27. Saving Magic Moments

1.6K 80 5
                                    

SI LARA lang ang kumain talaga. Si Gabriel ay isang chicken leg ang inubos, uminom na ng tubig at naging busy na sa camera. Sa mga unang minuto, sa paligid ang focus nito—ang bahay, ang mga halaman, ang landscape, mga halaman sa bakuran at mga punong inaabot ng tanaw nila, mga bulaklak—mula sa makukulay na roses sa paso hanggang sa pinakamaliiit na orchids.

Tatlong chicken legs ang naubos niya, isang scoop lang ng mashed potato dahil busog na siya. Tinitikman na ng dalaga ang chicken adobo nang mapansin niyang siya na yata ang subject ni Gabriel. O siguro, akala lang niya. Bulaklak yata sa likod niya ang kinunan nito ng picture. Hinayaan na lang ni Lara ang kasama. Sa book naman niya inilipat ang atensiyon. Binalikan niya ang iniwang chapters. Nakadalawang chapters siya bago nag-angat ng tingin—at nahuli niyang sa kanya nakatutok ang camera ni Gabriel.

Ngumiti ito, sabay ng sunod-sunod na flashes. Napangiting ibinalik na lang ni Lara ang atensiyon sa libro. Liban sa gagamiting pang-asar sa kanya ang mga pictures na nakakatawa ang hitsura niya, wala namang ibang gagawin si Gabriel sa mga iyon kaya hinayaan na lang niya. Ganoon na ganoon din si Miguel noon sa mga biyahe nilang magkasama.

Tumigil sa gitna ng page ang mga mata ni Lara. Pinapangatawanan talaga ni Gabriel na maging Miguel?

Nag-angat siya ng tingin—mga tatlong hakbang na lang ang layo ni Gabriel, kinukuhanan pa rin siya ng picture. Wala nang flashes, click na lang ang narinig niya.

"Ano'ng gagawin mo sa pictures ko?"

"Sell."

Napangiti siya. "Sa paparazzi? Oh, my..." at maarteng isinipit sa isang tainga ang mga hair strand.

May tunog ang naging tawa ni Gabriel. Sunod-sunod na click uli ang narinig ni Lara. Natawa na siya nang tuluyan.

"Tama na, Gab!" saway niya. "OA na 'yan, eh! Ang dami na!"

Pero hindi siya pinansin nito. Kuha pa rin nang kuha ng pictures. Nang magsawa sa camera, ang phone naman ang ginamit nito. Naupo sa tabi niya at ginawa siyang photobomber. Hindi yata na-satisfy sa mga naunang kuha, nag-demand na sa kanya ng 'happy pose'. Magkatabi na sila sa lahat ng kuha nito. Kuha pa rin nang kuha si Gabriel ng picture hanggang nawala na nang tuluyan ang sinag ng araw at nagdilim na sa bakuran.

SA TENT naman siya inaya ni Gabriel pagkatapos nilang mag-star gazing ng ilang minuto. Ang ganda ng langit. Maliwanag ang buwan at visible ang mga bituin. May pakiramdam na nagbalik kay Lara. Sa isa sa mga biyahe nila ni Miguel ang huling beses na nag-star gazing siya. Sa bakuran ng transient house...

Tahimik na si Lara nang pumasok siya sa tent. Mabigat na naman ang puso niya. Inabot niya ang stuffed toy at niyakap. Binuksan naman ni Gabriel ang emergeny light, inilagay malapit sa opening ng tent para may liwanag na pumasok sa kanila. Pagbalik sa loob ng tent, naging busy na ito sa cell phone. Mayamaya pa, may music na galing sa cell phone nito—Find Me.

Humiga si Gabriel sa tabi niya. Ilang segundong tahimik lang ito. Hindi na rin umimik si Lara, gusto na lang niyang panoorin si Gabriel sa kung anumang mga gagawin pa.

Hindi alam ni Lara kung ang Miguel na Miguel na dating ni Gabriel o ang kanta ni David Gates ang nagpabigat nang nagpabigat sa puso niya. Kung dati ay napapatulog siya ng kanta, nang sandaling iyon ay parang lahat ng mga pictures nila ni Miguel sa isip niya, nagkabuhay at parang lumang pelikula na nag-replay ang mga eksena. Nagbalik sa isip niya lahat, mga masasayang eksena sa pagitan nila, mga asaran at argumento, mga brainstorming hanggang hatinggabi, mga pagsubok, ang bangungot, ang paghahanap nila ng sagot, ang confession nito, at ang masakit na pagkamatay sa kamay ni Dante...

Agad tinuyo ni Lara ang pumatak na luha. Hindi niya namalayang umiiyak na siya—ang mismong sandaling nag-angat ng tingin si Gabriel. Nag-iwas ng tingin si Lara. Mas niyakap ang stuffed toy. Hindi alam ni Lara kung anong iniisip ng lalaki nang kumilos ito, inabot ang bear at inilayo sa kanya—saka humiga, ginawang unan ang mga hita niya.

Loving Lara (Karugtong Ng Isang Pag-ibig Revisited) PREVIEW ONLYWhere stories live. Discover now