24. Go Back To Life

1.5K 81 7
                                    

NAPAMAANG si Lara kay Gabriel nang ilapag nito sa tabi ng kama ang paper bags. Books at DVDs ang laman. Hindi iyon ang unang paper bag na natanggap niya, may mga nauna pa. Pakiramdam ni Lara, lulunurin siya si Gabriel sa mga books at movies na love ang theme!

Ano kayang gustong mangyari ng housemate niya?

"Walang forever," sabi niya sa magaang tono. "'Wag mo akong i-convince na meron, Gab."

Nag-half smile ito, pinisil ang baba niya. "Read ang watch them, okay?"

"Bakit nga? Bakit mo ginagawa 'to?"

Hindi sumagot si Gabriel. Tinalikuran lang siya at lumabas na.

"Gab!"

Diretsong lumabas sa pinto ang lalaki. Mga tatlong minuto ang lumipas, bumalik ito sa kuwarto—may paper bag pa rin pero hindi na books at DVDs ang laman—namilog ang mga mata ni Lara. Muntik na siyang mapasigaw sa tuwa.

"Grabe ka!" bulalas niya, napapaluha sa tuwa. "Naiiyak tuloy ako..."

Ngumiti lang si Gabriel. Lumuhod sa isang tuhod, inilabas ang box ng sapatos sa paper bag at kinuha ang mga sapatos. Nilinis pa nito ang paa niya bago isinuot ang sapatos. Kasyang-kasya!

"Alam mo ang size ko?"

Lumapad lang ang ngiti nito. Isinuot sa isa pa niyang paa ang kabilang sapatos. "Will you marry me, Cinderella?"

Tumawa lang siya, niyakap nang mahigpit si Gabriel. "Thank you! Magbabayad ako next month."

"'Wag ka nang magbayad. Magbasa ka na lang ng books," si Gabriel. Iniligpit ang box ng sapatos at itinabi sa gilid ng kama niya. Ang totoo, binasa na niya ang isa sa mga books na kasama sa unang 'gift' nito. May naisip na nga siyang bagong plot sa utak. Hindi nga lang niya maituloy na isulat. Alam na ni Lara kung bakit nahihirapan siyang tapusin ang isang kuwento—takot siyang mabuhay sa isip ang maraming alaala. Kung makabalik man siya sa pagsusulat, sigurado na siya sa sarili. Horror at paranormal ang genre na hinding-hindi na niya babalikan.

"May pupuntahan tayo sa weekend," sabi sa kanya ni Gabriel. Naghubad na siya ng sapatos pagkatapos irampa paikot sa kuwarto niya. Ibinalik niya sa box at dinala sa patong-patong na shoe boxes malapit sa pinto. "Monday na tayo babalik ng Manila. Alam na ng banda."

"Saan?"

"Surprise muna."

"May ganoon?"

Ngumiti lang si Gabriel, pinadaanan ng haplos ang buhok niya bago lumabas. Hindi mawala-wala ang ngiti ni Lara habang nagche-check ng mga bagong books na binili nito.

REST house sa Batangas ang pinuntahan nila. Hindi na nagtanong si Lara kung kanino ang bahay. Hindi na rin siya nagtanong kung bakit wala ang mga kabanda nila. Mali yata ang pagkakaintindi niya sa sinabi ni Gabriel. Hindi talaga nila kasama ang mga kaibigan. Tuloy ang gig nila nang araw na iyon at pareho silang wala sa vocals. Si Hugh at si JR ang nahuhulaan niyang papalit sa kanila. Magtitilian na naman ang mga babae sa audience.

Bandang lunch na sila nakarating. Tig-isa sila ng kuwarto ni Gabriel sa rest house. Malakas ang init ng araw kaya ang magpahinga agad ang naisip ni Lara—matulog lang sa kuwarto niya, kung makakatulog siya.

"Ang init pa, Gab. May pupuntahan ba tayo?" Hindi talaga alam ni Lara kung ano ang itinerary nila sa lakad na iyon. Surprise ayon kay Gabriel. Hindi niya alam kung para saan ang surprise pero sumama siya nang hindi nag-iisip. Gusto niya ng bagong kapaligiran. Umaasa kasi si Lara na mai-inspire siya sa bagong lugar. Ini-expose niya ang sarili sa mga posibleng pagmulan ng magandang kuwento. Gusto niyang ma-inspire. Gusto niyang kolektahin pabalik ang motivation niyang nawala. Gusto niyang magsimula uli—ng bagong kuwento para sa isang bagong libro. At bagong kuwento rin na karugtong ng buhay niyang maraming buwang huminto bilang writer.

"Wala. Sa room ka na lang muna, Lara."

"Matutulog ako, okay lang? Pagbaba na lang ng araw ang gala natin?"

Nagtagal sa mga mata niya ang titig nito nang ilang segundo. "Makakatulog ka ba na wala ako?"

"Ahm..." at napangiti. "Try ko muna. Text kita 'pag hindi?"

Tumango si Gabriel. Hindi pa rin nagbabawi ng tingin. Hindi alam ni Lara kung ano ang nasa pagitan nila sa mga ganoong pagkakataon. Ang malinaw lang, gusto rin niyang nakatingin sa mga mata nito.

Huminga nang malalim si Gabriel at marahang naglahad ng mga braso. Umawang ang labi niya. Umangat ang mga kilay nito, parang sinasabi ng titig na kumilos siya, na lumapit siya.

At natagpuan ni Lara ang sariling tinawid ang distansiya sa pagitan nila. Maingat ang yakap ni Gabriel. Maingat na papahigpit. "Two days," narinig niyang sabi nito, naramdaman ni Lara ang init ng hininga sa ibabaw ng ulo niya. "I'm giving you two days to do and have anything you want." Kasunod ang mariing halik sa noo niya. "Lahat nang hindi mo nasabi, lahat nang hindi n'yo nagawa na gusto mong gawin, gawin natin."

Natigilan si Lara. Ano'ng sinasabi ni Gabriel?

"Isipin mo na lang na nagbalik ng two days si Mig para magpaalam."

Bigla siyang dumistansiya, nakaawang ang bibig na tumingala kay Gabriel.

"Two days," ulit nito. "Ako muna si Mig, Lara." At kinabig nito ang baywang niya, maingat na nag-iwan ng halik sa kanyang pisngi bago umalis.

Naestatwa si Lara sa kinatatayuan.

Loving Lara (Karugtong Ng Isang Pag-ibig Revisited) PREVIEW ONLYTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang