26. Chicken And You

1.5K 75 6
                                    

HUMINTO ang mga hakbang ni Lara sa may front door. Agad niyang nakita ang naka-set up na tent sa bakuran. Sa labas ng tent, nakalatag ang picnic cloth, may nakatakip na pagkain, apples, disposable plates at bottled water. Relax na relax na nakaupo si Gabriel, may hawak na cell phone ang isang kamay at ang isa naman ay may hawak na nakabukas na libro. Literal na huminto ang paghinga ni Lara nang mag-angat ng mukha ang lalaki at mapansin niyang may suot itong clear eyeglasses na manipis ang frame—parehong-pareho ng suot ni Miguel kapag nagsusulat.

Gustong manlambot ng tuhod niya nang marahang ngumiti ang lalaki—buo ang ngiti nito, walang ipinagkaiba sa ngiti ni Miguel!

Hindi pa rin niya nagawang humakbang maging nang tumayo na si Gabriel. Parang nag-dial sa cell phone at may kinausap. Hindi nito ibinaba ang cell phone hanggang naglakad na papunta sa gate. Lumabas ang lalaki at nawala nang ilang minuto. Pagpasok uli sa gate ay may dala nang bouquet?

Paisa-isa nang naglakad si Lara palapit sa tent—at hindi napigilan ang ngiti nang makita niyang ang comfy sa loob. May dalawang maliit na unan at nasa loob ang paborito niyang stuffed toy—na hiniram ni Gabriel dahil marumi na daw at kailangan nang 'paliguan'

Paglingon ni Lara, palapit na si Gabriel dala ang bouquet—hindi bulaklak kundi...fried chicken!

Nalanghap niya ang bango nang iabot sa kanya ni Gabriel.

"Ang sama mo," ang nasabi ni Lara—hindi malaman kung matatawa o maiiyak.

"Bakit?" balik nito, titig na titig sa kanya. Parang binabantayan nito bawat reaksiyon niya, inaabangan bawat emosyon na dadaan sa mga mata niya.

"Ang bango! Paano ko mare-resist 'yan?"

"Ire-resist pa kasi, ba't 'di na lang bumigay?"

Napaungol siya. Magaang tumawa si Gabriel. Pagkaabot niya sa 'bouquet', inakbayan siya palapit sa picnic cloth. Saka lang napansin ni Lara na inaabot pa sila ng papawalang sinag ng araw.

Pagkaupo ni Lara, isa-isang binuksan ni Gabriel ang mga nakatakip na pagkain—mashed potato, kanin at chicken adobo.

"Sino'ng nag-prepare niyan?"

"Si Tita Lillie."

"Tita Lilie?"

"First wife ni Tito Carlos. Isa sa mga properties nila 'tong rest house."

"Nasaan siya?"

"Sa bahay ng anak, nag-eenjoy magbantay ng apo. Twice a week lang daw siya umuuwi rito."

"Hindi sila okay ng Tito Carlos mo?"

Umiling si Gabriel. "May mga marriage talaga siguro na hindi hanggang sa huli. Hindi na nila naayos ang mga nasira. May girlfriend si Tito Carlos sa States, parang more than five years na sila."

Si Miguel pa ang nagkuwento kay Lara noon na best friend ng ama nito si Tito Carlos. Magkasamang lumipad ng Amerika ang dalawa at doon na halos tumanda. Ang minana pang negosyo sa Spanish-American ancestors ang magkatuwang na hinawakan ng mag-best friend. Parehong chef ang dalawa sa pagkakaalam niya. Chain of Cafés ang negosyo, galing spain siguro ang concept at ini-innovate sa bawat branch na ino-open sa ibang bansa, para ma-meet ang needs ng consumer at bumagay sa kultura, kaya buhay ang mga branches hanggang ngayon.

Sina Miguel at Gabriel, two years old nang iuwi ng ina sa Pilipinas, sa poder ni Lola Soledad na half Spanish half Filipina naman. Patunay ng mga minanang foreign blood ang hitsura ng dalawa. Tanda ni Lara na saglit siyang napatulala kay Miguel noong una silang nagkita. Mas guwapo kaysa sa Brazilian models na sumisikat sa Pilipinas. Expressive eyes, dominanteng tangos ng ilong at ngiti talaga mas kapansin pansin sa mukha. Idagdag pa na perfect moreno at five eleven ang height.

Magkasamang lumaki sa Pilipinas ang kambal at naghiwalay lang noong college years na. Laki sa lola ang dalawa. Ten years old pa lang ang mga ito, nagbalik na ng Amerika ang ina at doon na nanirahan kasama ang asawa. Pagkamatay ni Lola Soledad, ibinenta lahat ang mga naiwan nito. Ang ancestral house na hindi mabenta-benta ang huling naiwan. Hinayaan ng mga magulang ang kambal na magdesisyon para sa sarili. Nagpaiwan sa Pilipinas si Miguel at namuhay independently sa Maynila habang si Gabriel ay lumipad ng Amerika. At nakilala niya si Miguel na nag-uumpisa pa lang mamuhay mag-isa noon.

"Ang dami talagang relationship ang nasisira sa maraming dahilan 'no?" si Lara na nakaupo. Inaamoy amoy niya ang 'fried chicken bouquet'. Ang bango talaga! "'Yong iba naman, nag-e-end na lang bigla na hindi kagustuhan ng couple. Ang unfair talaga ng mundo minsan..." Tumingin siya kay Gabriel. "Si Tita Lillie, hindi na ba siya naghabol? Nag-let go na lang?"

"Mahal pa rin niya si Tito Carlos," sabi ni Gabriel. "Okay lang sa kanya na may ibang girlfriend. Mas mahalaga raw na hindi sila pinapabayaan at hindi sinubukang ipa-annul ang kasal. Umaasa si Tita Lillie na sa huli, babalik pa rin sa kanya si Tito Carlos."

"'Tingin mo ba babalik pa?"

"'Tingin ko? Oo. Sa room ni Tito Carlos sa bahay, pictures pa rin nila nina Tita Lillie at Lee Ann ang nasa desk niya. Sa five years na sila no'ng babae, hindi pa niya dinala sa bahay kahit isang beses lang. Si Tita Lillie at Myla lang ang hinahayaan niyang mag-stay sa room niya."

"Ang unfair do'n sa girlfriend," nasabi ni Lara. "Hindi ba niya ramdam na kabit lang talaga siya? Na pang-sad days lang? Ginagamit lang kontra lungkot at homesickness?"

"Mahirap mag-judge, Lara," ang sinabi nito. "Malungkot sa Amerika. Kung hindi matatag ang puso at utak ng taong iniwan sa Pilipinas ang pamilya, 'di tatagal. 'Yung ibang walang pagpipilian kundi mag-stay, gagawa na lang ng paraan para hindi malungkot. Iba-iba naman ang way natin to cope, mas marami ang nakakahanap ng warmth at pleasure sa isang gaya rin niyang malungkot—and boom!" kasunod ay kumanta ito ng Two Less Lonely People In The World.

Napangiti si Lara. "Dito na nga lang ako sa chicken," Kumuha siya ng isa at inabot kay Gabriel ang bouquet. "Kuha ka o, isa lang, ah?" biro niya.

Magaang tumawa ang lalaki, kumuha rin ng isang chicken leg. Natahimik na sila pareho nang magsimulang kumain ng fried chicken. Hindi na alam ni Lara kung ano ang susunod nilang topic. At hindi na rin niya mapigilan ang sariling sulyapan si Gabriel—Miguel na Miguel talaga ito nang araw na iyon. Pati kasi ang shorts at T-shirt na laging bihis ni Miguel, 'yon rin ang napili o pinili yatang isuot.

Seryoso si Gabriel na maging si Miguel ng dalawang araw?

Loving Lara (Karugtong Ng Isang Pag-ibig Revisited) PREVIEW ONLYWhere stories live. Discover now