4. Gabriel Galvez

2K 97 6
                                    

FRIENDS, I give you, Heart's Limit with their handsome vocalist whom we've missed, Gab!" Wala sa loob na napatigil si Lara sa pag-sip ng iced-tea pagkarinig sa masiglang boses ng DJ ng bar.

Si Gabriel?

Nakaawang ang bibig na bumalik ang mga mata ni Lara sa stage. Kasabay ng palakpakan at sigawan ang pagliliwanag ng spotlight. Ipinokus niyon ang lalaking nakaupo sa bar stool na nasa gitna ng makeshift stage, hawak ang mic at nakatungo.

Si Gabriel Galvez nga, ang lalaking hindi iisang beses niyang natawag ng 'Mig' sa mga umagang nasasalubong niya sa condo.

Ramdam ni Lara ang warmth sa puso niya nang mabuo ang instrumental ng kantang laging nagpapatulog sa kanya. Ang kantang sintunadong kinakanta ni Miguel, na walang sablay naman ni isang nota kapag si Gabriel na ang kumanta.

Nag-angat ng mukha ang lalaki, kumumpas ang mga kamay na nakahawak sa mic, sinabayan ang tunog ng banda. Guwapong guwapo ito sa suot na light jeans at itim na long sleeve shirt. Nakabukas ang unang dalawang butones. Wala talagang kaibahan ang mukha nito at ni Miguel.

"I'm sorry, sweethearts," sabi nito sa audience. "But this one's for someone I missed. Sa babaeng hindi napapagod saktan at pahirapan ako. You're still the unpolluted air that I breathe," huling-huli ng spotlight ang half smile nito. "Raindrops in summer...and the lost star that leads me home..."

Hiyawan ang audience. Ang ngiti na madalang niyang makitang buo, nabuo nang gabing iyon. Sa stage lang talaga niya nakikitang madalas ngumiti si Gabriel.

"Happy birthday, beautiful!"

Lalong lumakas ang hiyawan ng audience. Mas lumapad ang ngiti ni Gabriel, kumaway sa lahat bago nagsimulang kumanta.

"The skies are not as blue when you're not with me...the stars they never seem to shine as bright...and the hours crack like days across the ages and a year or two pass by with every night..."

Ibinalik ng kanta ang mga alaala. Nagulat si Lara sa natuklasan. Sa lahat ng araw na dilim na lang ang nakikita niya sa mundo, si Gabriel pala ang nasa mga eksena. Ang sagutan nila sa living room na pinipilit siyang kumain, ang mahahabang oras na nasa kuwarto lang niya ito at nagtatama lang nang matagal ang mga mata nila, ang walang kasawa-sawang pag-aasikaso sa kanya tuwing lasing siya, nag-pass out o nagbabad sa ulan. Ang paulit-ulit na paghahanap sa kanya sa kung saan saan kapag hindi niya gustong umuwi at hindi siya sumasagot ng text at tawag, ang parang kapamilyang pag-aalaga sa kanya sa ilang beses na nagkasakit siya.

Marami na palang eksena ang naiwan sa isip niya.

Tanda ni Lara na natauhan lang siya na sobra na ang ginagawa niya sa sarili nang si Gabriel naman ang nagkasakit. Sinagasa lang naman nito ang malakas na ulan na masama na pala ang pakiramdam. Umalis siya sa condo noon nang hindi nagpapaalam. Inabot siya ng closing time sa puntod ni Miguel. Basang basa si Gabriel ng ulan nang sunduin siya.

Inapoy ito ng lagnat pagkatapos. Siya naman ang nag-alaga sa lalaki. Habang pinanood niyang lamig na lamig ito, nakapikit at umuungol, na-realize ni Lara na naaabala at pinahihirapan na niya ng husto ang twin ni Miguel. Kung tutuusin, hindi na nito sagutin ang anumang mangyari sa kanya. Wala na dapat pakialam sa kanya si Gabriel pero mas pinili nitong maging mabuting kaibigan.

Mula nang gabing iyon, nagpakatatag na siya. Pinilit rin niyang ibalik ang dating magaang mood. Pilit siyang nag-collect ng positivity sa paligid at sa sitwasyon. Sinikap kayanin ang sakit para na rin ay Gabriel. Na-guilty si Lara na pinaninindigan nitong responsibilidad siya kahit hindi naman.

"Hey, celebrant! Uupo ka na lang? Join ka na!" Napatingala si Lara sa nagsalita. Si Jack Rheus, o JR sa kanilang lahat, ang kaibigan ni Gab na may-ari ng bar. Inabot nito sa kanya ang wireless microphone. Napangiting kinuha iyon ni Lara. "You have to pay me double," biro niya na tinugon naman nito ng kindat at ngiti.

Naghintay siya nang ilang segundo bago sinabayan si Gabriel. Nakatutok rito ang spotlight kaya kitang kita ni Lara ang pagngiti nito nang marinig ang boses niya.

Nagpalakpakan ang audience nang mabuo na ang magandang blending ng mga boses nila. Naglakad na siya papunta sa stage. Tumayo naman si Gabriel para salubungin siya. Patapos na ang kanta.

Palakpakan na ang sumunod.

Nagtapos silang yakap siya nang mahigpit ni Gabriel. Sa ingay ng audience na sumisigaw ng 'more', hindi na narinig ni Lara ang pagbati sa kanya ng lalaki. Pero ang mariing halik nito sa noo niya ay ramdam na ramdam ng dalaga.

Napapikit siya. Liban kay Miguel, si Gabriel lang ang nagagawang iparamdam sa kanya kung ano ang 'kapayapaan' sa isang yakap.

Loving Lara (Karugtong Ng Isang Pag-ibig Revisited) PREVIEW ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon