3. After The Pain

2.4K 97 2
                                    

Fifteen months later...

"WHEN I see you like this...and when I see you like that...we see just what we want to see all coming back to me...the flesh and the fantasies all coming back to me. I can barely recall but it's all coming back to me now..."

Masayang kaway at ngiti ang sagot ni Lara sa palakpakan ng audience matapos niyang kantahin ang "It's All Coming Back To Me" ni Celine Dion. Isa sa mga most requested song sa bar ni JR ang kantang iyon. Naisip ni Lara, maraming nasa 'emo mode'. Hindi na nga siya magugulat kung Love Hurts ang susunod na ire-request ng karamihan sa mga babaeng audience.

Heart's Limit, ang bandang binuo ni Gabriel ilang linggo lang pagkabalik nito ng Pilipinas. Pang-forty one days pagkatapos silang iwan ni Miguel, nagbalik Amerika si Gabriel kasama si Tito Mart. Bago umalis, nagpaalam sa kanya ang lalaki at binanggit nitong babalik rin.

Four weeks later, nagbalik Pilipinas nga si Gabriel at hindi na bumalik pa ng Amerika. Two months later, nakilala ni Lara ang mga kaibigan nitong music lover. Para aliwin ang sarili, madalas siyang sumama sa 'rehearsal' daw ng mga ito—na ang totoo pala, nagpapalipas lang ng oras o kaya ay naglalabas ng emosyon kaya tumutugtog.

Hindi matandaan ni Lara kung kailan nabuo ang banda. Ang alam lang niya, saling-pusa lang siya sa grupo. Lagi siyang hinihila ni Gabriel para samahan ito sa vocals kaysa tulala lang daw siya sa isang tabi. Ang tatlo pang kaibigan nito ay nasa guitar, drums at keyboard naman. Mga kaibigan lang din ng banda ang mga bars kung saan tumutugtog ang Heart's Limit.

Namalayan na lang ni Lara na nag-eenjoy na siya sa bagong hobby. Nahati sa pagsusulat at pagkanta ang oras niya. Mas naintindihan na ng dalaga kung bakit mas pinili ni Gabriel na gamitin ang musika para mag-release ng emosyon.

Pero may problema siya sa pagsusulat—laging simula lang ang nagagawa niya at walang natatapos.

Kaya tumutok na lang si Lara sa banda. Magaan rin pala talaga sa pakiramdam ang kumanta nang kumanta na lang. Naging malaking tulong din kay Lara ang presence ng mga bagong kaibigan. Hindi siya binigyan ng chance ng mga ito na magkulong lang sa condo. Naging mas magaan ang pagdating ng bagong araw para kay Lara. Namalayan na lang niya na pabawas nang pabawas ang mga gabing umiiyak siya. Malaking bagay ang presence ni Gabriel sa condo at sa buhay niya. Ibang-iba man ang lalaki kay Miguel, nagkapareho naman ang kambal sa pagiging mabuting kaibigan.

Pero nang gabing iyon, wala si Gabriel Galvez. Isang linggo na nang umalis ito. Nagpuntang Camarines Sur para mag-wakeboarding. Ipinagpalit talaga ang birthday niya sa sports. Si JR ang naging kasa-kasama niya sa vocals.

Hindi maiwasan ni Lara na ikumpara si Gabried kay Miguel. Parehong-pareho man ang mukha, ang laki pa rin ng kaibahan. Extreme sports ang buhay ni Gabriel, si Miguel ay kumain at mag-gym lang ang gustong gawin. Kung si Miguel ay may caution magmaneho, si Gab ay parang galit sa manibela. Babawasan lang nito ang speed kapag nakitang namumutla na siya. Minsan nga, naiisip ni Lara na ginagawa lang nito iyon para magpakamatay. Tama yata si Miguel na gusto lang nitong pagtakpan ang balak na suicide. Si Miguel rin ang nagbanggit na hindi pa nakaka-move on si Gabriel sa namatay na fiancé na biktima rin ni Dante. Ngayon mas naiintindihan ni Lara ang pinagdadaanang hirap ni Gabriel—iyon din mismo ang sitwasyon niya.

Mig...

Pakiramdam ni Lara, lumungkot na naman ang paligid. Si Hugh na ang kumakanta ng alternative kasama ang guest singer nila nang gabing iyon galing sa audience. Hindi siya mahawa sa energy ng crowd. Nasa sulok lang si Lara, tahimik na nanonood sa nangyayari sa stage. Mauubos na niya ang iced-tea.

More than a year na pala...

Mahigit isang taon na pero ang sakit pa rin. Siguro, habambuhay ang kailangan bago ang talagang healing. Hindi niya alam kung hanggang kailan ang bigat sa dibdib. Nasa puso lang siguro talaga ang sakit, nababawasan oo, pero hindi talaga mawawala.

Salamat kay Gabriel—na paulit-ulit man na ipinapaalala sa kanya si Miguel, itinulak naman siya paalis sa masakit na sitwasyon. Ang lalaki ang hindi napagod na umalalay sa kanya lagi. Ito rin ang mahigpit na humawak sa kamay niya at hindi siya binitawan noong mga panahong wala nang halaga sa kanya ang buhay. Pinanindigan ni Gabriel ang bilin daw ni Miguel—na alagaan ang condo at alagaan siya.

Kaya naman kung may taong pasasalamatan si Lara na umabot siya ng twenty-six na buhay pa at hindi tumalon sa building ng condo, si Gabriel iyon.

Ang pagbuo ni Gabriel sa Heart's Limit, hindi man aminin ng lalaki, para rin sa kanya. Gusto nitong mailipat niya sa banda ang focus pagkatapos niyang mawalan ng drive sa pagsusulat.

Writing was her first love but she had lost the only inspiration she had. Bumaba nang bumaba ang drive ni Lara na magsulat hanggang nawala na talaga. Nakakapagsimula siya pero wala na talagang natatapos. Ngayon, heto siya, nasa vocals ng Heart's Limit at sa kanta na lang naglalabas ng emosyon.

At nang gabing iyon, nagce-celebrate siya ng kanyang twenty-sixth birthday...

Loving Lara (Karugtong Ng Isang Pag-ibig Revisited) PREVIEW ONLYWhere stories live. Discover now