16. Her Feelings

1.4K 81 3
                                    

"KASAMA n'yo ba si Gab, Hugh?" tanong ni Lara sa kaibigan at kabanda. Lampas alas nuebe na nang gabi, wala pa si Gabriel. Hindi naman nagpaalam na matatagalan sa labas. Kung hindi man makakauwi ng maaga, magti-text o tatawag ito. Wala siyang natanggap na kahit ano mula nang umalis ang lalaki.

Nasanay na si Lara na kapag may lakad sa labas si Gabriel, ang pinaka-late nitong uwi ay seven thirty. Kung lumampas sa oras, magti-text o tatawag na.

Nang gabing iyon, mag-aalas diyes na, wala pa si Gabriel at wala rin kahit text o tawag! Sinong hindi mag-aalala?

Seven PM, nagsimula nang mag-alala si Lara. Seven thirty, kinabahan na siya. Eight PM, hindi na niya nagawang umupo. Palakad lakad na lang siya habang naghihintay ng text o tawag. Nine PM nagtatawag na siya sa mga kaibigan nila.

Tinawagan ni Lara sina Paige at Louie, hindi nito kasama si Gabriel. Nasa date ang dalawa kasama ang girlfriends ng mga ito.

Nasa maximum level na ang pag-aalala ni Lara nang makausap niya si Hugh. Nasa bar ni JR ang kaibigan. Maingay ang background. "Kanina. Uminom kami, nag-relax. Umalis siya mga...more than an hour na. Wala pa ba diyan?"

"Hahanapin ko ba siya kung nandito na?"

Natawa si Hugh. "Nagpa-panic ka na kaagad. Na-traffic lang 'yon, Lara! Medyo obvious na mahal mo siya." At narinig niyang tumawa.

"A-Ano?" nanlaki ang mga matang ulit niya.

"C'mon, Lara! Halatang-halata, eh!"

"Si Mig ang mahal ko, Hugh."

"Oh? Baka gusto mong sabihin 'yan sa puso mo, Lara—itanong rather." At magaang tumawa. "Naparami pa naman ang inom no'n. Tawagan mo na lang ako pagdating ni Gab."

Maglilitanya sana siya ng sermon kung bakit nito pinayagang mag-drive si Gabriel ng lasing pero tinapos na ni Hugh ang tawag. Naupo na lang si Lara sa kama, kinakabahan.

Tumawag ka, Gab!

"NAG-TEXT si Gab sa akin, Lara, kanina lang. Pauwi na raw siya," sabi ni Myca sa kay Lara nang lumabas siya sa sala. Naabutan niyang nanonood ng telebisyon ang babae. Napansin siguro na hindi siya mapakali, nagtanong kung si Gabriel ba ang inaalala niya.

"Nag-text sa iyo?" Hindi makapaniwalang balik ni Lara. Ang magaling na lalaking 'yon! At bakit kay Myca nag-text at hindi sa kanya? Ang dalawa na ba ang close? Kaya ba itong si Myca, mas gustong sa sofa matulog kaysa sa kuwarto niya? Nahihiya daw sa kanya? Baka mas gusto lang sa sala para mabilis makalipat sa kuwarto ni Gabriel kapag tulog na siya!

Ang pag-aalala kanina lang, napalitan ng inis—kung para kay Myca o kay Gabriel ay hindi alam ni Lara.

"Yep! Medyo nakainom daw siya pero malinaw pa naman daw ang tingin niya sa daan," nakatawa pang sabi ni Myca. "Parating na 'yon."

"Baliw na lalaking 'yon!" Nasabi niyang naghahalo ang inis at pag-aalala. "Sinabi ko nang 'wag magda-drive ng lasing, ang tigas ng ulo talaga."

Tumingin sa kanya si Myca, nakaangat pa ang mga kilay na parang naaliw sa kanya. "Lara, nakikipag-karera nga si Gab, 'di ba? Nagda-drag race pa! May pulso 'yon sa manibela. Safe na makakuwi 'yon. Ini-stress mo lang ang sarili mo niyan."

Sasagot pa sana si Lara pero may nagsusi na sa pinto. Ang lapad agad ng ngiti ni Myca. "See? Siya na 'yan!" Excited nitong tinakbo ang pinto. "Alam mo ba kung bakit sobrang mahal ni Gab si Ate Keira? Hugger kasi si Ate," hinila na nito pabukas ang pinto. "Gab!" bulalas pa sa excited na boses. "Tipsy ka na't lahat, mas mabilis pa rin ang dating mo kaysa sa inaasahan ko!" at niyapos ng yakap si Gabriel na tumawa naman nang mahina.

"Ako pa ba?"

At ang tagal talaga ng yakapan? Muntik nang dumampot si Lara ng throw pillow pambato sa dalawa. Napigilan lang niya ang sarili. Pero bago pa siya makalimot at ma-tempt na pag-umpugin ang dalawa, naisip niyang umalis na lang. Mukha namang hindi sobrang lasing si Gabriel. Hindi nito kailangan ng mag-aasikaso, o kung kailangan man, gagawin na iyon ni Myca. Halatang sabik na sabik ang babae na makalapit kay Gabriel.

Eh, 'di good luck!

Walang lingon na iniwan niya ang dalawa sa sala. Nawalan na siya ng ganang makipag-usap. Dumiretso si Lara sa kuwarto niya. Ang stuffed toy na lang ang niyakap niya nang mahigpit. Ang sama ng pakiramdam ni Lara pero hindi niya alam kung bakit at para saan—ang nakita ba niyang yakapan sa sala? Ang hindi pagtawag at pag-text ni Gabriel sa kanya? O ang hindi pagpansin sa kanya kanina dahil na kay Myca ang atensiyon?

Mas humigpit ang yakap niya sa stuffed toy. Pagkalipas ng ilang segundo, basa ng ng luha niya ang balahibo ng bear. Hindi alam ni Lara kung bakit siya umiiyak. Hindi dahil kay Miguel. Hindi rin siya nalulungkot—Naiinis siya. Inis na inis.

Loving Lara (Karugtong Ng Isang Pag-ibig Revisited) PREVIEW ONLYWhere stories live. Discover now