18. Unrecognized Emotion

1.4K 87 4
                                    

Bonus: Gab's POV

NAPAMURA na si Gabriel nang nakapatay na ang cell phone ni Jack Rheus. Pagkagising niya kanina mga lampas alas siyete, si Lara agad ang hinanap niya. Sa kabilang kuwarto siya dumiretso. Nakasanayan na niyang gawin iyon, ang i-check kung tulog pa si Lara o nasa kitchen na. Hindi nagsisimula ang araw niya hanggang hindi niya nakitang nasa condo lang si Lara.

Para siyang nasikmuraan nang tumambad sa kanya ang nakaayos na kama sa kabilang kuwarto. Halatang walang natulog. Nag-alala agad siya. Iba na agad ang kabog sa kanyang dibdib. Una niyang naisip, umalis na ng condo si Lara, iniwan siya nang walang paalam. Ang closet at cabinet agad ang tiningnan niya—walang nagalaw sa mga gamit ni Lara.

Napaupo siya sa gilid ng kama nito—nakapagpapahina ang relief na naramdaman niya. Hindi nga umalis si Lara pero nasaan ito?

Bumalik si Gabriel sa sariling kuwarto. Ang cell phone agad ang dinampot niya para tawagan ang mga kaibigan. Hindi sinagot nina Louie at Paige ang cell phone ng mga ito. Nahuhulaan na niyang mahimbing pa ang mga kabanda.

Si Hugh ang sumunod niyang tinawagan. Bedroom voice pa nang sabihing iniwan ng mga ito si Lara sa bar. Napamura si Gabriel. Pinakalma naman agad siya ng kaibigan. Agad na nagpaliwanag. Si JR daw ang tawagan niya—na nagri-ring lang ang cell phone at hindi nito sinasagot. Sa pang-apat niyang tawag, nakapatay na ang cell phone nito. Bad mood na si Gabriel nang dumiretso sa banyo at mabilis na naligo.

Paulit-ulit niyang sinisisi ang sarili. Kung kasama siya ni Lara, maayos sanang nakauwi ang babae. Nasa kuwarto lang sana ito at payapa ang tulog nang ganoong oras—gaya ng maraming umagang dinadaanan niya si Lara sa kuwarto.

Si Lara pa rin ang iniisip niya habang nagso-shower. Alam na agad ni Gabriel kung bakit naglasing si Lara—isa na naman sa kanila ni Miguel ang dahilan. Sila lang naman ang nagpapahirap sa loob ni Lara.

Lara...

Hindi na nawala sa isip niya kung paano tinugon ni Lara ang halik niya, kung paano ito mas humilig sa katawan niya, kung paano tumugon ng yakap, kung paano tumingin sa mga mata niya. Natatandaan rin niya ang tunog ng pangalan niya nang binanggit nito.

At ang titig...

There was something in her eyes that made him feel warm and needy.

Mas nilakasan niya ang shower. Ang bilis lang niyang naligo. Pati pagbihis, humablot lang siya ng T-shirt at shorts sa closet. Ni hindi na niya napansin ang kulay. Nagmamadali ang mga hakbang niya nang dumaan sa sala.

"Aalis ka, Gab?" naghihikab pang tanong ni Myca. Mas pinili nito na sa sofa matulog, nahihiya daw na mang-istorbo kay Lara.

Tumango lang siya, magmamadaling umalis na. Nang mga sumunod na segundo ay nasa kalye na siya. Hindi pa buhol ang trapik kaya hindi siya gaanong natagalan. Pinapasok rin agad siya ng guwardiya na hindi na itinawag kay Jack Rheus. Kilala siya ng guards. Naabutan niya ang elevator bago nagsara. Mabilis siyang nakaakyat. Nasa hallway na siya ng ninth floor nang sumunod na minuto. Parang naghahabol ng emergency ang mga hakbang niya. Nang nasa pinto na ng unit, agad agad siyang kumatok.

Si Kim ang nagbukas ng pinto, may nginunguya pa na kung ano. Hindi niya pinansin ang kislap sa mga mata nito. "Ang Kuya mo?" kaagad usisa niya. Napansin siguro ni Kim na masama ang mood niya, pinapasok na lang siya.

"Jay—" naputol ang sasabihin niya nang makita si Lara, kaharap sa dining table si Jack Rheus, ngiting-ngiti sa isa't isa ang dalawa. Hindi alam ni Gabriel kung ang pag-aalala ba niya, ang relief o ang inabutan niyang eksena ang nagpainit ng ulo niya.

"Dammit, Lara!" mariing sabi niya. "Simpleng text message, hindi mo naisip mag-send? Mabaliw-baliw na ako sa condo, nandito ka lang pala? Nakikipagtawanan sa magaling kong kaibigang hindi sumasagot ng phone!?" Mura uli. "Bakit hindi ka umuwi? Saan ka natulog?" Wala nang pakialam si Gabriel kung para siyang asawa na nagde-demand ng paliwanag.

"Easy, Gab," agap ni Jack Rheus, parang naaliw pa sa init ng ulo niya. "Masyadong mataas ang BP mo," dagdag nito. "Low batt ang phone ko. Baka namatay na nga. Busy ako kanina. Sorry, bro."

Malamig na sulyap lang ang ibinalik niya. "Busy? Busy kay Lara?" Pinipigil niya lang ang sariling hilahin ang kaibigan at itulak sa dingding sa likod nito. Masama talaga ang mood niya.

"Kagabi pa ako busy kay Lara," sagot nitong parang nananadya pa, tumigil na sa pagkain. Inabot nito ang baso ng tubig at uminom.

"Nag-pass out si Lara, Kuya Gab," agaw ni Kim. "Inuwi dito ni Kuya Jay," Bumungisngis pa ang babae. "'Tapos binihisan pa siya ni Kuya." At umalog-alog ang balikat nito sa walang tunog na pagtawa. Suminghap si Lara. Si Jack Rheus ay nagpigil ng tawa. Mas uminit ang ulo ni Gabriel.

"Nagising nang naked si Lara, sigaw siya nang sigaw!" dugtong pa ni Kim sabay hagikhik.

"Kim." saway ni Jack Rheus sa kapatid. Tumahimik naman agad si Kim. Nang ibalik niya kay Lara ang tingin, parang walang anuman na umiinom na ito ng tubig. Naningkit ang mga mata niya. Walang ideya si Lara sa riot ng emosyon sa dibdib niya nang sandaling iyon...

Loving Lara (Karugtong Ng Isang Pag-ibig Revisited) PREVIEW ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon