25. Offer

1.4K 69 3
                                    

SINADYA ni Lara na magkulong lang sa kuwarto kahit matagal na siyang gising. Nagbasa lang siya ng mga baon niyang libro. Ini-inspire pa rin niya ang sarili, kinokondisyon ang utak para makapagsimula ng bagong kuwento. May mga pasulpot-sulpot na plot sa isip niya. Isinusulat na muna niya isa isa ang mga premise ng bawat kuwento. Saka na lang niya babalikan kapag sa tingin niya ay handa na ang isip at puso niya.

Sumama siya kay Gabriel na ang iniisip ay i-inspire ang sarili at huminga lang muna sa ibang kapaligiran. Ito namang housemate niya, may ibang trip. Hindi naman nakainom kanina pero hindi talaga niya naintindihan kung ano ang gusto nitong mangyari at naisip ang kalokohang iyon.

Maging si Miguel nang two days?

Kung noong mga unang buwan pagkamatay ni Miguel nag-offer nang ganoon ang lalaki, maiintindihan niya. Kawawang kawawa siya sa paningin nito at alam niya iyon. Para siyang hindi na sisikatan ng araw. Para siyang talunang warrior na bagsak na bagsak at naghihintay na lang ng balang papatay. Naiahon na niya ang sarili sa sitwasyong iyon at sa tulong din nito. Masakit pa, oo. Sa totoo lang ay ramdam pa niya ang bigat pero hindi na siya gaya ng dati. Hindi na siya lugmok at suicidal kaya hindi niya maintindihan kung anong naisip ni Gabriel at nag-aalok ng kalokohan.

Maging si Miguel?

Napabuntong-hininga si Lara. Kung magkaka-selective amnesia siya, posible iyon. Kung bahagi ng nakaraaan—ang mga eksenang kasama niya si Miguel—ay makakalimutan niya. Hindi magiging si Miguel si Gabriel gaya nang hindi rin magiging si Gabriel si Miguel.

Napatingin si Lara sa cell phone nang marinig niya ang text alert. Itiniklop niya ang libro at inabot ang gadget. Si Gabriel ang nag-text.

Sunset na, love. Gising ka na?

Na-freeze sa screen ng gadget ang mga daliri ni Lara. Pakiramdam niya ay may humampas sa kanyang dibdib at umabot sa puso ang impact.

Love.

Si Miguel lang ang gumagamit ng endearment na iyon. Kung ano man ang dahilan ni Gabriel para gawin iyon, hindi niya gusto. Hindi rin tama. Ni hindi pa nga niya naaayos ang mga basag na parte ng puso niya, ano na lang ang mangyayari kung bubuhayin nito lahat ng masakit na alaala?

I'm waiting outside. 'Got some apple!

Ang laman ng sumunod na text ni Gabriel. Napalunok si Lara. Apple. Hindi nakakalimutan ni Miguel mag-iwan ng apple sa desk niya noon. Kapag alam nitong magsusulat siya hanggang late night, dadalhan muna siya ng sliced apple bago matutulog.

Tumunog uli ang cell phone niya.

And mashed potato.

Napahagod si Lara sa buhok. Bakit ba ginugulo nito ang magulo na niyang isip at puso? Pinipilit na nga niyang bumalik sa dati, gusto ba ni Gabriel na ipaalala sa kanya ang mga nawalang hindi na niya maibabalik?

Ilang segundong pumikit si Lara. Binalikan niya ang mga sinabi ni Gabriel. Paano nga kaya kung may chance siyang makausap at makasama si Miguel na dalawang araw? Ano ang mga sasabihin niya? Ano ang mga gagawin niya?

Nagmulat din siya nang tumunog na naman ang kanyang cell phone.

Lara?

Text na naman ni Gabriel. Hindi na niya hinintay ang susunod pa nitong mga text messages—na may kutob siyang hindi ititigil hangga't hindi siya lumalabas—dinampot niya ang librong binabasa at ang cell phone. Lumabas siya ng kuwarto para kausapin si Gabriel.

Loving Lara (Karugtong Ng Isang Pag-ibig Revisited) PREVIEW ONLYWhere stories live. Discover now