2. Lara's Pain

2.6K 93 0
                                    

LOSING a loved one, sitwasyong pinakamahirap tanggapin. Ang bigat sa dibdib. Ang sakit sa puso. Para kang paulit-ulit na pinapatay. Sa mga gaya kong nasa parehong sitwasyon, maiisip mo talaga na mas madaling solusyon para matapos agad ang sakit ay ang hindi ka na makaramdam. Walang way para mag-'forced-manhid' ang puso kaya mate-tempt ka talaga na sumunod na lang sa mahal mong nawala.

Suicide?

Ah, many times kong naisip 'yan. Yes, many times na naisip pero hindi ko sinubukan. Why? Ang bilis lang kasi kung gagawin pero pagkatapos, ano na'ng mangyayari? Masasaktan lang ang mga maiiwan. Mag-iisip nang mag-iisip kung ano'ng nagawa nila o hindi nagawa. Kung saan sila nagkulang. Hindi tamang maiwan sa kanila ang burden.

Hindi ko rin gustong humarap kay God na hindi ko siya masasagot nang tama. Ayokong humarap na 'di ko made-defend ang sarili ko sa mga tanong na:

"Lara, bakit ka naging mahina?"

"Lara, bakit hindi ka nagtiwala?"

"Lara, bakit hindi ka kumapit sa Akin?"

Paano ko ide-defend ang sarili ko kay God? Naisip kong mag-isip na muna ng 'right answer' para kay God. Sabi ko sa sarili ko, kung makakaisip ako ng sagot na mako-convince ko Siya—o kahit si San Pedro na muna—na tama ang ginawa ko, saka na lang ako magsu-suicide.

For now, tatanggapin ko na lang muna lahat ng sakit. Iiiyak ko na lang muna lahat. Magkukulong ako sa room ko sa condo, magpapaka-zombie sa manuscript para lang maging busy, magbabiyahe nang walang pupuntahan, tutunganga sa puntod ni Mig, magpapakabasa sa ulan, maglalakad na parang baliw sa kalye, manonood ng movie at lalabas nang walang naintindihan, magpapakalasing, magpapakabusog—lahat ng puwedeng gawin para i-distract ang sarili ay gagawin ko. Para kahit ilang minutes lang, o kahit seconds na lang, mawala isip at puso ko ang sakit.

Madaling gawin?

Hindi.

Ang hirap pero kailangan. Ang hirap pero hindi imposible. Ang hirap pero kaya naman kung gugustuhin.

Sabi nila, lahat ng klase ng pain, nagagamot daw ng panahon. Gusto kong maniwala. Gusto kong umasa.

Sana tama sila.

Sana talaga...

Loving Lara (Karugtong Ng Isang Pag-ibig Revisited) PREVIEW ONLYWhere stories live. Discover now