19. Calm Down

1.4K 92 5
                                    

NAPATITIG na lang si Lara kay Gabriel. Hindi niya alam kung ano talaga ang ikinagagalit ng lalaki-ang hindi niya pag-uwi, ang hindi niya pag-text o ang pag-stay niya sa pad ni JR para sa brunch. Unang beses niyang nakitang galit talaga si Gabriel. Sa tingin niya, kaunting provoke pa, sasaktan na nito ang kaibigan.

Tinapos na agad niya ang pagkain bago pa magkainitan ang dalawa. Obvious din kasi na parang nananadya si JR. Naaliw pa yata sa init ng ulo ni Gabriel, mas nang-aasar pa. Magkapatid nga ito at si Kim.

"Umuwi na tayo, Lara," pantay na sabi ni Gabriel, nailapag na niya ang baso ng tubig. Tumingin siya sa magkapatid bago kaswal na tumayo. Si Kim ay pilyang nakangiti. Si JR naman ay simpleng tumango. Hindi pa man siya nakapagpasalamat sa dalawa, hinawakan ni Gabriel ang kamay niya at hinila na siya. Basta na lang niya binitbit ang bag na nasa sofa pagdaan nila. Hindi nagbago ang higpit ng hawak nito hanggang nasa kotse na sila.

Tumunog ang mga lock ng pinto ng sasakyan. Parang galit sa mundo na pinaharurot ni Gabriel ang kotse. Napakapit sa upuan si Lara, ang isang kamay ay hinila ang seatbelt para mabilisang ikabit sa sarili. Salamat sa mga area na may trapik, hindi maitodo ni Gabriel ang speed. Hindi nga lang yata matahimik ang lalaki na hindi makapag-drive na parang mad man, may ibang way na dinaanan-at doon ibinuhos ang galit, sa maluwang na kalye.

"Gab!" nahihintakutang hiyaw ni Lara, ang higpit ng kapit niya sa upuan at sa seatbelt. Parang walang narinig na mas dinagdagan pa nito ang speed. Naramdaman ni Lara na nagpapanic na siya. Ang lakas ng tibok ng kanyang puso. "Bakit hindi mo na lang ibangga ang kotse, Gab, ha? Ibangga mo na para tapos na 'to! Ibangga mo na para mamatay na tayo nang sabay!" sigaw na niya.

Nagalawan ang mga ugat nito sa mukha pero pagkalipas ng ilang segundo, ay unti-unting bumawas ang speed ng kotse. Pabagal nang pabagal hanggang itinabi na nito ang kotse sa gilid ng kalsada. Mahigpit na mahigpit ang hawak ng mga kamay nito sa manibela, na parang bubunutin na lang nito iyon anumang oras. Halatang-halata na nagpipigil ito ng emosyon.

"Ba't ba ang init ng ulo mo?" Inis na baling niya kay Gabriel "Nagagalit kang hindi ako nag-text? Na hindi ako tumawag? Na nag-alala ka? Kagabi ba naisip mo man lang ang nararamdaman ko? Hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko, 'di ba? Seven PM ang uwi mo, magte-ten PM na, wala ka pa! Naisip mo bang mag-text sa akin? Naisip mong tumawag?" Naiiyak na naman siya sa inis. Gustong saktan ni Lara ang sarili na pagdating kay Gabriel, ang dami-dami niyang nararamdamang emosyon. "Sino'ng tinext mo? Si Myca!"

"Gusto mo lang gumanti sa akin? Napakababaw, Lara!" balik nito, kulang na lang ay magtagis ang mga ngipin.

"Hindi iyon ang gusto ko!" agaw niya sa mataas na boses. "Naglasing ako, oo! Sinadya kong malango hanggang wala na akong maalala! Ginawa ko 'yon hindi para asarin ang buong mundo o magalit ka! Gusto ko lang...gusto ko lang makatulog nang diretso! 'Yon lang..." Mas sumandal siya sa backrest at tumingin nang diretso sa harapan. "Ang hirap kasing matulog lately..." mababa na ang boses niya. Hindi na niya idinugtong na ang boses nito at ang tunog ng gitara ang nagpapantok sa sa kanya, o baka ang presence nito sa kuwarto niya ang mabilis na nagpapapayapa sa kanya kaya madali siyang nakakatulog. "No'ng...no'ng hindi ka na nagi-stay sa room ko para kumanta..."

Wala siyang narinig na kahit ano kay Gabriel. Ang habang katahimikan na ang sumakop sa kanila. Para silang tuod pareho nang mahabang minuto, walang kakilos-kilos. Inilapat ni Lara sa labas ng bintana ang tingin. Ramdam niyang pababa na ang emosyon niya.

Narinig niyang bumukas ang pinto sa driver side. Hindi pa rin siya tuminag. Magpapalamig siguro ng ulo si Gabriel, sasagap ng hangin. Nagulat si Lara nang biglang bumukas ang pinto sa tabi niya. Walang salitang kinalag ni Gabriel ang seat belt niya at maingat siyang hinila palabas. Sumandal ito sa tagiliran ng kotse, huminga nang malalim at niyakap siya.

Ang tagal na tahimik lang siyang niyakap ni Gabriel.

"I'm sorry..." anas nito kasunod niyang naramdaman ang paghinga nito sa ibabaw ng ulo niya. "Mali ako," dagdag nito. "Pauutangin na kita para sa shoes na gusto mo. Sa next gig, you can take my share too. Let's not argue, Lara."

Natawa na si Lara. Parang nawala bigla ang bigat sa dibdib niya. Yumakap na siya sa baywang nito. "Nag-pass out na kasi ako, pa'no pa ako magti-text? Sorry..."

"'Wag nang iinom ng marami next time." Sabi ni Gabriel. "Totoong pinakialaman ni Jay ang mga damit mo?"

"Hindi," sagot niya at napangiti na naman. "Si Kim. Pawis na pawis daw ako kaya siya na ang nagpalit ng damit. Kung magtanong ka naman parang may ginawang masama si Jay. Sila na nga ang tumulong, eh."

"Hindi pa kami tapos ni Jay," ang sinabi nito. Hinagod ang buhok niya bago siya binitawan. "Pasok na, Lara." Lumigid na ito sa kabila para bumalik sa driver seat. Pumasok na rin si Lara sa sasakyan.

Magaan na ang pakiramdam niya.

Loving Lara (Karugtong Ng Isang Pag-ibig Revisited) PREVIEW ONLYWhere stories live. Discover now