na at patuloy yung nakakabinging katahimikan.

Hala ka Eleonor!!! Pa'no kung biglang may pugot na ulong lumabas sa ilalim ng cubicle? O kaya pano kung may kamay na humaltak sa paa mo?

Biglang nawala ang hilab ng tiyan ko at napalitan ito ng mabilis na tibok ng puso ko. Anak ng... tama bang takutin ang sarili?

"Easy ka lang Ellie... easy ka lang...” Pagkalma ko sa sarili ko.

Bakit nga ba ko natatakot? Hindi naman totoo yun!!! Nantri-trip lang yung gagung si Max. Kwento-kwento lang yun!!! Tsk. Kaya naman naisip kong gawin ang imposible -- sige, kakanta na lang ako.  Tignan natin kung ano mangyayari. Papatunayan ko sa inyong lahat na WALANG MULTO dito sa Boy's CR!!!

“♫ 'Cause I Don't Care eh eh eh eh eh.. I Don't Care eh eh eh eh eh Boy I Don't Care... ♫”

Hinihintay kong may mag tuloy ng kanta ko. Pero ang sumunod ay isang mahaba at nakakabinging katahimikan.

Malamang, napaka ambisyosong multo naman nun kung pati ang K-pop na kanta ng 2ne1 ay alam niya di ba?

Perrroooo... kung bakit ako namutla at halos tumalon palabas ang puso ko sa takot ay sa kadahilanan na biglang may nag-tuloy ng kanta ko ---

“♫Dareun yeojadeurui darireul humchyeoboneun// Niga neomuneomu hansimhae// Maeil ppaenonneun keopeulling// Na mollae han sogaeting// Deoisang motchameulgeotgata// Oh oh oh ♫”

SBAM!!!

Kahit naman takot na takot na ako ay nakuha ko pa din syempre maglinis kahit na gusto ko nang tumakbo palabas!

In fairness, pang-Guinness Book of Record talaga ang ginawa ko sa bilis kong nag-pack up at lumabas ng cubicle.

Hindi ko na din nakuhang magamit ang pabangong pinahiram sa akin ni Sara. Wala na kong pakialam. Ikaw ba naman multuhin sa cr di ba? Makukuha mo pa bang magpa-bango? Ah basta hindi ko pinangarap na maging biktima ni Sadako 'no?!

Kaya lang medyo naguluhan pa ko saglit kasi pag-bukas ko ng pinto ng cubicle ay marahang nanlaki ang mga mata ko.

Hindi ko ineexpect na ang bubungad sa akin ay isang mala-James Reid na multo.

Ayun siya!

Oo ayun!

Nakaharap siya sa salamin at nakangiti na para bang naaaliw... pero kahit gaano pa siya ka-gwapo o kahit kamukha pa siya ni Brad Pit o Leonardo De Caprio, o kahit siya pa si John Lloyd Cruz hindi napigil ng ka-gwapuhan niya ang tindig ng balahibo ko sa takot!!!

Dali-dali ko nang hinablot ang bag ko at kumaripas na nang takbo papalabas ng CR -- with one thought screaming in my head – 'Waaaaahhhh... Diyos por santo santisima... MULTOOOOOoooo!!!'

To be continued.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [ 1 of 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon