20. Favorite...And You

1.5K 83 8
                                    

NAKADAPA si Lara sa kama at nakatutok sa laptop ang atensiyon. Kung inuubos niya lagi ang oras sa pagsusulat dati, ngayon naman ay pinapatay lang niya ang oras—sa games. Paulit-ulit na siyang sumubok na dugtungan ang mga pending stories niya pero wala talaga. Ilang beses na rin siyang sumubok bumuo ng bagong kuwento pero hanggang simula na lang siya. Hanggang tatlong buwan na lang ang natitira sa savings niya, kailangan na talaga niyang magdesisyon kung ano'ng gagawin niya sa buhay.

Mag-isa na naman siya sa condo. Sinamahan na naman ni Gabriel si Myca manood ng sine. Wala siyang ideya kung nakabalik na ang dalawa. May sariling susi naman si Gabriel, hindi siya kailangang maisturbo ng mga ito. Nagkulong lang siya sa kuwarto. Nag-aya naman si Gabriel, halatang-halata nga lang na hindi gusto ni Myca na kasama siya kaya pinagbigyan na niya ang babae.

Sa mga unang oras kanina, inaliw niya ang sarili sa pagtitig sa mga lumang pictures, sa mga kopya niya ng nobela—published and unfinished. Binalikan rin niya ang mga messages and email ng mga readers, umaasa si Lara na magbalik ang drive niya pero wala talaga. Nag-open na lang siya ng ilan sa mga installed games sa laptop at isa isa niyang nilaro.

Narinig ni Lara na may nagbukas at nagsara ng pinto. Tumunog rin ang lock—lumingon siya. Si Gabriel na mukhang magaan ang mood ang pumasok. May dalang tray ng pagkain ang lalaki. Nagpalipat-lipat sa tray at kay Gabriel ang tingin niya. Kung kasama nito si Myca, maghihintay lang siya ng ilang segundo, kakatok rin ang babae.

Sa pinto siya tumingin. Si Gabriel ay naupo na sa sahig, kaharap ang tray ng pagkain. Walang kumatok?

"Nasaan si Myca?"

"May sinamahang kaibigan. Bonding raw."

"Lalaki?"

"Babae."

Ah, buti naman...

Hindi alam ni Lara kung bakit kahit naiinis siya kay Myca, nag-alala rin siya na baka mapahamak ito. Tingin niya kasi, parang hindi aware ang babae kung tama o mali na ang ginagawa. Parang nagpapadala lang sa emosyon. Paano kung maling tao ang masamahan?

"Hindi ka ba gutom?" si Gabriel sa kanya. Saka lang tumutok sa tray ang tingin niya—mashed potato, fried chicken at fresh fruit juice. Pang-dalawang tao ang nasa tray. Isa sa maraming blessings na natanggap niya mula nang tumira siya sa condo—free food. Lagi siyang nalilibre kaya ang laking tipid. Pero kahit anong tipid pa, mauubos na talaga ang natitirang pera niya na galing pa sa insurance ng parents at pinilit talaga niyang hindi na magalaw. Saan na siya pupulutin pagkatapos ng tatlong buwan?

"Early dinner na," sabi ni Gabriel. Napansin nga niyang bagong handa ang pagkain. Si Miguel lang ang nakakaalam na mabubuhay siyang mashed potato at chicken lang ang kakainin two times a day sa loob ng isang buwan—hindi siya magsasawa. Si Miguel nga lang ang nagsasawa. Nagreklamong magkakapakpak na sa mga susunod na araw.

Napatingin siya kay Gabriel. Ano pa kaya ang ibang nasabi ni Miguel sa kapatid? Parang ang daming alam ni Gabriel tungkol sa kanya. Paisa-isa nga lang nitong nire-reveal kaya hindi niya nahahalata.

"Gutom ka na," ang sinabi nito at ngumiti. "At gusto mo 'to, tama? 'Wag ka nang mahiya, Lara!" parang gusto nitong panoorin na natatakam siya. Sanay na siya kay Gabriel. Wala na nga yatang hiya ang tingin sa kanya ng lalaki. Pagdating sa pagkain, hindi siya nag-iinarte. Kain kung kain.

Naupo siya sa tabi nito. Nasa harap nila ang tray.

"Ikaw ang nag-prepare? Ano'ng oras ba kayo dumating ni Myca?"

"Past three o'clock."

Naka-headset siya kaya walang narinig si Lara. Hindi rin naman niya balak lumabas ng kuwarto kaya deadma na lang siya sa ingay sa condo. "Ano'ng movie ang pinanood n'yo?" Nagsimula na siyang kumain.

Loving Lara (Karugtong Ng Isang Pag-ibig Revisited) PREVIEW ONLYWhere stories live. Discover now