10. His Guilt

1.7K 98 2
                                    

NAPATINGIN si Gabriel sa pinto nang bumukas iyon at walang warning na pumasok si Lara. Nasa sahig siya, careless na nakasalampak at hawak ang gitara. Paisa-isa niyang kinakalabit ang strings. Nagpapaantok lang talaga siya.

Lampas alas kuwatro na ng madaling araw pero parang ang layo pa ng antok. Pagkakita kay Lara, nagpigil siyang ngumiti. Dalawa pala silang hindi makatulog. Kung siya ay ang magulong emosyon ang dahilan kaya dilat na dilat, si Lara ay nahuhulaan na niyang ang pinanood nilang pelikula.

Yakap ni Lara ang nag-iisang stuffed toy sa kuwarto nito—na sigurado siyang kung magkaka-emergency sa building, mas uunahin nitong i-save kaysa sa kanya. Galing talaga kay Miguel ang ideya pero siya na ang bumili ng bear pati na ng rose na ibinigay niya kay Lara bago siya umalis. Isa iyon sa mga hindi na nagawa ng kapatid para kay Lara.

"Kailangan mo ba ng sperm?" tanong niya sa kaswal na tonong sanay si Lara. Hindi rin siya ngumiti. Nag-eenjoy siyang titigan si Lara na laging hinuhulaan ang mood niya. Bumusangot lang ang babae, naupo sa gilid ng kama niya. Mas niyakap ang stuffed toy.

"Pahiram ng comforter, Gab," sabi nito. "Dito muna ako sa room mo," umikot sa paligid ang tingin nito. Wala siyang binago sa kuwarto ni Miguel. Hindi na siya nagulat na alam ni Lara kung nasaan ang kailangan nitong extra comforter. Kumilos ang babae para kunin sa itaas ng closet pero hindi nito naabot. Hinayaan lang muna niya si Lara na pagpipilit na abutin ang comforter.

Alam ni Gabriel na hindi nanonood ng horror film si Lara. Maraming kuwento ang kapatid tungkol sa babae. Ang mga panahong hindi nito masabi ang totoong damdamin, siya ang laging nakikinig sa pagda-drama ni Miguel. Hindi pa man niya nakakaharap ng personal si Lara, parang kilala na niya ang babae sa dami ng kuwento ng kakambal. Natatandaan ni Gabriel na umiinit ang phone sa haba ng pag-uusap nila.

Ang duwag ko, bro! Yakap ko na siya pero hindi ko pa rin masabi...

Paulit-ulit lang naman ang pagda-drama ni Miguel noon. Listener lang siya. Minsan naman, adviser. Mas madalas, tagatawa sa kadramahan nito. Kapag gusto na niyang ibaba ni Miguel ang telepono, kakanta lang siya ng Find Me. Mapapamura ang kakambal at tatapusin na ang tawag.

Nami-miss na naman niya si Miguel.

Kumilos na si Gabriel, iniwan sa sahig ang gitara at lumapit kay Lara. Nag-a-attempt pa rin ang babae na abutin ang comforter. Napasandal ito sa kanya nang nasa likuran na siya. Kaswal niyang inabot ang comforter at iniwan kay Lara. Bumalik siya sa tabi ng gitara.

"Ba't dito ka matutulog?" tanong niya nang nakaupo na uli sa sahig. Itinuloy niya ang pagkalabit sa string ng gitara. "Miss mo ako?" dagdag na biro niya. Ganoon siya magbiro kay Lara, walang clue na biro lang. Sa tingin niya, sanay na ang babae. Hindi pinapansin ang mga ganoong linya niya.

"Letseng Sukob 'yan," ang sinabi nito kasunod ang parang naiinis na pag-ungol. "Sabi ko naman kasi ayokong manood no'n, eh! Ang kukulit n'yo!" Nag-ayos na ng latag si Lara na nakabusangot. Nagpigil ng ngiti si Gabriel. Hindi niya alam kung bakit kahit anong mood ni Lara, ang ganda ganda pa rin. Pero pinakamaganda si Lara kapag bagong gising, magulo pa ang buhok at ngumiti sa kanya sa umaga. Lagi niyang kailangang dumiretso sa shower at lunurin ang sarili sa malamig na malamig na tubig.

Hinila na lang ng mga kabanda niya ang babae sa sinehan. Hindi nakapalag si Lara. Hindi talaga binitawan ng mga kabanda nila. Napilitang manood rin. Napag-trip-an ng mga loko ang Sukob at si Lara. Siya naman, nag-enjoy hindi sa pelikula, sa higpit ng kapit sa kanya ni Lara. May ilang beses pang sumubsob ang babae sa may balikat niya. Tahimik lang siya, hinagod hagod ang likod nito. Pagkalabas nila, tadtad ng bad words ang mga nagtatawanan nilang kabanda. Unang beses niyang narinig na nagmura si Lara.

Loving Lara (Karugtong Ng Isang Pag-ibig Revisited) PREVIEW ONLYWhere stories live. Discover now